Chapter 2:After the break up PART2

121 11 0
                                    

Shana's POV :

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga sarili Kong paa, napansin ko nalang na sa mismong park na lagi Namin dating pinupuntahan ni Kieth ang tinigilan ko.

Ang saya ng mga alaalang iniwan mo sakin Kieth,mga Bagay na parehas nating Hindi natin makakalimutang parehas. Mga masayang alaala, lungkot, galitan, asaran, pikunan pa nga! Haha. Pero sa Hindi inaasahan, nawala agad ang mga ito. Sa eight months na binigay mo sakin pinasaya mo ako at tinuruang mag mahal. Ikaw ang nag turo sakin kung paano makisalamuha sa ibang tao, ikaw rin nag bigay sakin ng lakas para makipag kaibigan sa iba pang tao, dahil sayo nakilala ko si Kenneth, Si Sharlene, Si Eunice, Kyle, at syempre sina Dave at Kyline. Kaya nag papasalamat parin ako ng nakilala kita Kieth. Kahit na ganito ang kinahantungan nating dalawa wala akong pinag sisihan, alam ko ito na ang kahuli-hulihan nating dalawa, kaya mag papaalam na ako, pipilitin Kong kalimutan ka hanggang sa wala na nga akong nararamdaman sayo, gagawin ko to hindi dahil sayo, kundi para sa sarili ko..

"Gusto ko ring sumaya.."

For my own good.

Umupo nalang ako sa swing na malapit sa may slide at kinanta nalang paborito Kong kanta. Compose naming dalawa..

"Gusto ko sanang sabihin sayo"

Chorus:

Gusto ko sanang sabihin sayo
Na ikaw ang laman nito
Aamin palang ako,
ngunit may iba na palang gusto.

Verse one:

Iba na ang nadama.
Simula palang umpisa
Umaasang may nadarama,
Na alam mo ikaw talaga.

Chorus:

Gusto ko sanang sabihin sayo
Na ikaw ang laman nito
Aamin palang ako,
Ngunit may iba na palang gusto.

Verse two:

Alam ko na may iba ka na ngunit pwede ba ako'y umasa pa?
Nagbabakasakali pa, na tayo'y pwede pa.

Chorus:

Gusto ko sanang sabihin sayo
Na ikaw ang laman nito
Aamin palang ako,
Ngunit may iba na palang gusto.

Bridge:

Nasayang lang ang pag ibig ko na alam mong pinag iingatan ko.
Winasak mo itong puso ko, ngunit ba't ganito ikaw parin ang laman?

Chorus:

Gusto ko sanang sabihin sayo
Na ikaw ang laman nito
Aamin palang ako,
Ngunit may iba na palang gusto.

Ngunit may iba na palang gusto..

Ito na ang kahuli-hulihang kakantahin ko ito, sarili Namin tong sulat at tono. Halos buong araw namin yan binuo para matapos ang kantang magiging theme song sana Namin, pero sa Hindi nga inaasahan ganito ang mangyayari.

Pero kahit na wala na kami Hindi ibig sabihin nyon na Hindi na akong magiging masaya, susubukan ko pauti uti hanggang sa Hindi na pilit ang bawat ngiti at tawang lumalabas sa bibig ko at labi. Pipilitin ko ring maiba na ang mga Gawain ko na kinasanayan ko dati noong kami pa ni Kieth.
Tapos babawasan ko na uli ang mga Pagkain ko haha, Kinahiligan ko kasi ito dati kasi lagi akong libre. Masarap lagi ang Pagkain basta libre diba?. Babaguhin ko na rin ang pananamit ko, iibahin ko na.masyado kasing halos pambabae lahat ang suot ko, madalas pa nga dress, susubukan ko ang pagiging madalas nalang sa jeans o pants at tshirt nalang. Tas ang dating doll shoes, sneakers nalang. Itong mahaba Kong buhok pagugupitan ko kahit maikli lang, masyado ko kasing iniingatan to. Kahit dito lang.. kahit konti lang mag bago ako, kahit na sa pisikal lang, kahit na tago ito sa emosyonal, pipilitin Kong baliktarin lahat at paikutin uli ang mundo ko nang wala siya. Na wala ka..

Hindi masama kung susubukan mo man lang diba? Walang nawawala sakin, at wala pa ring mag babago.

Kahit na sa ibang paraan lang maka gawa ako ng tama para sa sarili ko, karapatan ko ring sumaya at kumawala tulad niya, Hindi yung buong buhay nalang akong mag mumukmok at mag kukulong sa kalungkutan at iyakan. Gusto ko maging matapang at ipag patuloy ang sinumulan niya, gusto Kong patunayan na kahit na wala na siya, at iniwan na niya ako ay Hindi dahilan yon para sirain ko nalang ang buhay ko para sakanya. Handa akong lumaban para sa sarili ko. Kakayanin ko iyon, at pag iingatan ang mga nakatagang ito.

Tumayo na ako sa swing at pinag pagan na ang damit ko pang baba. Binitbit ko na ang bag ko at nag lakad na paalis ng park.

-----

Umuwi na ako sa Bahay at dumetsyo na agad sa kwarto ko sa taas. Nag palit agad ako ng damit at madaling humiga na sa kama.

Masyado akong napagod ngayon. Napagod sa kakaisip kung ipag tatanto ko.

Umupo muna ako sa higaan ko at binuksan ang ilaw ng kwarto ko. Kinuha ko ang binigay sakin ni Kieth noong unang naging kami, yung teddy bear na color brown, we named it Kitly, for Kieth and me. Pinag masdan ko muna ang teddy bear na to, at kinuha naman sa drawer ko ang kwintas na sumunod na ibinigay niya sa akin noong kami pa. Cute siya na silver na ang pendant ay isang Susi na parang heart, ang cute niyang tingnan kung sa totoo lang. Pinag masdan ko na muna ang kwintas bago ko ilagay ito sa box, kasama ang teddy bear na binigay niya. Tumayo ako sa higaan at pinag kukuha ang mga pictures Namin ni Kieth sa mga pader at lamesa, kinuha ko na rin ang notebook Namin ni Kieth na sinusulat Namin ang mga gusto naming sabihin sa isa't isa. Naalala ko kasi nag Simula ito nang mapalayo kami ng pwesto ni Kieth gawa ng sitting arrangement, kahit na alam mong may kakayahan si Kieth na kontrolin ang mga nag tratrabaho sa school na pinapasukan Namin na alam niyang pag mamay ari ni Tita Clara na mommy niya, ay wala siyang magagawa pag si Mr. Robles ang nag utos at pinagawa sa amin iyon. Kaya napilitan kaming mag sulat sa isang notebook niya na siya ang unang nag pasimula, at doon kami nag uusap, pasa pasahan lang dahil ayaw ni Mr. Robles ang maingay sa Klase niya kaya hirap na hirap kami. Lagi kasing pinag iinitan ng ulo ni Mr. Robles si Kieth dahil sa kakulitan niya at ka ingayan, suportado naman ng mga kaklase Namin si Kieth sa kakulitan niya kaya lagi damay damay lahat, lalo nalang mga barkada niyang sina Kenneth todo suportado haha. Sa lagi Kong iniisip yon Hindi ko na maalis sa isip ang mga ganoong bagay, lalo na sa kakulitan niya at pambibiro mahilig yon, para kaming aso't pusa noon. Tawagan pa nga Namin yon eh, siya aso ako pusa, kaso baliktad kasi yung aso takot sa isang pusa hahah under daw siya sakin haha. Pero it's all over, past is past. At Hindi na dapat itong balikan. Stop Shana.. don't think about it anymore.

Sinara ko na ang isip ko sakanya at nilagay na lahat sa box ang mga pinulot Kong nakikita sa kwarto ko tungkol sakanya, sakin, tungkol saamin.

"This time I'll forget everything one by one."

I just sigh..

Until we meet again (Slow-Update)Where stories live. Discover now