CHAPTER 13: Trip to Tagaytay

12.6K 419 29
                                    

[SHANE]

"BESSY DALIAN MO NA!!!!!!!!!!!!" atat na tawag ni bessy sakin sa ibaba ng hagdan.

"Teka lang! Ito na!" sagot ko dito. Nagsusuot pa kasi ako ng sapatos kaya medyo matagal ako. Pupunta daw kasi kami ng Tagaytay ngayon. Kasama sina Eric, Ken, Cris, at Arkin.

1 week na ang lumipas simula ng huling pagkikita namin ni Hellard, everything went well after that. Focus na ako ulit sa studies ko at nakakabawi na rin ako sa mga absences ko sa school nung mga nakaraang week. Kakatapos lang ng second semester namin at vacation namin ngayon kaya ito, naisipan naming mag out of town.

Babalik na rin kasi si Arkin sa America para sa shoot ng bago nilang movie kaya baka last na namin tong makasama siya.

Bumaba na ako after kong matali ang sintas ng sapatos ko at nagpaalam na kaming dalawa ni bessy kay mommy.

"Mag-iingat kayo dun ha. Yung mga gamit niyo dala niyo ba?" tanong ni mommy bago kami umalis.

"Opo mommy. Dala po namin lahat at wala po kaming nakalimutan." sagot ko kay mommy.

"Okay sige." tsaka na kami humalik sa pisngi ni mommy at tumatakbong lumabas ng bahay.

"Ang tagal niyo naman. Tara na." naiinip na sabi ni Eric na naka-abang lang sa labas ng van.

"Pwede mag-sorry Eric?" sarkastikong sabi ni bessy sakanya.

"Sumakay na nga kayo!" sigaw naman ni Ken na nasa driver's seat.

Pumasok na kaming lahat sa loob ng van tsaka na umalis. Katabi ko ngayon si Arkin dito sa may unahan, si bessy at Cris naman nasa pangalawa at si Eric ang katabi ni Ken sa may driver's seat.

Kanya-kanya lang sila ng ginagawa habang nasa byahe, kami naman ni Arkin, nag-uusap lang.

"Babalik ka pa ba dito after ng shoot mo sa America?" tanong ko sakanya habang kinakain namin yung dala kong dorittos.

"Yeah, Ofcourse. Your here so I'll definetly comeback." nakangiting sagot ni Arkin sa tanong ko.

"Shane, about that guy who looks like Chase, are you still going to look for him?" natigilan ako bigla sa tanong ni Arkin at napa-isip.

Nagflashback ulit sakin ang sinabi ni Hell bago siya tuluyang umalis ng gabing yun.

"We have different lives, so live yours. I just hope that, this will be the last conversation we will have. Please, just stay away."

May epekto pa rin sakin yung sinabi niya pero di na ganon kasakit tulad nung gabing yun.

"Hindi na Arkin. I decided to move on. At nagising na ako sa katotohanang wala na talaga si Chase kaya, ititigil ko na." The moment I said that to him, parang napanatag siya bigla kasi naging payapa agad ang mukha niya.

Ngumiti kami sa isa't-isa tsaka niya sinabing ubusin na namin ang kinakain namin kaya kumain na lang kami ulit.

[TARA]

"Tara, okay na ba talaga si Shane?" tanong ni Cris sakin.

"Ok na nga siya. Wag kang mag-alala kay bessy, ok na talaga siya."

"Buti kung ganon. Plano ko sanang kumuha ng private investigator para pa-imbestigahan yung. . . .sino nga ulit yun?"

"Hellard." sagot ko sakanya na nakatingin lang sa labas ng bintana.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon