Pinigil ko ang ngiti at umismid. "How can you be so sure, na hindi ka magloloko? Eh napakababaero mo?''

"Because I'm so into you.'' he gave a smile, at pakiramdam ko ay namula ako ng husto. Kailan pa ako natutong magblush dahil kay Hidalgo? "Why are we talking about relationship problems, when we can talk about our relationship goals huh?"And Quinn, if you're still doubting my feelings for you.Uulitin ko..."

Inilayo niya ako sa kanya. He made face him, by cupping my face. "I won't go this far, if I'm not this fvcking serious. I won't be sitting with you here, I won't introduce you to my family and most of all..." Niyakap niya ako ng mahigpit. Iyong talagang sakto iyong tenga ko sa kaliwang dibdib niya. "My heart won't beat like I'm having a heart attack, Kung hindi ako baliw na baliw sa iyo."

''Oo na..." tumango ako sa kanya at napapailing na ngumiti sa kanya. Ngunit nagulat ako ng matigilan siya. Anong problema nito? "En?'' pukaw ko sa kanya ng para siyang tangang napatulala.

"Alam kong maganda ka naman talaga." he said. Almost whispering. "Pero tangina, wag mo akong ngingitian ng ganon Mahal na Reyna. Baka mabaliw na ako sa iyo. Nagmumukha kang Anghel sa paningin ko eh."

"Bola pa Cali Enrique, bagay ka ngang maging Captain ng Basket Ball Team."

"Bagay nga tayo talaga eh." kinindatan niya ako. "President ka, Captain ako. Meant to be!"

"Kadiri ka ang landi mo." Umirap ako, ngunit sa totoo lang ay natatawa ako sa kanya. Hindi ko alam na may ganito siyang side. "Eh paano yan, mukhang ayaw sa akin ng Tatay mo. Kung hindi mo lang Tatay iyon, baka nasagot ko na siya."

"Si Papa?"

Napapapalatak ako sa katangahan niya. "Kasasabi ko lang diba? Tatay? Alam mo En, gwapo ka sana, slow kalang. Slow na, tanga pa."

''Grabe ka talaga sa akin eh no?" sinimangutan niya ako bago muling yumakap. "Ano namang pakialam ko kay Papa? Siya ba ang Boyfriend? Bahala siya sa buhay niya."

"Boto siya kay Morgianna 'The Higad' Addecer."

Malakas na natawa si Cali at pinisil ang ilong ko. "You and your unfiltered mouth."

"Whatever" Muli akong humilig sa kanya, ng gumalaw siya at dumukot sa kanyang bulsa. Nagsimula siyang magpipindot sa cellphone niya. Now, who is he talking to? ''Sinong katext mo?" hindi ko mapigilang magtanong, bakit ba? Girlfriend ako, I have my privilage pwede ba?

"Wala naman." Hindi niya man lang ako nilingon. Wala pero kung makatap sa screen ng phone niya, wala? Ni hindi ako sinulyapan? Umalis ako sa pagkakahilig at sinamaan siya ng tingin, but he just grinned at me. "Wala nga."

"Wala? Eh anong ginagawa mo? Naglalaro?" Naglalaro siya ng magkasama kami? Aba! Ayos!

''Hindi ah."

"Eh ano nga?" napipika na ako, punyeta.

"I just changed my status relationship sa FB, from single to in a relationship." all smiles pang sabi niya. Iniharap niya sa akin ang screen ng cellphone niya. "Dyaran!"

''Confirm mo mamaya, Mahal na Reyna ah? I'll add you in my FB. Para naman hindi ako feeling assumero diba?"

"But I don't do FB's. Hindi ako mahilig sa Social Media." Pinaikot ko ang mga mata ko. Kaartehan lang yan.

"Aren't you proudfor being my Girlfriend?" para bang offended na aniya sa akin. Kay arte nito! ''Kasi ako, I'm so proud that I finally have you as my girlfriend. Ang tagal na kaya kitang tinitingnan lang sa malayo. Sino ba naman kasi ang hindi iilag sa iyo? Kilay mo palang pag tumaas na, nakakatakot na. That's why gusto ko ipagmalaki sa lahat na akin ka na."

Cali's Queen (Completed) EDITINGWo Geschichten leben. Entdecke jetzt