Chapter 10 - The Moment of Truth

549 29 5
                                    

Letisiana's PoV.



Tatlong linggo nadin ang nakalipas magmula nung mamatay si Nia. Hindi alam nila chattie at ng iba kung sino ang pumatay dito. Pero nalaman na nilang nag sinungaling si Nia.



Nagtaka si Chattie dahil mali lahat ng mga binigay ng information sakanya ni Nia. Mali yung Apilyido nito at mali din yung mga pangalan ng magulang neto na nakalagay.


Tatlong linggo nadin simula nung lumipat si mam sa isang Condominium. Sabi nya ay hindi pwedeng may makaalam na nasa Condo na sya nagsstay lalo na daw ang ex husband nya.


Don daw muna sya sa Condo mag isa habang buntis ito. Talagang gusto nya ng ingatan ang pangatlong anak nya. I wonder kung pano nawala ang dalawang anak ni mam? Gusto ko tuloy malaman ng buong storya nito pero hindi naman nag oopen up saken si mam ng tungkol sa past nya.


Kaya hinayaan ko nalang din. Isang linggo nalang, magtatapos na ko sa pagiging 3rd year high school ko. Ü


Isang linggo nalang din uuwi na sila Mama at papa. Haaaay, namimiss ko na sila.


Tatlong linggo na din tong si Kuya Logan na araw araw na nandito sa bahay at lagi akong binibisita. Madalas ko na nga syang makasama kesa kay Bespren e. Si bespren weird nadin kumilos minsan. Ewan ko ba sakanya, parang pinapalayo nya ko kay Kuya Logan.


Para bang alam nya na laging nandito sa bahay si kuya logan. Lagi nya kong sinasabihang ..


"Di ka na naman nakinig Siana. Nagtitiwala ka kung kani kanino."


Ang weird nya diba? Nagsstalk bayun? Eh hindi nya pa nga kami nakikitang magkasama netong si kuya logan e.


Hayst! Nevermind.


"Ui. Siana, kanina ka pa tulala dyan ah." Napatingin ako bigla kay Kuya logan na nagsalita bigla. Shinake ko muna ulo ko bago tumingin sakanya. Nakita kong tinawanan nya pa ko.


"Ay, S-sorry. May naaalala lang ako."


"Siana, what if kung malaman mong hindi mo magulang yung mga nagpalaki sayo?" Ayan na naman sya sa topic na yan. Madalas yan ang tanungin nya saken. Tungkol sa magulang ko.


Ano bang gusto nyang iparating? Na ampon lang ako?


"What if kung ampon ka lang?"


"Hayst, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga sabi kuya logan. Tunay ko silang magulang!" Hay, medyo naiirita nako dito. Lagi nalang nyang tinatanong yon.


"Eh kung tunay mo silang magulang, diba dapat kadugo mo sila? Eh baket nung kinwento mo saken non nahirapan silang maghanap ng kadugo mo? Kung tunay mo silang magulang. Hindi na sila maghahanap ng kadugo mo. Dahil kung sila ang magulang mo, kadugo mo dapat isa sa kanila."


Teka, napaisip ako bigla sa sinabi nyang yun saken. Onga noh? Pero teka? Hay, di ako naniniwala dun.



"Di ako naniniwala dyan. Malay mo Nag mix dugo nilang dalawa tapos yun ang naging dugo ko diba? Kaya di ko sila kadugo." Sabi ko nalang kay kuya logan. Bigla nman syang nagsmirk saken saka tumayo.


"Sige. Yan ang paniwalaan mo. Bahala ka. Ikaw din." Sa pagkakasabi nyang 'ikaw din' para bang giniguilty nya ko. Minsan di ko toh magets e! Ang gulo nya. Di ko sya mareach!

* Kring Kring *


Hay, sigurado akong pagkatapos makipag usap netong si kuya logan sa cellphone nya, uuwi na naman sya. Ganyan naman yan e. Pag may tumawag sakanya saka sya uuwi at aalis na.


The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now