dangerous chapter fourteen

Start from the beginning
                                    

"Oh talaga? Grabe. Ibig sabihin espesyal talaga yung babaeng 'yon." Nang mamanghang sabi naman ng babaeng kasama nya.

Hindi maiwasang makuha ang atensyon ko dahil sa mga pinag uusapan nila.

May dinalang girlfriend si Sir Henry dito?

I chuckled when I think of it

Imposible.

Ang isang kagaya nya ay hindi lang basta basta maiinlove sa isang simpleng babae. Dahil sa estado ng buhay nya ay mas nababagay sakanya ang taong kagaya rin nya. Taong kayang ibigay ang mga kailangan nya bilang isaang lalaki. Mayaman at maganda. At sa tingin ko ako lang iyon at wala ng iba pa.

Inilingon ko ang mukha ko sa kanila at ibinaba ang make-up na hawak hawak ko kanina pa.

I raised my right eyebrow, "who is it?" I asked strongly.

Nagulat sila at nagsitinginan sa isa't isa. Tumingin ulit sila sa akin at napalunok ng laway.

Ibinuka ng isang babae doon ang kanyang bibig, "Ah.... Ma'am Victoria---"

"I asked you..." I took a step forward, "who was the girl you guys talkin' about?" I asked making them look scared.

Lahat ng mga assistants and employees dito ay kilala ako bilang istrikto at matapang. Kapag nakikita nila akong dumaan ay agad silang tumatahimik at kanya-kanyang focus sa mga gawain. Well, I want seeing them like that. Gusto ko na itrato nila akong taong kagalang-galang at matapang. Nang sa ganun ay susundin nila ang mga gusto ko at ng boss ko na si Sir Henry.

Napalunok ng laway ang babae sa likuran nya at agad namang tumingin sa akin para sagutin ang tanong ko,

"M-Ma'am Victoria, hindi po sya pinakilala ni Sir Henry sa kahit na sino eh," umabante sya ng kaunti, "nakita lang po namin sya na kasama ni Sir Henry na pumasok dito sa loob ng kumpanya-"

"So..." I interrupted her, "ibig sabihin..." Tumingin ulit ako sa isang babae sa harapan ko, "hindi nya sinabi na girlfriend nya 'yon?" I asked.

Napaisip sila sa tanong ko. Making me smirk,

"Alam nyo, girls," humarap ulit ako sa salamin at iniligpit ang mga make-ups ko sa isang maliit na pouch,

"Sir Henry can get any girls he want," and then I turned my face to  look at them straightforwardly,

"And I think the girl you guys talking about... is just one of his FUN times. You know? Specifically, a playtime. And totally NOT..." I raised my voice at the 'not' word

"His girlfriend." I said.

Napatingin sila sa isa't isa at dahan dahang itinungo ang ulo.

"T-tama po kayo ma'am Victoria." Sabi ng isang babae, "pasensya na po kayo. Akala lang po kasi namin sya na yung babaeng hinihintay ni Sir Henry..."

"Opo. Akala namin sya na yung babaeng ipapakilala niya bilang isang nobya, kaya di namin maiwasang matuwa-"

Dahil sa sinabi nya ay napatawa ako ng malakas. Dahilan din para mapatigil sya sa pag sasalita.

Henry? Falling in love?

God,no.

Dahil sa akin lang sya. Akin lang sya!

Nang tumawa ako ay lalo pa silang natakot.

"Alam niyo," lalong sumama ang tingin ko sakanila, "Pwede ba umalis na kayo!?" Unti unti nang lumakas ang boses ko,

"LEAVE!" Utinuro ko ang pintuan,pero nagsitinginan pa din sila sa isa't isa.

"NOW!" Sigaw ko sakanila. Agad naman silang nagsitungo doon at takot na takot na lumabas.

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now