Chapter 19 - The Real Mother

456 16 2
                                    

Letisiana's PoV.


Gusto kong humiwalay sa isang lalakeng hawak padin ang dalawa kong braso, pero masyado syang malakas. Gusto kong habulin si maam courtney.


*Boogsh*Pak*

Humiwalay agad ako sa lalake nang mabitawan nya na ang braso ko, nakita ko si fortin na binugbog yung lalake. Kaya yung lalakeng iyon ay agad agad na tumakbo palabas ng ospital at sumakay agad sa van.

"Fortin! Paalis na sila. Dalian naten!" Sigaw ko dito at agad kong hinatak si fortin sa isang sasakyan na nasa parking lot. Bahala na kung kanino man toh.

Kailangan kong maligtas si maam courtney, dahil sakanya, nararamdaman kong sya talaga ang tunay kong magulang. Maski sa una palang naming pagkikita. Naramdaman ko kaagad ang lukso ng dugo naming dalawa.

"Look, Carnapping ang tawag sa ginagawa mong yan siana!" Sabi ni fortin saken. Agad akong pumunta sa driver seat at pinaupo ko sya sa tabi ko.

"Wala akong pake. Kailangan kong mahabol ang mga kumidnap kay maam!" Sabi ko rito at napaandar ko kaagad ang kotse.

Inandar ko kaagad iyon ng sobrang bilis at sinundan ang van.

"Tsk. Pag sayo? May nangyare, malalagot ako sa kuya mo." Sabi pa ni fortin.

"SI KUYA! Ay, oo. Si kuya!" Naalala ko , mag-isa si kuya don. Kailangan ng may mag-aalaga sakanya.

Agad kong kinuha yung cellphone ko sa shoulder bag ko gamit yung isa kong kamay at kinontak ko si chattie.

[Hello?]

"Chattie!" Twag ko dito.

[Siana. Baket? Is there any problem?]

"Oo, sa room 31. Si kuya! Alagaan mo muna pls. Bantayan mo syang mabuti ah." Sabi ko rito.

[H-uh? Why me?]

"Thank you chat. Bye!" Paalam ko rito at agad ko ng inend yung tawag ko sakanya.

Nakita namin ang van na tumigil.

Uh-oh. Sa bahay ni shaun.

Napaform tuloy ng fist yung kamay ko, sigurado aking si shaun ang may pakana nito. Ugh! Wala ba talaga syang magawang matino sa buhay? At ayaw nya talaga akong sumaya?

"Ililigtas ko si maam." Sabi ko at saka ako lumabas ng kotse. Palabas pa lamang ako, agad na hinawakan ako at pinigilan ako ni fortin.

"Teka lang ah, wag kang padalos dalo-----siana!" Hindi ko na pinatapos si fortin at agad akong lumabas ng kotse. Kailangan kong iligtas si maam.

Narinig kong nag tiss na naman si fortin. Pero hinayaan ko na sya at iniwan sya don. Kung ayaw nya pwes ako, ako ang pupunta don at susugod ..

Dahan dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko yung dalawang lalake kaninang kumuha kay maam. Nandon sa loob. Nakita kong tinali nila si maam ng nakatayo. Nakatali ang dalawang paa, pati ang dalawang kamay nito.

"Anong tinatago tago mo dyan?"

Oh my. Shit!

May nakahuli agad saken kaya gmagad aoo nitong tinulak papasok sa loob ng bahay ni shaun. Ibang iba na ito. Wala ng mga gamit sa loob, isa nalang syang parang kweba.

Nakita ko si shaun bigla.

Nakangisi saken.

"Now youre here to save your real mother?" So tama nga. Si Maam courtney ang tunay kong ina.

The Innocent MafiaWhere stories live. Discover now