'Panibagong baliw.' sa isip ko habang nakataas-kilay syang pinapanood sa panguya niya ng marshmallow.

          Sarap na sarap siyang kumakain ng marshmallow. Lihim akong napalunok. Para tuloy bigla akong naglaway sa marshmallow. Grabe kasi siya makakain eh! Nang-iinggit!

          "Tutulungan na sana kita kanina eh!" sabi niya na habang patuloy sa panglamon ng marshmallow.

          "Talaga?" dudang-dudang sabi ko saka sya tinginan mula ulo hanggang paa.

          'Mukha namang wala sa itsura mo yung tumutulong.' sa isip ko.

          "Niligtas ka na naman ng boyfriend mo. Ang sweet niyo naman." sabi nya ng di tumitingin sa akin. Nakatingin pa din siya doon sa direksyon nila yabang.

          "Ano bang kailangan mo huh?" tanong ko makalipas ng ilang nganga moments kasama siya.

          "Wala." sabi niya saka tumingin sa akin sandali saka nya binalik yung tingin nya kanila yabang. "Prince! Nandito yung jowa mo!"      sabi niya habang nakatapat sa sa akin.

          Resulta? Tumalsik sa mukha ko yung mga nginunguya nyang marshmallow.

          "Ano ba?!" inis na sabi ko saka pinunasan yung mukha ko ng kamay ko. "Ang bastos mo ah!"

          "Hindi pa ako naghuhubad Miss kaya hindi pa ako bastos." sabi niya habang nakatingin na naman doon kay yabang.

          'Pilosopo pala 'to eh! Eh kung upakan na kaya kita diyan?!'

          "Hoy baliw!"

          Taas-kilay kong hinarap yung tawag na iyon ni Kaizer yabang.

          "Bakit yabang?" pagganti ko sa pagtawag nya sa akin ng baliw.

          "Mag-usap nga tayo!"

          "Bakit? Hindi pa ba tayo nag-uusap?" pangbabara ko.

          "Wag mo kong pilosopohin huh?!" galit na sabi niya saka hinila yung kamay ko at kinaladkad ako sa kung saan.

          Naramdaman ko na naman yung mga matatalim na tingin sa likod ko galing sa mga babae ni yabang.         

          Malamang nagalit na naman sila sa akin kasi hinawakan ako ng Prince nila. Tsk!

          Hindi ko alam kung bakit ako lumingon. At sa paglingon ko, nakita ko yung lalaking weird na yun na patuloy pa din sa paglamon ng marshallow nya habang nakatingin sa...akin?!

          Kunot-noo ko siyang tinitigan pero sandali lang yun dahil hinila na naman ako ni yabang nung maramdaman nyang hindi na ako naglalakad.

          'Weird nun!' sa isip ko saka binalewala yung marshmallow monster na yun saka no choice kundi sumunod kay yabang.        

***

          "Ano ibig sabihin nito huh?!" galit na sabi nya saka hinagis sa akin yung mga pictures.

          Inis kong pinulot yung mga pictures na nahulog sa sahig saka tinitigan iyon isa-isa.

          "ANO 'TO?!" malakas na sabi ko saka iniharap kay yabang yung isa sa mga picture. "Saan nanggaling 'to?!"

          "Hindi ko alam kaya nga kita tinatanong!" inis na sigaw nya sa mukha ko saka siya napasuklay sa buhok niya.

          Tinitigan ko ulit yung picture na hawak ko. Picture naming dalawa 'to ni yabang na...naghahalikan.

          Alam kong na-Adobe ang picture na 'to dahil wala namang ganitong eksena sa amin ni yabang.

          Mas gusto ko pang maglaslas kaysa makipaghalikan kay yabang ano!

          Pero yung mga suot namin. Ito yung suot namin nung nagpunta kami sa bahay nila.

          "Alam mo bang kalat na kalat yan sa Facebook yan huh? At alam mo kanino nila sinasabing galing yan huh?! SA'YO!" dinuro niya yung balikat ko dahilan para mapaatras ako ng kaunti sa kanya.

          "Hindi ako gumawa nito!" depensa ko sa sarili ko. "Hindi nga ako marunong gumamit ng photoshop eh!"

          "Alam mo, napapagod na ako sa pagsisinungaling mo!" galit na sabi niya. "Hindi ko aakalain na aabot sa ganito yung kabaliwan mo sa akin!"

          "Excuse me! Hindi ako ba—"

          "ENOUGH!!!" malakas na sigaw niya saka kinuha yung picture sa kamay ko at pinunit iyon. "Naging mabait ako sa'yo kahit papaano. Tapos ngayon ito pa igaganti mo sa akin? Ano bang ginawa ko sa'yo huh?!"

          "Wala akong alam sa—"

          Hindi na nya ako pinatapos dahil bigla nyang ihinarang sa mukha ko yung isang kamay nya.

          "Isang salita mo pa, masasapak na kita!" sabi niya saka ako iniwan.

          Pinanuod ko siya habang naglalakad papaliko sa isang pasilyo sa floor na kinalalagyan namin.

          Napatingin ako sa sahig, doon sa picture na pinunit nya.

          "Sinong gumawa nito?" sa isip ko.

          Hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa akin na mag-imbestiga at habulin yung mayabang na iyon at ipaliwanag yung side ko.

          Pero in the end, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

          Bakit ba ang complicated na ng buhay ko?

          Saka...bakit ako umiiyak?

A/N: Natutuwa talaga ako ng sobra sa mainit na suporta nyo sa MTB. Maraming salamat sa upper init na support. Sana po magtuloy-tuloy. Wag po kayong mahihiyang magcomment okay po? Ano pong masasabi nyo sa new update? ^_____^v

Humandang "medyo" kiligin sa next chapter. Unit-unti ng mapapalapit si Kaize kay Sitti. Ayie~ Pumapag-ibig si mayabang at baliw. Sweet ng tawagan nila nee? :D

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now