Chapter 30 - Fortin is Back

369 11 0
                                    

Letisiana's Pov.




Ginising nako ni chattie para pumasok at mag ayos. Ilang oras lang tuloy tulog ko. Kaasar!




Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko at bumaba nako ng kusina at nandon na silang lahat sa hapag kainan para mag almusal kami lahat sabay sabay.




Naupo ako sa tabi ni chattie na nasa kanan ko. At si kuya logan naman ay nasa kaliwa ko.




"Yow! FORTIN! BUHAY KA PA PALA!" Nagtatawanang binati ng mga lalaki si fortin nang bumaba ito.




No siana. Wag mong titingnan si fortin. Wag. No. No. No!




Nabigla pako nang tusukin ako sa tagiliran ni chattie pero hinampas ko kaagad yung kamay nya.




Ramdam ko na lumapit na sa lamesa si fortin at ramdam kong nakatingin sya saken hanggang sa makaupo ito sa tapat ko.




Nakayuko lang ako at nakatingin sa plato ko. Ayoko syang tingnan dahil baka pag sisihan ko.




"Anu bayan! May basag na baso pala dito oh. Halatang may lumamon pa ata kaninang madaling araw eh." Narinig ko si astrid habang nagwawalis don sa isang basong basag.




Ugh! Nagflashback ang lahat ng nangyare saken bwiset! Naalala ko lahat ng nangyare kagabi i mean,kaninang madaling araw. At pati lahat ng sinabi ni fortin saken eh naalala ko bigla!




"Naamin ko na din naman sayo ang nararamdaman ko diba? Kaya wag mong aasahang itatago ko pa ang feelings kong toh para sayo. Kasi kaya ko na yun iparamdam sayo ng buong buo galing pa sa puso ko."




Pinukpok ko ulo ko!




ERASE SIANA! ERASE MO NA YON.




di ko sinasadyang napatingin ako bigla sa kaharap kong si fortin. Napa iwas ako agad nang makita ko itong nakangisi saken at nakasmirk! UGH! BWISET. SABI NA BA EH! KAYA AYOKO SYANG TINGNAN EH.




"Mabuti't maayos na lagay ni fortin. Kaya fortin, babantayan mong maigi tong si siana ah." Bilin ni kuya kay fortin.




"Kuya. Kaya ko naman mag isa e! Di nako bata." Sabi ko pa kay kuya.




"Kahit na. Basta babantayan ka ni fortin." Ugh! Di nako sumagot pa at umalis na ko pagka-kain ko.




Nauna akong pumasok at di ko na nasabayan pa si Chattie. Pagka-akyat na pagka-akyat ko sa classroom ko ay nakita ko kaagad ang mga kaklase ko doon. Nakangiti saken ang karamihan ng babae.




"Hi letisiana! Good morning!" Bati pa nila saken. Naalala ko bigla yung nangyare kahapon. Kaya sila mabait saken dahil sa gusto nilang mapalapit sa mga mafia boys.




Naupo nako sa upuan ko. Nagulat ako sa katabi kong babae na nag lean bigla at nilapit ang mukha saken.




"Hi siana! Iboboto kitang presidente. Hihi." Sabi nito bigla saken na parang kinikilig pa.




Kilala ko sa mukha tong babaeng toh. sya yung babaeng guwapong guwapo kay fortin nang makita nyang kasama ko yon. Pero di ko alam kung anong name nya.




"Im alexis." Nakangiting sabi nito saken at nakipag shake hands pa.




Maganda naman si alexis, sya ang muse sa classroom namin.





The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now