Chapter Two - Choosing

5.5K 108 1
                                    

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko,nakahiga habang nagbabasa ng pocketbook. I need to breathe. I need stress reliever. At ang pagbabasa lang ang natatanging alam ko upang hindi maisip ang mga nangyari kanina.

Pero peste! Sa isa’t kalahating oras kong pagbabasa ditto sa hawak kong pocketbook, nasa page 9 palang ako! Paano naman kasi hindi ako makapagconcentrate! Pumapasok pa rin sa isipan ko ang mga nangyari.

How can they do this to me? Naging mabait naman akong anak sa kanila. Hindi naman ako naging sakit sa ulo. I did my very best to excel on THEIR chosen career. To make them proud. And yet, hanggang ngayon,sila pa rin ang magdedesisyon sa buhay ko? No way! No way in hell!

May narining akong kumakatok sa pinto ko. Tinignan ko lang iyon ng masama.Iyon bang tipong, kung nakakatunaw lang ang tingin ko,tiyak na likido na ang pintuan ko. Tinignan ko lang iyon pero hindi ako nagsalita.

“Kim?” it was my Kuya.

Hindi pa rin ako sumagot.

“Pasok ako bunso, ha?” tanong ulit niya.I didn’t respond...again.

Narinig ko ang pagbubukas ng pinto. Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Nakatungo lang ako sa binabasa kong hindi ko naman maintindihan. Mamaya-maya ay narinig ko ang buntong-hininga niya.

Tumabi siya sa akin. “Bunso...” I still didn’t respond. Hindi man lang niya ako pinagtanggol kanina!

“Bunso naman. Kausapin mo naman ako.”lambing niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga and  looked at him with emotionless face. “What?”

“Bunso,alam kong galit ka.Hindi man lang kita naipagtanggol kanina....”

Hindi ko na siya pinatapos, “Bakit, Kuya? Ano bang ginawa ko? Bakit halos lahat nalang sa buhay ko, kayo na ang nagdedesisyon?” And for the second time this   day,my tears fell. “Wala na ba akong karapatang sumaya?”

Ang sakit kasing isipin na ang pamilya mo pa mismo ang pipilit  sa’yo sa mga bagay na ayaw mong gawin.

“Kung may magagawa lang ako, bunso,ako na ang aako. Kaso wala eh. I’m sorry.”

Pinalis ko ang mga luha ko. “I need time to think. If you don’t mind, please, leave me alone...for now.”

Seducing Himحيث تعيش القصص. اكتشف الآن