Chapter 54: Pagsuko

14.8K 380 112
                                    



Dedicate this chapter to my lovely sweeties! Norene Clemente, Angelica Mondero and Precious Audrey. Maraming salamat sa pagiging active reader ng PMS sweeties! :) Maraming salamat din sa walang sawang suporta niyo sa akin. Malaking bagay ng makita kayong active sa group at PM. I love you ladies. Take care always and Godbless. <3 



Enjoy reading. :)



CHAPTER 54: Pagsuko



[CHASE]



"Sige na, pumayag na kayong mag-out of town tayo please babe! Your mom already said yes! Ikaw na lang at yung kapatid mo ang ayaw! You can take your friends if you like. It'll be more fun kung marami tayo."



Nakakairita! Kanina niya pa ako pinipilit sa plano niyang yan at hanggang ngayon ay nagmamatigas pa din ako. Paano naman kami magsasaya sa plano niyang 'yan knowing na kasama siya?! Kung kami-kami lang siguro at di siya kasama ay agad akong papayag at excited na aalis dito sa bahay kaso ang problema ay kasama siya.



"Look, this is also a good opportunity to have a leisure time with your family. Besides, tita is looking weaker and weaker everyday. Kailangan niyang lumabas sa bahay at i-enjoy ang remaining days ng buhay niya. Gusto mo bang mamatay siyang~..."



Natigilan siya sa pagsasalita nang ihagis ko ang pigurin sa pader at nabasag ito. Habol ko ang aking paghinga ng lingunin siya at nabakasan ko ng takot ang kanyang mga mata.



"Mom is not going to die! You understand that?!" sigaw kong halos marinig na sa buong bahay dahil sa sobrang lakas. Naikiyom ko ang aking kamao sa galit at pilit na pinakalma ang sarili.



Bakit ba sa tuwing may lumalabas sa bibig ng babaeng ito ay naiinis ako't umiinit agad ang aking ulo?! Nakakatarantado na! Pakiramdam ko bigla na lang mapuputol ang litid ko sa ulo sa sobrang galit.



"Chase? What happened here? Are you alright?" napatunghay ako kay mom na nakasakay sa wheelchair at tulak-tulak lang ni dad. Bakas ng pag-aalala ang kanyang mukha habang palapit sa akin.



"I-It's nothing mom." sagot ko tsaka umiwas ng tingin.



"Nag-aaway ba kayo tungkol sa out of town plan ni Patricia baby?" hindi ako sumagot o tumingin man lang kay mom dahil ayokong pati siya ay malabasan ko ng sama ng loob.



"Baby its okay. Gusto ko rin namang makalabas ng bahay at mag-travel kasama ang buong pamilya. It'll be fun, I'm sure. If your worried about me naman at iniisip na hindi ko kakayanin ang byahe, wag ka na masyadong mag-alala. I can handle myself." malumanay na pagpapaliwanag ni mom sa akin.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon