Chapter 5: Simbang Gabi

2.1K 99 7
                                    

One of my favorite scene

_________

RHIAN'S POV:

         HINDI na dapat ako sasama sa field trip dahil hindi ko pa tapos ang lesson plan na ginagawa ko. Gusto ko na kasi sanang matapos dahil magiging busy na kami ni DJ sa pag-prepare ng kasal namin.

          Pinakiusapan lang ako ni Madz para umasista sa kanila dahil sa mga bata. Gusto rin niya kasing i-scout ko 'yung lugar kung tumatanggap ang farm ng venue for wedding receptions. Pero nang nand'on na 'ko, nawala sa isip ko ang mga itatanong ko sa may -ari na si Glaiza.

         Iniisip ko kasi mula ng magtama ang mata namin kung saan ko siya nakita. I was disturbed by her presence, yes. Ang boses niyang babaeng babae at ramdam ko ang characters sa kinukuwento niyang Alamat ng Rosas. Sa gusto ko siyang masolo ay nagpresinta ako na ako na ang magsettle ng bill sa office niya. Pero hindi ko pa rin magawang magtanong nang nasa harap ko na siya. Kinakabahan ako pero hindi ko maintindihan kumbakit.

          Totoong paborito ko ang dilaw na rosas, at totoo ring unang beses kong makatanggap no'n sa isang tao. Kaya naman hindi ko mapigil na yakapin siya. Nahiya ako bigla dahil hindi naman kami close para gawin ko 'yon.

        Ala singko y media nang makauwi ako ng bahay. Walang tao sa bahay. Pagsilip ko ay tulog ang Papang sa silid niya. Kinuha ko ang isang flower vase at doon nilagay ang rosas na bigay ni Glaiza. Tinabi ko sa isang halaman sa may bintana. Matutuwa ang Papang kung makikita niya ito. Kami lang kasi sa pamilya namin ang mahilig sa halaman at bulaklak.

           Hinaplos ko ang ilang petals bago ko inayos ang puwesto ng vase.
Tumibok ng malakas ang puso ko nang muling maisip kung sino ang nagbigay. Si Glaiza. Haaay! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko parang.... parang gusto ko siyang ulit makita. Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako sa kanya diba?

          Humiga ako saglit sa kama. Walang limang minuto ng tumunog ang cellphone ko. 'Pangga calling: Sinagot ko pagbangon ko.

        "Hello Gà, asa'n ka?"
        "Haus."
         "Be, tumakas lang ako galing sa isang meeting. Namimiss na kita."
         "Ako rin."
         "Siyanga pala, naalala mo 'yung nirefer na coordinator ng co teacher mo? Nadaanan ko kasi noong hinatid kita. Malapit lang 'yon sa bahay niyo be."
         "So?"
         "Ahmm..tinawagan ko 'yung may-ari, sabi ko interasado ako sa service niya. Kakailanganin ng wedding coordinator dahil hindi kakayanin ng ikaw lang. Ako naman ay wala lagi sa tabi mo."
          "Ahhh....okay. Okay 'yun. Paanong gagawin ko? Magkikita ba kami, tatawag ako o siya? May appointment ba?"
          "Itext ko sa 'yo 'yung number niya, kinuha ko kasi. Binigay ko na rin ang pangalan mo sa kanya at number din."
         "Okay sige. Baka tapos ng simbang gabi bukas ay puntahan ko siya. Hindi ka ba makakapunta rito? Last simba na 'yon?"
         "I'm sorry Gà, hindi na kakayanin. Babawi ako promise. O siya pa'no, tawag na ako ng Mama. I will call you again, okay?"
        "Okay be."
        "Ingat ka palagi, I love you."
        "I love you, too."

         Pagbaba ko ng tawag ay sinave ko sa cellphone ko ang number. Ano bang ilalagay kong pangalan? Hindi ko naitanong. Tiningnan ko ang oras, alas syete kuwarenta'y sais. Gabi na ba masyado? Hmmm.... gising pa siguro 'yung taong nakausap ni DJ. Dinial ko ang numero. Tatlong ring. Ibaba ko na sana nang mag hello siya sa kabilang linya.

         Bakit gano'n? Hello pa lang, bumilis ang tibok ang puso ko? Bakit ba ganito ako lately? Iavail ko na siguro 'yung annual health examination sa trabaho kaysa masayang. Baka may diperensya na ang puso ko?

         "Ah...hello. S-si Rhian po ito. Ahhmm... pa'no ba?"
        "Yes Rhian! How's the rose?"
        "Ha? Rose?"
         "Ha! Ha! Si Glaiza 'to! Andali mong makalimot."

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon