Chapter 21: The Other Side

1.5K 90 2
                                    

RHIAN'S POV:

           Maaga akong nagising. After meal ay ininom ko ang pills ko. Mahirap nang sumablay. Alam kong manghihingi si DJ ninety five percent. 

         My morning routine is just the same. Pasok sa school para magturo ng halfday at mga texts ni Glaiza ang kumukumpleto ng araw ko. After ng work ay hindi muna ako umuwi. Pinuntahan ko si Glaiza sa ospital kung saan naka-admit ang ate niya. 
Six pa naman ng hapon kami magkikita ni DJ sa Gerry's Grill.

           Naabutan ko siya sa hallway na gumagamit ng tablet niya. Hindi niya namalayan ang presensiya ko nang tabihan ko siya. 

          "Hi," bati ko sa kanya at nag-alangan pa akong halikan siya sa pisngi. 

          "Oh hi! Grabe, bakit nagpunta ka pa? Sabi ko ako na lang dadaan sa inyo diba?"
         "Namiss kaya kita."
         "Ha! Ha! Ewan ko sa 'yo. Kumain ka na?"
         "Oo lunch, ikaw?"
         "I had my brunch anyway. Kala ko, m-magkikita kayo ni BF mo?"
         "O mamaya pa 'yon eh. Kamusta si Ate?"
          "Ayo'n, nagpapahinga. Baka sa susunod na araw pa kami lumabas. Ando'n kasi ang dalawa niyang anak kaya lumabas muna ako."

        Pinatay nya ang tablet niya. "Oh bakit? Baka trabaho 'yon? Okay lang ako, I can wait," sabi ko.

        "No, it's nothing. Sinagot ko lang email ni Tim." 
        "Tim?" 
        "Yah, nangangamusta lang." 
        "Ahhh…" 
        "O huwag ka na magselos, it's just purely business. C'mon, let's have a snack. May pasta parlor sa tapat." 

        Nagsalubong ang kilay kong tumayo. Ha? Ako nagseselos? Hindi ah! 

        Umorder lang ako ng pesto at four seasons. Siya naman ay caesar salad at spaghetti. 

         "Mabubusog ka ba niyan?" tanong ko.
        "Sakto lang." 

        Napansin kong matamlay si Glaiza. Magkatabi kami ng upuan kaya mabilis kong nahuli ang kamay niya.  Pinisil pisil ko 'yon kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. 

          "Malalagpasan mo din 'yan Gee, magiging okay si Ate Glynd." 

          "Yes I Know. It just saddens me how she came up like that. Alam mo yon? Bakit kailangang magmahalan ng dalawang tao, mangakong mag-iibigan habambuhay, then one soon became uninterested in marriage and 
finding someone new? May mga batang naapektuhan pero gano'n lang ba kadali yon? Hindi na kita mahal eh, ano'ng magagawa ko? Hindi ba puwedeng  hey! Ayusin natin, saan ang problema?" 

         "Para namang bigla akong natakot mag-asawa niyan." 
        "Hindi nga love, diba? See my point? Kayo ni Dj, how sure are you na hindi ka niya iiwan or ikaw sa kanya?" 

        Bigla akong natigilan sa tanong niya. Dahil as of this moment nga ay hindi na ako sigurado. 

         "Huwag mo na lang isipin 'yon. Basta huwag kang bumalik kay Tim!"
         "Ang layo naman ng sagot mo."

         Eksaktong  patapos na kaming kumain ng magring ang cp niya. Doon ko lang napansin na hindi pala kaming dalawa nagbitaw ng kamay. 
Ando'n yung pakiramdam na parang hinahaplos ang puso ko sa tuwing mag-kahawak kami ng kamay. 

         "Are you done? Gising na raw si Ate, tara?"
        "Okay sure, tara na." 

         Glaiza paid the bill. Mapilit. Sabi ko na lang, ako na sa susunod. Oo, gusto kong marami pang susunod. Nasa eight floor ang room ni Ate Glynd. Habang nag-lalakad kami sa hallway ay inikot niya ang braso niya sa braso ko at hinilig ang niya ang ulo niya sa balikat ko. Ang sweet diba? 

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon