Chain 4

341 13 0
                                    

***
Jade

Ilang ulit kong ibinalik ang tingin ko sa parking lot ng building kung saan ako nag apply ng trabaho. I can't be wrong. Imposibleng namalikmata lang ako. That body built bahagya iyong lumaki pero kilala ko pa rin iyon. Si Euan ang lulan noong sasakyang kaaalis lamang. Hindi ako pwedeng magkamali.

Nanlalambot ang mga tuhod ko habang iniisip kung anong pupwedeng nangyari kung nakita nya ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang una kong gawin. Ang magpasalamat ba dahil hindi nya ako nakita, o ang tumakbo pabalik ng building na iyon para bawiin ang ipinasa kong resume. Just the thought of Euan working on that building makes me tremble. At malaki ang posibilidad na pag mamay ari nila building, baka iyon ang family business na sinasabi nya noon.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at nilingon ang halos apatnapung palapag na gusali. Hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob ko para bumalik doon. Isa isa kong binasa ang mga pangalang nakaukit sa steel plaque malapit sa entrance.

Jacob Maniago
Founder
Chans Maniago
Chairman
Bryn Euan Maniago
CEO

Hindi ko na nagawa pang ituloy ang pagbabasa ko. Naestatwa ako habang iniisa isa ang mga letrang bumubuo sa pangalan nya. And then I shook my head and walked away. Hindi ko na kailangan pang magtagal dito. This building belongs to them. To his family. I shouldn't be here.

Napabuga ako ng marahas na hangin habang tinatahak ang daan pabalik sa unit ko. Ang taas na nya. Hindi ko na sya kayang abutin pa. He's a CEO now. Sigurado akong nakapila ang mga babaeng gustong makuha ang atensyon nya. Dapat nanatili na lang ako roon sa America. It was Zadana's fault. She's the only one to blame.

Natigil ako sa paglalakad at napako ang paa sa kinatatayuan ko. My forehead creased upon seeing him in front of my unit. Gusto ko sanang umatras at pumunta na lang kung saan pero huli na ang lahat. Our eyes met at natulala na lamang ako dahil doon. Malamig ang mga titig nya, and I froze. Bakit ganito?

"Zadana." Bulong lang iyon pero rinig na rinig iyon ng buong pagkatao ko. Pasuray suray syang naglakad palapit sa akin, at habang kinakain nya ang distansya sa pagitan namin, mas naaamoy ko sa katawan nya ang alak. He's drunk.

"A-anong ginagawa mo rito?" Ni hindi ko alam kung bakit nauutal ako. My instincts are shouting, gusto nilang tumakbo ako, but I can't take a single step. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nakarating sya sa harap ko.

"I missed you Zadana..." Kumalabog ang puso ko ng unti unti syang nakalapit at ikinulong ako sa mga bisig nya. Ginawaran nya ako ng isang napakahigpit na yakap, pero hindi ko sya nagawang itulak palayo. May kung ano sa pagkatao ko ang nagsasabing, I belong to this set of arms. At hindi iyon maganda.

"I fucking... missed... you." Paputol putol, at bulong lamang ang mga iyon. Nararamdaman ko ang hininga nya sa leeg ko, dahilan iyon ng pananayo ng balahibo sa batok ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang pamilyar na sakit na umaakyat at umiikot sa ulo ko. No. This is not good. Kailangan ko ng madispatsa ang lalaking ito at pumasok sa unit ko, uminom ng gamot, at magpahinga.

That was my original plan. Ang muli syang itaboy at itanggi na ako si Zadana. 'Cause I am Jade. But still, nahuli na naman ako. Bago pa man ako makakilos, naramdaman ko na ang malalim nyang paghinga sa leeg ko, at ang pagbigat ng katawan nya. He's asleep, and my head's spinning. Bahala na.


Ni hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas para madala sya papasok ng unit ko. All I know is that I can't let him sleep outside, konsensya ko pa 'pag nagkataon.

Unchained FeelingsWhere stories live. Discover now