Bagsak ang balikat na pinulot ni Tyler Esguerra ang mga nagkalat niyang damit sa loob ng kwartong iyon.

Tumabi naman si Chloe sa pinto ng kanyang kwarto upang makalabas ang lalaki at ang babae nito. Bago lumabas ay tinitigan ni Tyler sa mata si Chloe sa posibleng huling pagkakataon.

Walang nakitang kahit ano ang lalaki sa mata ng dalaga. Parang isang lupang puro niyebe; malamig at blanko.

Bumuntong hininga si Tyler bago tuluyang lumabas ng naturang kwarto kung saan naganap ang pagtataksil niya sa dating kasintahan.

Ngayon ay mag-isa na lang si Chloe sa kwartong iyon. Lalong lumamig ang paligid. Lalong nawalan ng laman. Lalong na-blanko.

Ptnginang lalaking 'yon. Sabi ko na nga ba dapat hindi na ako umasa na magtatagal kami. Ang kapal ng mukha niyang magdala ng babae sa condo ko.

May tumulong likido sa pisngi niya ng hindi niya namamalayan. Pinunasan niya ito gamit ang hinlalaki niya. Ngunit sa ginawa niya'y lalo lamang bumuhos ang likidong ito.

Pagak siyang tumawa nang hindi tumigil ang pagtulo ng luha niya.

"Y'ALL F*CKERS DON'T KNOW ANYTHING BUT TO F*CK UP ALL LIVING THINGS YOU SEE!" Sigaw nito sabay padabog na isinara ang pinto ng dati nilang kwarto.

Pumunta siya ng kusina at binuksan ang ref niya. Napamura ulit siya ng makitang iisang bote lamang ng alak ang laman niyon bukod sa mga frozen foods.

Buti na lang Jack Daniel's 'to. Para umekpekto naman sakin kahit kaunti.

"Imma get wasted tonight! Woooh!" Dala ng emosyon ay wala na siyang pakialam sa mga pinagsasasabi niya. Sa kabila pa nito ay naisip niyang wala namang may pakialam.

I love the pain... it gives me courage.

*****

Tumunog ang alarm sa kanyang iPhone. Matapos magpakalasing kagabi ay sa sofa na siya nakatulog.

She's a mess. Magulong buhok na akala mo'y kinahig ng manok, natuyong suka sa gilid ng kanyang bibig, nagkalat na make-up sa kanyang mukha dahil sa magdamag na pag-iyak, amoy alak, at hindi rin siya nakapagpalit ng damit.

Napaungol siya ng magising dahil sa tunog ng alarm. Agad siyang napasapo sa kanyang ulo at napapikit ng mariin. "F*cking hangover," bulong nito pagkatapos ay kinapa-kapa ang iPhone sa kanyang bewang. Gusto niya sanang ibato iyon dahil sa inis pero hindi niya na lang ginawa dahil sayang naman diba.

Pinatay niya ang alarm at lalambot-lambot na tumungo papunta sa direkyon ng CR. Naghilamos, nag-toothbrush, naligo at inayos na niya ang sarili. Katatapos lang niyang maligo at humarap siya sa malaking salamin kahit walang saplot. Itinuon niya ang magkabilang kamay sa sink at tinitigan sa mata ang sariling repleksiyon.

"Maganda ka naman," kausap niya sa repleksiyon. Bumaba ang tingin niya sa sexy niyang katawan. "Sexy ka rin. Mas sexy pa nga kumpara dun sa babae niya," dagdag nito. "Marami rin naman akong pera. Ano pa bang hanap ng kulugong yun? Argh!" Napasabunot siya sa sariling buhok.

"Anong akala niya sobrang gwapo niya? Na kawalan siya? Hah! Magsama sila ng babae niyang mukhang kabayo! Ang haba naman ng baba!" Sigaw niya.

Lumabas na siya ng CR at nagbihis sa kabilang kwarto. Ayaw na niya dun sa kwarto kung saan may naganap na kataksilan. Baka makasira lang siya ng gamit kapag pumasok pa siya doon.

I Love The Pain Where stories live. Discover now