Chapter Thirteen - Heartache

5.7K 101 8
                                    

Mahigit isang buwan na rin ang nakakaraan simula nang nagkasakit siya. At masasabi niyang  naging mas close sila ngayong mag-asawa. Nag-uusap na sila kahit na sinusungitan siya nito,  kumakain ng sabay kasama si Nanay Minda, minsan pa nga ay kinukulit niya ito. Dinadalhan  rin niya ito minsan ng lunch sa opisina nito. Minsan naman ay pinilit niyang sabay silang maglunch sa labas.

Kilala na rin siya sa buong kumpanya ng asawa. Actually,ka-close na rin niya ngayon iyong sekretarya nito.And it was good, no.. it was great! Achievement na na matatawag iyon para sa kanya kahit harapang pinapahayag nito na ayaw pa rin nito sa kanya.Ngunit pasasaan ba’t matututunan din siyang mahalin ng asawa, ‘diba?

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa asawa nang makita itong pababa ng hagdan at bihis na bihis.“Sabado ngayon, ah? May trabaho ka?”

“Just mind your own business.” See? Ganyan ang description niya sa pag-uusap nila.At least naman, ngayon ay sinasagot na siya nito hindi katulad ng dati na kailangan dalawang beses pa siyang magtatanong bago ito sumagot.

Napabuntong-hininga siya. ”Okay. Take care.” She managed to smile at him kahit na medyo nasaktan siya sa naging sagot nito.

As usual, hinintay na naman niya itong umuwi. Ganoong naman lagi siya kapag umaalis to ng bahay. She will wait for him unti he gets home before she’ll go to bed. Hindi kasi siya mapanatag kapag umaalis ito lalo na sa gabi.Maraming masamang-loob ang nagkalat ngayon sa buong ka-Maynilaan. Kailangang mag-ingat. Paano kapag napagtripan ito ng sira-ulong motorista at binagga ito? Eh di nabiyuda siya nang wala sa oras? Ang bata-bata pa niya! Napa-iling siya sa naisip.

 Ano ba 'yan, Kim! Hindi ka mabiyu-biyuda dahil hindi mo pa  siya natitikman! sigaw ng isip niya. Tama! Hindi iyon mangyayari dahil hindi pa niya ito natitikman! At kahit matikman na niya ito ay hindi-hindi niya pa rin gugustuhing may mangyari ditong masama.

She looked at the wall clock. Alas diyes na ng gabi.

“Iha,matulog kana. Baka umagahin na ulit ang asawa mo.” Wika  sa kanya ni Nanay Minda na nakasilip sa pinto ng kwarto nito. Marahil ay matutulog na ito.

Umayos siya ng pagkakaupo sa couch at nginitian ang matanda, “Ayos lang ho, Nay. Sanay naman na ako sa puyatan. Isa pa, hindi rin naman ako makakatulog habang wala pa siya. Matulog na ho kayo. Ako na ang bahala rito.”

Akala niya ay papasok na ito subalit nagtaka siya ng lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Tumingin ito sa kanya, ”Mahal mo talaga siya, ano?” nabigla siya sa tanong nito ngunit hindi na niya pinahalata pa.

Umiwas na lamang siya ng tingin rito at nakipag-one-on-one sa kisame. She smiled bitterly, “Opo, ‘Nay. Lakas ng tama ko, eh.” Tuluyan na siyang natawa.

Narinig niyang humugot ito ng hininga. “Maswerte ang alaga ko sa’yo.”

Tinignan niya si Nanay. “Talaga po?” Natawa ulit siya. “Mas maswerte ho ako.” Naroon pa rin ang mga ngiti niya. Yes. She was indeed lucky. Hanggang ngayon ay pinagpapasalamat pa rin niya sa Diyos ang mga nangyari. Corny pero totoo iyon.

Umiling ito. “Akala mo ba hindi ko napapansin ang lagi niyang pag-iwas sa’yo? Lalo na noong bago lang ako dito.Pansin na pansin ko iyon, anak. Alam ko rin kung bakit ako nandito, ayaw mong mapanisan kayo ng laway na dalawa dahil bihira lang kayong nag-iimikan.”

Natawa siya, “Napansin niyo rin iyon, Nay?”

“Hindi lang iyon, akala mo ba hindi ko alam kung bakit ako narito?” nanlaki ang mga mata niya at tiningnan ito ng may pagtataka “Alam ko na simula palang.”napabuntong-hininga ulit ito. “Alam kong kinuha mo ako para may magluto ng kakainin niyo lalong-lalo na sa kanya. Dahil ayaw niyang kainin ang mga luto mo, tama ba ako?”

Seducing HimWhere stories live. Discover now