Chain 8

317 14 3
                                    

***
Jade

Isang linggo na akong nagtatrabaho sa kompanya ng mga Maniago, at sa isang linggong iyon walang ipinagbago ang pakikitungo sa akin ni Euan. Para lang akong hangin kung daan daanan nya, at para lang isang robot kapag inuutusan. No I am not begging for his attention, siguro'y namimiss ko lang ang dati. Yung dating kami.

"Coffee." Pagkatapos noon ay ibinaba na nya ang telepono. Napabuntong hininga na lang ako. He became a one word man, and it's killing me.

Tumayo ako mula sa desk ko at nagpunta sa pantry para ipagtimpla sya ng kape. Sa loob ng isang linggo ko rito, ngayon lang sya humingi ng kape. He used to love my coffee. Ika nya ay padalawa raw ako sa magagaling magtimpla ng kape sa buhay nya, ang Mama nya ang paborito nyang tagatimpla noon. But now, magustuhan nya pa rin kaya ang lasa ng kapeng itinitimpla ko?

Iniiling ko na lang ang ulo ko at nagfocus sa paglalagay ng creamer sa tasa. Euan loves black coffee, hindi ko nga alam kung bakit ko nilagyan ng creamer. Maybe because ayokong ipaalala sa kanya ang nakaraan. Ayokong masaktan sya sa mga simpleng bagay na nagpapaalala sa kanya tungkol sa akin. Ayokong maalala nya kung paano ko sya iniwan. I'm saving him from pain.

Hindi ko magawang kumatok sa pinto ng opisina nya. Nanginginig ang mga kamay ko. No Jade. You should face him, now.

Dalawang beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. Naabutan ko syang nagtitipa ng kung ano sa laptop nya habang nakakunot ang noo, at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"K-ape." Inilapag ko sa harapan nya ang tasa at nagpaalam na para umalis.

"Creamy coffee huh?" May bahid ng panunuya sa boses nya kaya't muli akong napalingon at napabaling sa kanya. Mariin syang nakatingin sa tasa ng kape na inilapag ko, at nagtatangis ang panga.

"Sorry." Hindi ko alam kung para saan iyon. Kung para saan ang paghingi ko ng tawad.

"I see. Hindi mo na nga talaga ako mahal." Umismir sya and took a sip from the cup. Bigla na lamang nangilid ang luha ko. No Euan, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. But I kept quiet. Yumuko na lang ako at hindi na nakagalaw pa.

"Tss. Let's go." Nabalik na lang ako sa ulirat nang hablutin nya ang braso ko at nagsimulang maglakad palabas ng opisina.

"H-ha? Saan?" Masyado syang mabilis maglakad kaya muntikan ng malaglag ang salamin ko. Halos lumubog na rin ako sa kahihiyan dahil sa mga tinging ipinupukol sa akin ng mga empleyadong nadaanan namin. Lalo pa nang mapadaan kami sa may HR Dept at talagang pinagtaasan ako ni Ms. Israel ng kilay.

"I'm meeting my Uncle." Sagot nya nang makarating kami sa parking lot at pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangang kasama pa ako sa pakikipagkita nya sa uncle nya. I'm just his secretary and a meeting with his uncle, I think masyado na iyong personal.

"I'm not doing this because I still care, I'm doing this for business." Masungit nyang saad bago paandarin ang sasakyan palabas ng parking lot. Natulala na lang ako sa sinabi nya. Parang bigla na lamang nyang nabasa ang kung anong iniisip ko.

"Pure business, okay?" Pinagtaasan nya pa ako ng kilay kaya napatango na lang ako. I don't know kung anong meron sa kanya. Ang sungit sungit nya na lang bigla.

"Doon ka pa rin ba nakatira?" Abala ako sa paniningin ng tanawin sa labas ng bigla na lang syang magsalita. Hindi ko alam kung ako ang kausap nya o kung may kausap sya sa telepono.

"Ah, ha?" Pero sa palagay ko'y ako dahil nasa dashboard naman ang cellphone nya.

"Tsk. Never mind." Muli na naman nya akong inirapan at nagfocus sa pagmamaneho nya. Nag iwas na lang ako muli ng tingin at inabala ang sarili sa tanawing nadadaanan namin. Sa buong buhay ko, ngayon lang naging kaaya aya sa paningin ko ang mausok at maingay na kalye.

Unchained FeelingsWhere stories live. Discover now