Naikwento na nila sa akin lahat ng nangyari habang wala ako at tama nga ang hinala ko na nasa academy pa rin kami.

“Paano tayo makakalabas dito?” Tanong ni Jennie.

“Kung saan kami pumasok, but I think it’s impossible.” Sabi ni Rozee na ngayon ay nakadungaw sa bintana.

“Ang daming armadong lalake sa labas.” Dagdag niya kaya nagsilapitan kami at doon nga nakita ang ilang kalalakihan. Ang iba sa kanila ay pamilyar, mga intrepid. Hindi ako pwedeng magkamali. Tandang tanda ko pa ang mukha no’ng tatlong lalake na naghamon sa akin noon no’ng unang pasok ko sa Intrepid’s head quarter. Anong ginagawa nila rito? Kasabwat din ba sila? O kontrolado rin sila gaya ng ibang estudyanteng nandito?

“Teka, dating prof natin at nila Jester ‘yon ‘di ba?” Tinuro ni Chloe ‘yong isang lalake at babaeng nakatayo sa harap ng building kung nasaan ang kwarto nila Ten. Tinignan kong mabuti at sila nga ‘yon, nakaitim din sila gaya ng iba at may dala-dala rin silang baril.

“Ano nang gagawin natin?” Tanong ni Jennie.

“Papalipasin muna natin, next week. Kikilos tayo. Aalamin natin kung sino ang nasa likod ng mga ‘to. Aalamin natin kung sino ang nagmamay-ari ng Monstrous.”

Malaki ang tiwala kong makakalabas kami rito, gagawin ko lahat para malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ‘to.

Ako mismo ang tatapos sa kabaliwang ginagawa niya.

“Baby.” Agad akong napalingon sa may pintuan nang marinig ang boses ni Zero, pumasok siya at saka ako niyakap.

“Wag mo nga akong tinatawag na baby.” Reklamo ko, hindi ko alam kung paano, pero may mga kanya kanya na rin silang kwarto na nandito lang din sa building na ‘to. Minsan nagugulat na lang kami na may mga damit at pagkain sa ibaba.

Hindi rin namin magawang lumabas dahil simula kahapon ay hindi na nawala ang mga armadong lalake sa labas..

Sa katapat na building nag-i-stay sila Tyler kasama sila Xander, Kevin, Joshua, Ten at ang babaeng kapangalan ko.

“Miss na miss kita, sobra.” Kumalas siya sa pagyakap at saka ako hinalikan. His kiss was so deep, naglakad siya at saka ako isinandal sa may pintuan. Nabigla na lang din ako nang marinig na ni-lock niya ang pinto. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit pero wala akong nagawa dahil masyado akong nadala sa halik niya. Hindi nagtagal ay kumalas kami pareho at saka hinabol ang paghinga namin.

“I’m losing control. Damn!” Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya, kasabay noon ay ang paghalik niya sa akin sa noo.

“Sorry, baka kung ano pa magawa ko. I need to wait, papakasalan muna kita.” Aniya at ngumiti ako. He’s still a gentleman after all.

“I missed you.” Niyakap ko siya at kumalas din agad, matapos noon ay hinila ko siya para maupo sa kama.

“May nakalimutan pala akong ibigay sa ‘yo.” Sabi niya nang i-angat niya ang kamay niya. Nanlaki naman ang mata ko nang ilabas niya ‘yong necklace ko na nawala.

“Saan mo nakita ‘yan?” Tanong ko habang sinusuot niya ‘yon sa akin.

“Sa tito mo.” Simpleng sagot niya at tumango naman ako. Balak ko pa sanang magsalita pero may bigla na lang kumatok, tumayo ako at saka ‘yon binuksan.

“Paano ka nakapunta rito?” Tanong ko sa babaeng Erin din ang pangalan. Bakit ba naiirita ako sa babaeng ‘to? I don’t like her.

“Hindi na ‘yon mahalaga, nandyan ba si Zero? I need him. I need to talk to him.” Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko.

“You need him? Anong kailangan mo sa boyfriend ko?”

“Baby, sino ‘yan?” Naramdaman ko ang kamay ni Zero sa baywang ko kaya ngumisi ako. Lalo pa’t nakita ko kung paano sumimangot ang babae sa harap ko. This girl is really something.

“Oh, ikaw pala. Paano ka napunta rito? May mga bantay sa labas, ah?”

“Sa rooftop ako dumaan, may nilagay na lubid si Tyler na nakakonekta sa parehong building. You know, parang zipline.” Pagpapaliwanag niya.

“Ah gano’n ba? Anong kailangan mo?”

“I need your help. Pwede ka ba pumunta sa kwarto ko? May ipapakita lang ako.” Muling tumaas ang kilay ko nang sabihin niya ‘yon. Manhid ba ‘tong babaeng ‘to o sadyang makapal lang talaga ang mukha nya para sabihin ‘yon mismo sa harap ko.

“Sorry, but can’t you see? May importante kaming ginagawa. Humingi ka ng tulong kila Tyler.” Ani Zero.

“Ano bang ginagawa niyo? Saglit lang namaㅡ”

“We’re having sex.” Nanlaki ang mata niya at gano’n din si Zero na mas mabilis pa sa isang segundo nang lumingon sa akin. Damn! Anong pumasok sa isip ko para sabihin ang letseng bagay na ‘yon?!

“O-okay, sorry sa istorbo.” Sinara ko na agad ang pinto nang umalis ‘yong Erin. Napatakip naman ako sa mukha ko. Nakakahiya, paano ko haharapin si Zero after ng sinabi ko? Ugh!

“Hey. Bakit mo sinabi ‘yon? Gusto mo baㅡ”

“Shut up, Ze! Sinabi ko lang ‘yon dahil naiirita ako sa kanya. Kung hindi mo nahahalata, it’s obvious na may gusto siya sa ‘yo!” Naupo ako sa kama at saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay.

“Nagseselos ka?” Nakangiting tanong niya nang maupo siya sa harap ko habang nakahawak sa magkabilang baywang ko.

“I’m not! Sadyang naiirita lang ako. Sino siya para ayain ka sa kwarto niya? Hihingi ng tulong? Eh puro lalake ang kasama niya sa building, bakit hindi niya ro’n ipakita ‘yong gusto niyang ipakita? The way she speak, halatang halata siya. She wants you? Who gives a damn!”

Nakita ko lang ang pag mtawa ni Zero kaya lalo akong naasar. Pinagtatawanan niya pa ako? I’m fucking serious here at walang nakakatawa sa sinasabi ko.

“Hindi ka nga nagseselos.” Sabi niya at saka siya naupo sa tabi ko habang nakahawak sa kamay ko.

“Sa ‘yo lang ako, okay? You want proof?” Tanong niya. Napataas naman ako ng kilay nang lumuhod siya sa harapan ko. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya na ikinakaba ko. Don’t tell meㅡ

“Pag-graduate natin at kapag natapos ang mga problema...” Binuksan niya ‘yong kamay niya at napahawak lang ako sa dibdib ko habang nagbabadya ang luha sa mga mata ko.

“Marry me.”

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Where stories live. Discover now