Chapter 55: Months Later...

16.2K 377 86
                                    



Hi sweeties, I dedicate this chapter to you, Sony Kimzz, Katleya Raneses and Richierelie Kin Nanual Salvador. Salamat sa patuloy na pagsubaybay ng PMS! Advance Merry Christmas na din pretties! And a Happy New Year! <3 Lovelots and Godbless always. 



Next chapter! Random dedications naman mula sa mga sweeties kong nagme-message sa akin dito sa wattpad! ^_____^ Babasahin ko na din isa-isa ang mga message niyo sweeties kaya just leave your messages in my inbox. Godbless and Enjoy this chapter! 



Sa mga nasa comment box naman po sa previous chapter, nakalista na po ang mga pangalan niyo. Abangan niyo na lang po ang mga pangalan niyo! :* Lovelots.  



~Psyche 



CHAPTER 55: Months Later...



[HELLARD]



"Thanks for picking Clowee up Hell. Aalis ka na ba?" Hindi ko muna sinagot si dad dahil kaharap ko pa rin si Clowee at nagpapaalam pa ako sakanya. Ginulo ko lang ang buhok niya tsaka siya humalik sa aking pisngi at tumakbo na paakyat ng hagdan.



Tsaka lang ako tumayo at hinarap si dad. "Yes dad. Susunduin ko pa ang kambal ko sa University wala siyang dalang kotse." sagot kong tinanguan naman niya agad.



"Okay then. Tell your mom and dad about our dinner this coming Saturday okay? Sabihan mo na rin ang kapatid mong wag masyadong isubsob ang sarili sa pag-aaral. Makakasama iyon sa kalusugan niya." Ngumiti ako kay dad bago tumango. Lumapit naman siya sa akin at tinapik ako sa balikat.



"Ingat sa pagmamaneho."



"Sure dad, alis na po ako."



Pagkatapos kong magpaalam kay dad ay sumakay ako agad ng kotse at tinahak ang palabas ng village nila. Papalubog na ang araw at kung hindi ko dadalian ay baka abutan kami ng gabi sa daan.



I almost forgot, 5 months na pala ang nakalilipas at masasabi kong tahimik na din ang naging buhay namin. After the Dapitan trip, inalam ko ang lahat tungkol sa pangalawa kong pamilya. Hindi naman pinagkait sa akin ni mom at dad na makilala sila. They even became friends at ngayong Saturday nga ay may dinner ang family nila sa family ko.



Mom's condition has gotten a lot better again, thanks to her chemotherapy at sa suporta naming mga nagmamahal sakanya. Nakatulong daw ang pagbabalik ko para naisin ni mom na lumabang muli sa sakit niya pero the fact that she only got a month to live still sadden us. Tinanggap na lang namin ang katotohanang iyon, sulitin na lang daw namin ang mga natitirang sandali na kasama siya.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon