Chapter 32: Their Emotions

1.4K 98 9
                                    

RHIAN'S POV:

        I need to be strong. I need to be responsible for my actions. Dj called off the wedding, I was kicked-out at my job and I am lost.

        I wanna run to Glaiza but I don't want her to be bothered by my problems. Ako ang may gawa nito, ako din ang mag-aabsorb.

        Habang pauwi ako sakay ng tricycle ay tinawagan ko si Glaiza.
       
        "H-hello Glai."
        "Rhian are you okay? Asa'n ka, pupuntahan kita. Lagi akong naghihintay ng call at text mo. Huwag mo ako masyadong pag-alalahanin, please."
        "A-I'm fine. I just...I just wanna hear your voice."
        "Okay. I assume nasa tricycle ka. Pauwi ka na? Di ba may pasok ka na?"
        "Ahm, uuwi muna ako Gee, sumama pakiramdam ko eh."
         "Okay sige, please please itext mo ako pag-uwi mo ha?"
         "Sigurado 'yon."
         "Rhi...mahal na mahal kita. Andito lang ako, huwag mong kalimutan."
        "Don't forget to remember that I love you too, so much Glai."

        Huminto ang tricycle sa gate namin at hindi ko na nabati si Rona. Papasok siya sa trabaho niya at masaya na kahit papano ay may katuwang na ako sa gastusin sa bahay at pambaon nina Ruru at Raffy.

        Ganitong oras ay tanging si Mamang na lang ang tao sa bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay naabutan kong nagluluto siya. Nagmano ako. Pumayag naman siyang kunin ko ang kamay niya.

        Nararamdaman kong may alam na siya sa nangyari. Pumasok ako sa loob ng kuwarto nina Papang. Naabutan ko siyang nakatingin lang sa labas ng bintana, tulala. Lumapit ako sa kanya at minasahe ang balikat niya.

        "Pang, ayos lang ba kayo?" Tanging ungol lang ang narinig ko mula sa kanya. Namimiss ko na ang boses niya.

        "Pang, pasensiya na ho kayo. Mula noon, sinikap kong ibigay ang lahat para sa pamilyang ito. Nang magkasakit ka, walang reklamo kong sinalo ang ilang responsibilidad kung hindi man lahat. Ayokong mapagod Papang dahil mahal kita."

        Hinilig ni Papang ang ulo niya pakaliwa at umuungol lang siya tanda na gusto niya rin akong kausapin. Maya-maya ay naramdaman ko na ang mainit niyang laway sa palad ko.
Kinuha ko ang panyo ko at umikot paharap sa kanya. Lumuhod ako at inuna kong punasan ang laway sa bibig niya bago ang sa kamay ko.

         "Rhian!" Napatayo ako bigla sa sigaw ng Mamang. Bumilis ang tibok ng puso ko.

        "Mag-usap nga tayo babae ka, halika."
        "Mang, sa kuwarto ko na lang po."
        "Walang pinipiling lugar kung saan kita gustong kausapin!"
        "Ang Papang po."
         "Baldado na 'yang ama mo, wala ng silbi 'yan! Halika," hinablot niya ang braso at hinila papunta ng bintana.

         Sinara niya bago ako harapin muli. Ayoko sanang sa harap ni Papang dahil kahit ganito siya ay nakakarinig pa ang Papang at hindi ibig sabihin na wala na siyang emosyon o damdamin.

         "Mamang..."
         "Nagpunta dito kanina ang Mama ni DJ. Kinausap niya ako."

         Biglang sumikip ang dibdib ko dahil hindi sumagi sa isip ko ang mga komprontasyon sa pagitan ng mga magulang namin.

         "Hindi na siya umabot ng bahay at sa gate lang kami nag-usap. Ano ba 'yung kumakalat na tsimis na nakipaghiwalay raw sa 'yo si DJ?"
         "Opo. Totoo po, kanina nag-usap kami."
         "So totoo pala. Pero hindi naman siguro totoo na ang dahilan ay ang mahuli ka niyang kasama ang isang babae sa isang makompromisong tagpo?"
         "Mamang," walang lumalabas na boses sa lalamunan ko. Kilalang kilala ako ng Mamang at alam niya kung nagsisinungaling ako sa hindi. Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw at hablutin ang buhok ko sa likod. Napalunok ako.

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon