Chapter 75

6.1K 224 182
                                    



CHAPTER 75


[CHASE]


Kasalukuyan kaming nagtatawanang magkakaibigan dahil sa palarong si Eric mismo ang nakaisip. Masyado kasing magulo ang rules ng game niya but then I admit masaya siya at naaaliw ako sa larong ito.


"Buhatin mo na lang kasi si Stella ng mapabilis kayong dalawa! Nahiya pa kayo." May halong pangungutya mula kay Eric, tiningnan ko naman si Stella at natatawa lang ito sa mga pinagsasabi ni Eric.


"Buhatin daw kita. Ayos lang ba sayo?" hingi ko ng paalam kay Stella. Sandali naman siyang nag-isip at sunod-sunod na umiling dahil sa hiya.


"Wag na lang. Kaya ko naman eh." Aniya pero dahil di kami tinitigilan ng mga kaibigan namin ay naisipan kong buhatin na lamang siya pero ng gagawin ko na ito'y bigla akong tinawag ni Blood.


Napatingin ako sa gawi niya maging ang mga kaibigan ko. "Hey Blood, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Cassy."


Naglakad siya palapit sa amin ni Stella tsaka tumingin sa labas. Napunta din sa may gate ang tingin ko at wala namang kakaiba doon.


Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay tsaka lang siya ngumiti at tinapik ako sa aking balikat, "Let's talk later." Aniya tsaka umalis at lumapit sa girlfriend niyang si Cassy na karga sakanyang bisig ang anak nila.


"His a bit weird." Puna ni Stella kaya napaisip din ako. Parang may gusto nga siyang sabihin sa akin, what could that be?


"Balik na nga tayo 'dun." Hindi na ako nagsalita pa't sumunod na lang ng hilahin niya ako sa braso.


[TARA]


"So who is he?" paunang tanong niya habang magkakrus ang braso sa dibdib at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko naman siya matingnan ng diretso sa mata dahil nakakatakot siya makatingin. Bakit pakiramdam ko nakagawa ako ng napakalaking kasalanan.


"D-Diba, sinabi ko na sayo... Ka-kateam ko nga kasi..." nauutal kong sagot. Bakit ang hirap niyang tingnan sa mata. Pero siguro mas mabuti na 'to kaysa tanungin niya ako about sa bagay na yun.


"And you are staying together in the same hotel room?" napaawang ang aking bibig sa sunod niyang tanong. Wew, daig niya pa ang imbestigador.


"Oo..." may karugtong pa sana yung sasabihin ko pero di ko na natuloy dahil umeksena na siya agad at napataas pa ang tono ng boses.


"W-What?? Seriously?" napaikot ako ng mata at umismid dahil sa ka-OAyan niya.


"You are staying on the same room with that guy when I haven't even shared the same room with you ever. Nasaan ang g*gong yan, makakatikim yun sakin." Handing-handa na siyang sumugod sa tindig niya pero pinigilan ko siya't pinaupo ulit sakanyang upuan. Sinubukan ko muna siyang pakalmahin pero matigas talaga ang ulo ng isang ito, di man lang pakinggan muna yung sasabihin ko.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon