Chapter 17: Arms around you

1.6K 89 4
                                    

RHIAN'S POV:

           NAIWAN ako sa kuwarto at inopen ko na ang cellphone ko. I called up DJ. Eh ano naman kasi ang gagawin ko dito? Magmukmok at dumating ang ex-jowa ni Glaiza?

        "Hello Be!"
         "Oh Be, bakit? Kasama ko ang mga colleagues ko."
        "Ah…andito ako sa condo ni Glaiza. Dito ako matutulog. Umuwi kasi sa probinsiya sina Mamang."
         "Ah s-sige. Asa'n si Glaiza?"
        "Eh ayun, dumating ang ex fiance niya. Nasa salas. Tumawag lang ako para mag goodnight."
         "O sige, goodnight be. Tama matulog ka na ng maaga. Kasya ba kayo sa kama?"
         "Eh mukhang masosolo ang kama tonight dahil for sure, sila ang magtatabi, hahaha!"
          "Ikaw talaga! Behave ka dyan ah."
        "Of course I am."

         Inoff ko na ulit ang cp ko at sinoli sa bag. After a while ay pumasok si Glaiza dala ang pizza at softdrinks.

           "Hi love, ito na ang food mo. Ayaw mo bang makijoin sa amin?"
          "Don't love-lab me ah!"

          Nilapag niya sa kama ang pakain. "Hala! Bakit may sumpong ka?"
         "Inaantok na ako."
         "Uy hintayin mo ako, pauuwiin ko lang si Tim, saglit lang siya promise."
         "Huwag mo kong  alalahanin, sige na labas na."

         Nilapit ni Glaiza ang mukha niya sa akin na ikinabog ng dibdib ko. Nasinghap ko ang mabango niyang hininga. Pinitik niya ang dulo ng ilong ko.

          "Namiss kita Rhian at dito ako matutulog sa tabi mo tonight okay? Huwag kang pasaway!"

         Inilayo ko ng konti ang mukha ko. "Tse!"
         "Sige na, kumain ka na. Labas na ako."

        Tinapos ko ng mabilis ang pagkain, pumasok ng banyo nag shower, nag toothbrush at uminom ng pills. Huwag na huwag lang talaga ako mahuhuli ni Dj at malaking away ito.

          Bago humiga ay sinubukan kong lumabas ng room at silipin sina Glaiza. Tahimik kong binuksan ang pinto at niliitan ko lang ang awang.
Nakaupo ng mag katabi si Glaiza at Tim. Nakataas ang isang paa ni Glaiza habang hinahalo ang mainit niyang kape. Alam kong mali  ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigilan. Hinawakan ni Tim ang kamay ni Glaiza. Sa gesture nilang 'yon na hindi pinalis ni Glai ang kamay nung lalaki ay parang kinurot ng pino ang puso ko.

Ito ang usapan nila..

         "I've missed you babe. Sobra."
         "Tim, c'mon! Iba na ang buhay mo ngayon. Wala ng magagawa 'yang mga salitang 'yan," sagot ni Glaiza..
         "Have you forgiven me?"
         "For what?"
         "C'mon honey…." pagsusumamo ni Tim. Ano ba feeling nitong lalaking 'to? Babalikan siya ni Glaiza?
          "Eh ano pa nga ba kasi? Kung iisipin kita ng iisipin, ano'ng mangyayari sa buhay ko? Nagkamali ako ng minahal eh! Nambabae, nambuntis, pinanagutan, saan pa ako?"

            Napa buntung-hininga ako, kung dahil sa pait at sakit na nahimigan ko sa boses niya, hindi ko alam.

          "I'm sorry. Guilting-guilty ako sa mga nangyari. Mula noon ay hindi ka nawala sa isip ko at pinagka-antay antay ko ang pagkakataon na 'tong makahingi ng tawad sa 'yo."
           "Masaya ka ba?"
          "No. I have realized what I dod wrong pero heto na ako eh."
          "So ano ngayon?"
          "Sa 'yo lang ako naging masaya Glaiza," nilapit ni Tim ang mukha niya kay Glai at hinagod ng halik ang likod ng tainga niya. Parang alam na alam talaga niya kung saan hindi makakatanggi si Glaiza. Pinigil ko ang sarili kong lumabas.

           "Stop it Tim, umuwi ka na! Napatawad na kita at tapos na 'yon. Let's move on."
          "May iba na ba? Bumalik na si Carlo?"
          "No, nasa ibang bansa na si Carlo at may sarili na ring buhay kaya please? Kung ano ang pinili mo, don' ka na lang."
         "Kilala kita Glaiza, you can't resist my charm unless you have someone new?"
          "Tim please, stop!"
          "Do I know the lucky man?"
          "No!  Oo, may nagugustuhan ako at hindi mo siya kilala. Wala siya sa sirkulo niyo."

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon