"Mukhang may fan na kami ah hahahahah, samahan mo ko kuya at ng mabayaran na natin ang mga bills dito sa hospital at makabili na ng gamot. Huwag ka ng tumanggi para kay Sasha to." sabi ko kay kuya bruce at napangiti naman sa kanyang narinig.

"Sir maraming salamat talaga hulog kayo ng langit ni Sir Chance. Pangako po babayaran ko kayo kapag nakaluwag-luwag ako." agad kaming tumungo sa cashier ni Kuya bruce mabuti na lang at may sarili ako ipon galing sa allowance ko at sa mga papremyo sa contest. Hindi kasi ako magastos na tao pero handa akong magwaldas ng pera mapasaya lang yung mga tao na nagpapasaya sa akin. Wala namang kwenta ang pera kung para sa pansarili mo lang gagastusin eh, mas masayang makikita ko yung mga tao sa paligid ko na masaya dahil sa akin.

"Sir nabayaran na po ang bill na iyan kani-kanina lang." sabi ng cashier sa amin, kumunot naman ang noo namin pareho ni Kuya Bruce sa aming nalaman.

"Ha? eh sino naman nagbayad?" tanong ko agad dito.

"Teka lang po tignan ko lang po sa records." Agad naman nagtype ito sa kanyang computer sa harap niya para malaman kung sino ang nagbayad ng bill ni Sasha.

"Chain Jimenez po." nagulat kami pareho ni Kuya Bruce nang sabihin ng babae ang pangalan ni Ichi.

"Hindi ko na alam kung paano ko pasasalamatan si Sir Chain." Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Kuya bruce sa akin.

Osige nga bigyan nyo ako ng rason para hindi mainlove kay Chain?

Agad kaming bumalik dun sa kwarto ni Sasha at si Kuya Bruce naman ay excited ng magpasalamat kay Ichi.

Nang makabalik kami ay nakita namin sa Ichi na nakaupo na duon sa labas ng Kwarto at nagcecellphone nang maaninag niyang papalapit kami ay agad siyang ngumiti. Ayan nanaman yung mga ngiti niyang nakakapanglambot ng tuhod.

"Nakatulog na po Si Sasha kuya Bruce, Napagod ata---" Hindi na natapos ni Ichi yung sasabihin niya dahil agad siyang niyakap ni Kuya Bruce at mukha naiyak pa. halata namang nagulat si Chain, tinignan naman niya ako at tila nagtatanong kung anong nangyayari kay Kuya Bruce.

Nagkibit balikat nalang ako at ngumiti sa kanya.

"Maraming salamat Sir Chain hindi ko alam kung paano ako makakaganti sa kabaitan niyo sa amin ng anak ko. Maraming maraming salamat po talaga hindi ko alam na may mga tao pa palang katulad niyo." napangiti naman ako sa sinabi ni kuya Bruce kay Ichi na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanya. Si Chain naman ay napangiti na lang din ng marealize kung bakit nagkaganon si Kuya Bruce.

"Naku wala po yun! Napasaya nga po ako ni Sasha sa kwentuhan namin eh tsaka huwag nyo pong alalahanin yun isipin nyo na lang po biyaya yun ni Lord sa inyo kasi may mabait kayong anak." Hindi mo lang alam Ichi na ikaw talaga ang biyaya ng Panginoon sa lahat ng nasa paligid mo.

--------------------------------------------------------------

Umalis na kami ni Ichi sa Hospital pagkatapos nung tagpong yun dahil mag gagabi na rin. Ngayon ay magkatabi kami ni Ichi sa jeep na kakaunti lang ang tao, tinititigan ko lang siya na mukhang pagod na pagod na.

"Uy Ichi sandal ka muna sa akin oh mamaya makatulog ka na diyan eh." sabi ko sakanya dahil onting pitik na lang ay pipikit na talaga to.

Nagulat naman ako ng agad niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko akala ko kasi mahihiya pa siya pero mukhang pagod na pagod na kasi talaga siya. Ewan ko pero kanina pagod din ako eh pero nung sinandal nya ang ulo nya parang bumalik yung lakas ko.

"Nakakatuwa silang mag-ama noh?" bigla niyang sabi habang nakasandal sa Balikat ko. Inaamoy ko ang buhok niya, ang bango amoy babae talaga siya.

"Oo nga eh matagal ko ng kilala yang mag-ama na yan, nakakakwentuhan ko kasi si Kuya Bruce dun sa terminal tapos minsan kasama niya si Sasha. Pero maiba ako Ichi, san mo natutunang magwrestling?" tanong ko sakanya kasi hindi ko alam kung maamaze ako o manliliit ako.

"Nag take ako ng lessons, kasi fan na fan talaga ako ng WWE tapos para self-defense na rin."

"Eh bat mo naman naisipan mag-aral makipag wrestling, bat di ka na lang maghanap ng boyfriend para laging may magtatanggol sayo." Sinisimulan ko na pong magparamdam sa kanya hahah sana naman ay hindi siya manhid.

"Tssss, kaya nga ko nag aral ng ganun para I can stand by myself. Para patunayan na hindi ko kailangan ng iba para ipagtanggol ako. I mean hindi naman palaging may magtatanggol sayo kaya dapat alam mo kung paano ipagtanggol yung sarili mo atsaka di ako palaasa sa iba noh." Bakit tuwing may lumalabas sa bibig niya palaging makabuluhan. Every little pieces of him makes me fall in love.

Oh Chain, you're driving me insane.

"Nako Idol na talaga kita, pa-autograph nga po dito sa abs ko." biro ko naman sa kanya masyado kasing seryoso.

"Tahahah baliw." Bigla namang may pumasok na mga badjao sa jeep at nagpakita nanaman ng mga litrato na mga kamag-anak daw nila na nasa ospital. Minsan natatawa na lang ako dahil hindi na gumaling-galing yung mga kamag-anak nilang iyan o kaya naman iisang litrato lang ang pinapakita nila, kaya hindi ako nagbibigay ng donasyon sa kanila.

Tinanggal ni Ichi ang pagkakasandal niya sa balikat ko at binuksan ang bag niya, pipigilan ko sana siya saa pagbibigay ng pera pero huli na at nakita kong nakabunot na siya ng isang pack ng cookies sa bag niya at agad inabot dun sa batang badjao. Kinuha naman agad ng bata ang pagkain at nginitian si Ichi, binalik naman ni Ichi ang ngiti sa bata at sumandal na muli sa balikat ko? Bakit nga ba hindi ko naisip yan, kung may duda ako sa kung saan nila gagamitan ang pera dapat pagkain nalang ang ibinibigay ko.

Alam kong paborito ni Ichi ang cookies pero hindi siya nagdalawang isip na ibigay ito. Naalala ko pa nung mga bata kami ayun ang palagi niyang baon.

Bakit ka ba ganyan Ichi? binibigyan mo ako ng maraming dahilan para mahulog itong puso ko para sayo.

The Unexpected You (GayXBoy)Where stories live. Discover now