Chain 7

217 12 3
                                    

***
Jade

Hanggang ngayon tulala ko pa ring tinitingnan ang mga damit na nagkalat sa kwarto ko. At lahat ng mga iyon, kung hindi puti ay puros pink ang kulay. Hindi ko alam kung ilang araw ba akong nawala at ganito ang dinatnan ko, o kung ano na namang kabaliwan ang ginawa ni Zadana.

Napailing na lang ako. Hindi bibili si Zadana ng mga ganoong kulay ng damit. Imposible. Kung hindi itim, hindi iyon isusuot ni Zadana. Nagkandaliyo liyo ako sa pagpupulot ng mga damit at sa pagtatabi ng paper bags. Dis oras ng gabi pero iyon ang ginagawa ko.


At halos maiyak ako ng madampot ko ang resibo ng mga iyon. Mga branded na damit at card ko ang ginamit pambayad. Nanlulumo akong naupo sa gilid ng kama ko at napasabunot sa sarili ko. What is this Zadana?


Gustuhin ko mang ibalik ang mga iyon, hindi na maaari. It's been a week simula ng binili ang mga damit, at sigurado akong hindi na nila yun tatanggapin kapag nagdemand ako ng refund.

Hindi ko nagawang hapuhapin ang antok ko ng gabing iyon, kahit pa pakiramdam ko eh pagod na pagod ako. Sa mga brand na naghuhumiyaw sa mga damit na iyon, kung hindi naubos ang perang inipon ko eh baka may utang pa ako. Hindi ko napigilang umiyak. Ilang buwan kong pinaghirapang kitain sa America ang perang yun, tapos isang kisap mata nya lang inubos ang lahat. Paano na? Paano na ang pangako ko kay mama na magtatapos ako? Ni hindi nya alam na nakabalik na ako ng Pilipinas.


Hindi ko alam kung ilang oras lang ang naging tulog ko, halos kapipikit pa lang kasi ng mata ko ng agad namang nag ring ang cellphone ko ng walang tigil. Who would call me this early? Inis kong itinakip ang unan sa mukha ko at hindi pinansin ang pagtunog noon hanggang sa kusa iyong nanahimik. Pero hindi pa man ako ulit nakakahanap ng matinong tulog ng mag ring na naman ang cellphone ko.

Wala akong nagawa kundi ang tamad na abutin iyon mula sa bedside table at matabang na binati kung sinoman ang nasa kabilang linya.


"Where are you Jade?! Mr. Maniago's fuming mad. Late na sya sa meeting nya, hurry up! Be here in 15 minutes okay?"

And then the toot sound. Napamaang na lang ako sa cellphone ko ng matapos ang tawag na iyon. Sinusubukan kong hulaan kung gising na ba talaga ako o nananaginip lang. Gayun paman pinili ko na lang ipatong pabalik ang cellphone sa bedside table nang may makapa naman akong papel sa ibabaw niyon. Kunot noo ko iyong kinuha at binasa.


And that was a note from Zadana.


Get up and fix your damn life! The CEO is waiting for you. At doon ka pa talaga nag apply ano? Ang lakas ng apog Jade ha? By the way, Euan's hot when he bite his lips.

Xoxo
Zadana~

Agad akong napabalikwas ng bangon matapos kong basahin iyon. How did she knew na nag apply sa kompanya ng mga Maniago? Wait, natanggap ba ako?

My eyes automatically widened ng marealize ko ang isang bagay. Agad kong hinagilap ang cellphone ko and search for the caller's ID a while ago.


Ms. Israel, Head HR

Sht! Mabilis pa sa alas kwatro akong bumalikwas ng bangon at nagdiretso sa banyo. Sigurado akong nag uusok na sa galit ngayon si Ms. Israel. Sya ang pinagpasahan ko noon ng resume ko, and she's not nice. Daig pa nya ang matandang nag me menopause.


Unchained FeelingsWhere stories live. Discover now