Chapter One - Pasabog

8.2K 131 4
                                    

Sinipat ko ang sarili ko sa harap ng salamin. As the years went by, paunti-unti ang naging  pagbabago sa sarili ko. Gone is the fat, ugly and black Kim. Well, mataba pa rin naman ako kaso hindi naman na masyado. May curves na ako ngayon kumbaga.

I took my pressed powder, blush-on and lipstick out of my bag. Magreretouch muna ako para naman hindi ako haggard tignan.

I was about to go out of the powder room nang mabangga ako ng isang babae.

"Sorry, Miss." Hinging paumanhin niya habang may kung anong hinahanap sa bag.

"It's okey." wika ko naman. Hindi naman kasi niya sinasadya.

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti siya sa akin. Napakunot naman ako ng noo.

"Sorry ulit." wika niya bago pumasok sa cubicle.

That lady seems so familiar. Saan ko na nga ba nakita 'yon?

Inisip ko ng inisip...

At dahil hindi ko naman maalala kung saan ko siya nakita, hinintuan  ko na ang pag-iisip. Sayang sa neurons eh. Baka naman nakita ko siya  sa  mga magazines kaya pamilyar.

Pero hindi eh.

Oh well..baka noong past life ko, doon ko siya nakita.

Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

I breathed the polluted air as I step out from the Ninoy Aquino International Airport.

After how many years,  I'm finally back in the arms of my mother land!

Ilang taon rin akong namalagi sa America at doon nag-aral para sa aking masteral degree at  nagtrabaho ng ilang taon.

Marahil tinatanong nyo kung anong nangyari sa akin makalipas ang ilang taon.

As usual, gaya ng plano, ipinagpatuloy ko pa rin ang Pharmacy. I graduated Pharmacy and took the board exam. Iginapang ko rin ang Pharmacy para naman maipagmalaki ako ng pamilya ko. Kahit mahirap, tiniis ko. During the two month-review, limang oras lang ang mga naging tulog ko araw-araw.

Gigising ako ng alas-sais ng umaga, magreeview at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Nagbunga naman iyon ng tagumpay dahil naging Topnotcher ako--top 2.

Nagbakasakali akong makakuha ng scholarship sa America para sa masteral ko at sa awa ng Diyos, may nakuha naman ako.

Pagkagraduate ko, kinuha agad ako ng isang kumpanya roon dahil nirekomenda ako ng school sa kanila. Kaya kahit pinapauwi ako ni daddy, hindi pa ako umuwi. Gusto ko kasing mag gain ng experience.

Gusto ko pa sana roon ngunit sabi ni Daddy, kailangan ko na raw umuwi. Sa manufacturing firm nalang daw namin ako magtrabaho. Kaya pinagbigyan ko na since pinagbigyan na rin naman nila ako dati sa gusto ko.

Oo, may manufacturing firm kami. Gawahan iyon ng mga gamot. Hindi ko lang naikwento sa inyo dati.

So now, I'm back to be the company's Pharmacist. Samantalang si kuya ang siyang President.

Si Dhezerie naman, pharmacist na rin kaso pinili niyang magtrabaho sa hospital. And we're still best friends. Hindi pa rin napuputol ang koneksyon naming dalawa. We see to it that we still keep in touch to each other kahit na nasa malayo kami. Ganoon rin sa mga barkada ko, we still keep in touch.

Si Garvo? Hindi ko na alam kung anong nangyari sa pangit na 'yon! Bwsit 'yon! Oo, bitter pa rin ako sa pag-unfriend niya sa akin. Sino ba naman ang hindi 'di ba? I mean, wala namang akong ginagawang masama sa kanya. Anong problema niya?

Mamaya-maya ay nakita ko na si Kuya Kreigh.  He's wearing three-peice suit. Marahil ay galing ito sa isang meeting.

Wala sina mommy dahil nag-a-around the world pa sila ni daddy.

Seducing HimHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin