Chapter 17 - BANG!

430 20 1
                                    

Letisiana's PoV.


"Shaun. Please tell me kung sino ang mga magulang namin. Yung tunay naming mga magulang."


Nandito kami ngayong tatlo nila kuya, ako at si shaun sa isang kwarto kung saan kinulong pansamantala si shaun.

Sinamahan ako ni kuya na kausapin ko si shaun, dahil marami akong gustong malaman, at si shaun ang madaming nakaka-alam ng tungkol sa pagkatao ko.


Siya lang makakasagot sa mga katanungang gumugulo sa isipan ko.


Kanina pa tahimik si shaun at para bang di naririnig ang mga sinasabi ko skanya. Nakangisi lamang sya habang nakatitig saken.


"Shaun! Magsalita ka naman!" Sabi ko rito at hinampas ko pa sya sa dibdib nya. Pero wala padin syang kibo.

Nang-aasar ba talga sya?!

Nilapitan ito ni kuya at nagulat ako nang suntukin nya ito.


*BOOOOOOGSH*


"MAGSASALITA KA BA O GUSTO MO PANG MALIGO SA SARILI MONG DUGO?!" Sigaw ni kuya rito pagkasuntok nito kay shaun.


Agad kong nilapitan si kuya at pinigilan. "Kuya! Tama na." Sabi ko rito, agad naman syang pumwesto sa likuran ko.


"Pinagmumukha kang tanga nyan eh!" Sabi naman ni kuya.


Humarap muli ako kay shaun.



"Shaun, nakikiusap na kami oh. Please naman! Sabihin mo mga nalalaman mo sa magulang namin! Kahit malaman lang namin kung buhay o patay na sila, sabihin mo naman sana." Pakikiusap ko dito kay shaun. Pero nanatiling tahimik padin siya.

"Shaun! Please naman." Nahatak ko na din ang damit nya sa pagpupumilit sakanyang magsalita pero ayaw nya talaga.


"A-Yo-Ko." Matipid at mahinang sabi ni shaun habang nakangisi padin sya.



Creepy.

Hindi ko alam na may mga ganito syang side.

"ANONG KLASE KANG KAIBIGAN AT NAITAGO MO SAKEN NG ILANG TAON YUNG MGA BAGAY NA DAPAT MALAMAN KO! HA?! ANONG KLASE KANG KAIBIGAN?!"


*SLAAAAAAAAAAAAAAP*


Hindi ko na napigilan at nasampal ko sya. Nauubos na ang pasensya ko sa kakapilit sakanyang magsalita. Nauubusan nadin ako ng pag-asa na makikita ko pa ang mga tunay ko talagang mga magulang.



"Ayoko nga sabe siana! Hindi ko sasabihin sayo lahat ng nalalaman ko.' Sabi naman saken ni shaun.

"Baket? dahil ba Ayaw mo kong maging masaya? Hah?! ANO BANG GINAWA KO SAYO SHAUN?! ALL THESE YEARS BESTFRIEND NA TALAGA ANG TURING KO SAYO. TAPOS IKAW? ISA KANG AHASSSSSS! SINUNGALING! MANLOLOKO! PLASTIK!" Sinisigaw ko kay shaun yung habang dinuduro duro ko sya.


"GANYAN BA KALAKI ANG GALIT MO SAKEN DAHIL NIREJECT KITA?! DAHIL KUYA LANG ANG TURING KO SAYO AT HINDI MORE THAN JUST A FRIEND?! HAH?! KAYA BA GALIT NA GALIT KA SAKEN?! ANO?! SABIHIN MO SHAUN! HA!" Sigaw ko sakanya. Pagsigaw kong iyon sakanya ay sya naman ang sumunod na sumigaw.


"OO! OO NA!! GALIT NA GALIT AKO KASI NIREJECT MO KO! DI MO KASI ALAM KUNG GANO KITA KAMAHAL! " sigaw ni shaun na nagpatahimik saken.


Feeling ko tuloy ay maluluha't maiiyak na naman ako.



"Fine. So wala ka talagang balak magsalita at magsabi ng totoo? OK. FINE!" Pagkasabi ko nun sakanya ay tinalikuran ko na ito at sinamahan nako ni kuya logan na lumabas ng kwarto.


The Innocent MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon