Chapter 62: Bio-Data

15.2K 374 175
                                    



Dedicate this chapter to @MhaiMeeU and @nickiannaee . Hi sweetie, thank you for supporting PMS. Lovelots and keepsafe always sweeties. <3 



Chapter 62: Bio-Data



[CHASE]



Napapalatak ako sa sobrang inis dahil sa sinabi ni Shane sa akin. Masuka-suka na ako sa opisina kanina dahil sa nakakadiring tingin na pinupukol sa akin ng gagong Dale na yun. Gusto niya pang makipagkamay sa akin muntik ko na siyang bigwasan sa panga.



"Fvck!" nasipa ko na naman ang pinto ng restroom sa ikapitong pagkakataon. Mabuti na lang at walang pumapasok dito sa CR ng mga babae. Kanina ko pa tinatawagan si Cris pero di niya sinasagot ang tawag ko. Mukhang tulog pa ata. Yung dalawang kaibigan ko naman di ko mahagilap.



Nasaan ba ang mga taong 'yun kapag kailangan mo?!



"Chaselle?" napatalon ako sa cubicle na pinagtataguan ko ng kumatok mula dito si Shane. Dali-dali kong isinuot ang wig ko tsaka inayos ang sarili. Kunwari ko pang finlash ang toilet para kapani-paniwala na ginamit ko nga yung banyo.



Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle tsaka siya sinalubong ng malawak na ngiti.



Mabuti na lang talaga at napapawi ang badtrip ko kapag nakikita ko itong babae sa aking harapan. Pagtatyagaan ko na lang ang tyanak na yun, tsaka na lang ako mag-iisip ng pwedeng gawin para despatyahin ang lalaking yun.



"Okay ka lang ba huh? Kanina ka pa kasi nandito, hinahanap ka na sa studio." nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya at libong boltahe namin ng tuwa ang dala nito sa aking dibdib. Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang maalagang Shane na kilala ko.



"Tara na?" tumango na lamang ako sakanya tsaka sumunod palabas ng restroom. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya palabas pero ano naman ang idadahilan ko sakanya, kaya pinigilan ko na lamang ang sarili.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon