Chapter 23: Nangungulila

1.5K 92 5
                                    

RHIAN'S POV:

            UMUWI ako ng bahay na mabigat ang loob. Buti na lang at gumaan ng kaunti dahil nagkita kami in Glaiza.

           "Mano po Mamang," nagmano ako sa nanay ko sabay upo sa salas, sumandal at pumikit. 

           "Ano ba ang nangyari sa inyo ng nobyo mo aber?" Umupo siya sa tapat ko at nakikita ko pa ang tulo ng pawis sa gilid ng kanyang pisngi dahil sa pag-luluto.      

           "Tampuhan lang po." 
           "Mabigat na tampuhan at nakuha mong hindi umuwi? Hindi ikaw 'yan Rhian. Kahit anong problema ay nandito ka sa pamilya mo."   
          "Hindi ko na po alam Mang. Hindi na kami madalas magkita. Madalang na siyang magparamdam."
         "Eh dahil 'yon sa eleksiyon anak hindi ba?" 
        "Basta iba ho. Atsaka kapag kasama ko siya, parang hindi na siya 'yung Dj na nakilala ko. Masyado na ho siyang na-ngongontrol. Parang nawawalan na ho ako ng disposisyon bilang ako."
         "Anak, ganyan talaga. Marami ka pang susuungin sa relasyon. Hayaan mo munang mag-palamig kayo pareho. Maaayos din 'yan."

         Tumayo ako sa sofa at umikot sa likuran ni Mamang. Pinisil ko ang balikat niya. 

          "Marami ba kayong tanggap na labada? Nakapag-pahinga ho ako, tutulong ako."
         "Tapos na anak. Sige na, pumasok ka na sa kuwarto mo. Silipin mo muna ang Papang mo. May kasalanan pa kayo sa akin  na nilihim ninyong naospital siya. Pasalamat  na lang tayo sa kaibigan mo. Sino nga 'yon?" 
         "Glaiza po."
         "Oh siya sige, magpahinga ka na." 

            Pabagsak akong humiga sa kama at blangkong nakatingin sa kisame. Buti at hindi nahalata ng Mamang na wala akong dalang bag. Dami kong gastos niyan. Make-up, 'yung pills kong bagong bili at higit sa lahat, ang cellphone ko. Mas pinanghinayangan ko pa ang mga pictures at exchanging messages namin ni Glaiza doon.

         Pumihit ako patagilid at naluha. Saan na ba patungo ang puso ko? Bumangon ako at naligo ulit. Binuksan ko ang laptop ko at mamalasin nga naman na naubos na pala ang data ko.Walang silbi kaya't sinauli ko na lang sa bag ang laptop. Pinuntahan ko na lang ang Papang at minasahe siya. 

        "Pang, sorry ha. Hindi ako nakauwi kagabi. May inasikaso lang ang prinsesa mo," sabi ko habang hinihilot ang noo niya. Puro ungol lang ang sagot niya sa tuwing may kinukuwento ako. 

        "Pang, umiiba ang tibok ng puso ko. Alam kong mali pero hindi ko alam kung paano pipigilan. Naaapektuhan na ho ako." 

        Inangat ni Papang  ang kamay niya at marahang pinisil ang isa kong  kamay sa balikat niya. I miss my father. Isa sa dahilan kumbakit ayoko pang mag-asawa dahil bukod sa busy si Mamang ay ako lang ang medyo nagta-tiyagang alagaan siya.

        Lumipas ang isang linggo matapos ang Valentines day. Walang Dj at walang Glaiza na nagpaparamdam. Tahimik ang puso. Ganito na lang nga siguro. Kung paano akong nabuhay nang mga wala pa sila sa sistema ko.  But deep inside? Sadness is what I feel regarding with DJ. Longingness is what I feel towards Glaiza.

         Pinandigan kong walang cellphone para wala na rin munang koneksiyon sa kanilang dalawa dahil gumulo ang isip ko sa pagdating ni Glaiza. 

------

        Last week ng Pebrero ay hindi ko inaasahang makita ang kotse ni Glaiza sa tapat ng Angel's Academy. Naligaw lang kaya siya? Lumabas siya ng kotse at kumaway. Tiningnan ako ng masama ni Madz dahil iba raw ang pakiramdam niya kay Glaiza. 

          "Sige na, alam kong mas namimiss mo siya. Kahit sino pa man ang makakapag-pabalik ng ningning sa mata mo, go ako." 
         "Ikaw talaga." 
        "Sige na, basta 'yung mga dapat mong asikasuhin sa graduation next week, ayusin mo ha?"
          "Oo alam ko." 
         "Sige na, may lakad pa ako. Atsaka may kotse naman siya ngayon, bumili ka na ng telepono bago maubos 'yung ni-loan mo sa office."
         "Naisip ko nga rin 'yon. Sige, itetext kita. Bibili na ako mamaya." 

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon