Trigger 32 - The conversation

7.8K 108 3
  • Dedicated kay Clarisse Joy Dela Vega
                                    

[Edited Ver.]


The conversation



Belle's PoV :

It's my free time today. Nakahiga lang ako sa kama at walang ginagawa. Gusto kong ganito lang dahil talagang nakakatamad ngayon, mainit pa ang panahon. Kaka-text nga lang ni Selene, nag-aayang pumunta ng mall pero tumanggi akong sumama at sinabi kong si Kyoko nalang ang isama niya o 'di kaya si Ambia. Alam kong hindi na sila masyadong nagkakasama katulad ng dati and I'm blaming myself for that. Kung hindi siguro ako nagpakita ulit sa kanila baka masaya silang magkasama ngayon. 

Dahil sa inalagaan kong galit kay Jerome, nag-s-suffer naman ang mga mahalagang tao sa akin. Now, they were in this dangerous situation because of me. I sighed at the thought. 

I stood up and reach for the door. I went to the kitchen to get a cup of coffee. Umupo ako sa mahabang stool na nakaharap sa kitchen counter and drink my coffee in peace. Naiisip ko iyong mga iba't-ibang bagay, at dahil sa pag-iisip ko, naalala ko bigla iyong huling tagpo na kasama ko si Papa.



Johanne: "Clem, halika dito."

Lumapit ako kay Papa at umupo ako sa lap niya. Lagi ko iyong ginagawa sa kanya at kahit na thirteen na ako, I still do it even though sinasabihan niya akong young lady na ako. 

Nginitian ako ni Papa at ganoon rin naman ang ginawa ko. 

Belle: "Bakit mo 'ko tinawag, Pa?"

Johanne: "Wala lang naman. Gusto ko lang yakapin ang baby Clementine ko."

Niyakap niya ako ng mahigpit at dahil ipinapatong niya ang baba niya sa braso ko, nakikiliti ako.

Belle: "Pa, iyong beard mo nakakakiliti! Hihihihihihi!"

Johanne: "Oo nga pala, hindi pa ako nakapag-shave kanina. Si Mama mo kasi nagtagal sa loob ng banyo, alam mo na.."

Belle: "Hihi.. number two?"

Johanne: "Oo 'nak. Pagbukas niya nga ng pinto.. BOOM! Sumabog ang amoy."

Natawa ako sa sinabi niya at talagang napapangiwi pa siya na parang naaamoy niya pa. Ang cute lang ni Papa kapag nagbabago ang facial expressions niya. 

Johanne: "Clementine, 'nak, hindi ka pa ba nagkaka-boyfriend?"

Belle: "Hindi pa, Bakit po?"

Johanne: "Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa iyo na kung magkakaroon ka ng manliligaw, gusto kong ipakilala mo siya sa amin ah? Papayagan naman kita pero dapat kapag dadalaw siya, dito sa bahay natin. At kapag naman gusto ka niyang ilabas, ipagpaalam ka niya sa amin ng Mama mo."

Nagtataka akong tumitig kay Papa at noong magbaling siya ng tingin sa akin, nangingiti siyang nagtataka sa pagkakatitig ko sa kanya. He pinched my nose lightly and then he hugged me again. 

Nakakataka ang mga kilos ni Papa ngayon, para bang mawawala siya ng matagal. May business trip siguro siya tapos matagal siyang mawawala? Baka nga ganoon iyon. 

Johanne: "..naiintindihan mo ba ako, hija?"

Belle: "Opo, Pa. Pero bakit mo ba sinasabi iyan? Aalis ka ba? Matagal ka bang mawawala dahil sa business trip, Pa?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon