Mula kasi nung nagkamali ako ng tag sa Kaizer yabang na iyon, naging paranoid na ako. Yung tipong bawat galaw ko, pakiramdam ko may nanunuod?

          Saka yung likod ko, punong-puno na ng nakatarak na matatalim na tingin mula sa mga babae na nagkakagusto sa mayabang na iyon.

          Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa din makuha kung ano bang nakita nila sa mayabang na yun at ganoon na lang sila mabaliw doon.

          I mean okay, may itsura siya. Pero yun lang! Yung rest puro hangin na! Idagdag mo pa yung baliw niyang angkan!

          Napayakap ako sa sarili ko ng bigla akong makaramdam ng lamig ng maalala ko yung pagpunta ko sa bahay nila yabang nung nakaraang araw.

          Hanggang ngayon nangingilabot ka din ako sa ka-weirduhan ng pamilya na yun!

          "Sino yan?!" malakas na sigaw ko sa may field nung makarinig ulit ako ng kaluskos.

          Sinimulan ko ulit maglakad habang palihim na nag-oobserve sa paligid.

          'Teka! Kailan pa nagkaroon ng mga halaman malapit sa pinto ng school?' sa isip ko ng mapuna ko yung mga halaman na nakaharang sa daraanan ko.

          Bago pa man ako makapag-isip ng pwedeng idahilan, bigla na lang nagsilabasan yung mga babae ni yabang sa likod ng mga halaman pati na din sa mga halaman at puno na nasa gilid ko.

          "SUGURIN SIYA!!!!!"

          Para akong na-trap sa gitna ng toro arena sa Spain. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko yung pag-uusok ng ilong ng mga babae na yun saka yung panlilisik ng mga mata nila habang tumatakbo sila papalapit sa akin.

          Wala sa loob na napatakbo ako papalabas ulit ng school dahil iyon na lang yung lugar na alam kong walang mga babaeng torong nag-aabang sa akin.

          Pero nagkamali ako. Pati sa likod ko may mga babae na ding tumatakbo papalapit sa akin.

          Lahat sila galit na galit sa hindi ko malamang dahilan.

          'Ano na naman bang ginawa mo huh Sitti?! May pinost ka na naman bang weird sa Facebook huh?!' sabi sa akin nung konsensya ko.

          'Wala ano!'

          Napalingon-lingon ako sa paligid ko. Wala na akong matatakbuhan. Natrap na talaga ako. Wala na akong matatakbuhan pa!

          'Patay ka na ngayon Sitti!'

          "YAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga babaeng Spartan saka nila inangat yung mga kuko nilang nagmamatulis at handa na akong kalbuhin at balatan ng buhay ng may bigla na sumigaw na nagpahinto sa kanilang lahat.

          "SI PRINCE KAIZER!!!"

          "KYAAAAAAAAAAA!!!!!!!" sabay-sabay na sabi nung mga babae saka tumakbo papalapit sa may gate at hindi na ako pinansin.

          Nakahinga ako ng maluwag nung nawala na yung mga barbaro sa harapan ko.

          "Kinabahan ka ano?"

          Napasigaw ako sa gulat ng may bigla na lang magsalita sa likod ko.

          Napaatras ako ng ilang hakbang palayo sa lalaki na yun na nakatingin sa direksyon nila yabang at nung mga babae nya habang yakap-yakap yung O.A. sa laki na marshmallow bag saka kumukuha doon sabay subo sa bibig nyang puno pa ng marshmallow.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon