Prologue

231 14 13
                                    

[almost a year ago]

"Kieth kalokohan naman yang sinasabi mo eh!"pahikbi hikbi ko nang sabi sakanya."Diba Hindi mo ko kayang iwan?! Nangako nga tayo sa isa't isa diba?! Diba Kieth?! Kieth naman!" Patuloy tuloy ko paring sabi sakanya.

Hindi ko alam pero ang sakit ng nararamdaman ko, alam Kong Hindi to kaya ni Kieth gawin sakin, alam Kong mahal niya ako. Alam ko yon..

Tumigil saglit ako sa pag sasalita at tumingin lang sakanya. Hindi ko alam pero nanghihina ako sa mga titig niya, hindi ko na makita ang kislap sa mga mata niya, nanlalambot na ang mga tuhod ko, Sinubukan Kong lumapit sakanya pero Hindi ko magawa, walang sapat na lakas ang paa ko para lapitan siya, huminga muna ako ng malalim para sabihin ang katagang ito..

"Hin-di mo na ba ako mahal Ki-Kieth?" Halos manlambot na ako sa sinabi Kong iyon
Umaasa sana ako sa sagot niya.. umaasa akong nag kamali lang siya kanina.

"H-Hindi na. Hindi na.." Hindi ko na kinayanan, lumapit na ako sakanya at niyakap ko na siya.

"Kieth! Sabihin mong mahal mo ako oh! Please na Kieth!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, halos Hindi ko na alam ang pinag sasabi ko sa mga oras na iyon. Wala na akong nagawa..

"Kieth dali na oh! Bawiin mo na yang sinabi mo!" Humagulgol na ako sa harap niya pero wala pa rin nag babago sa muka niya. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako sa harap niya..

"Kieth sabihin mo namang kalokohan nanaman to oh haha" pag kukunwari Kong biro sakanya at tawa. "Diba kasama nanaman to sa mga joke mo? Diba Kieth?" Sabi ko sakanya. "Kieth kung nag lolokohan nanaman tayo dito, tigilan mo na please... Hindi na kasi nakakatuwa Kieth eh" pag agos nanaman ng mga luha ko. "Kieth sumagot ka naman oh.. Sabihin mo kal--"
Hindi ko na natapos ang mga sinasabi ko.

"Just stop Shana.." pagpapatuloy niya. "We're done. It's over Shana. I'm not even playing around." He just sigh at binitawan na niya ako.

"Just forget it Shana, please.. ayoko kitang pahirapan, Kalimutan mo na ako.. forget everything and move on. Please Shana.. Don't ruin your life because of me.. you deserve someone better than me, you deserve to be love, not to be broken Shana.. so please.. Tapos na tayo Shana.
Tinatapos ko na.." pag papatuloy niya..

Tumalikod na siya sakin at nag Simula nang mag lakad palayo.. palayo sakin.. tiningnan ko lang ang likod niya, at nag babakasakaling humarap ulit to saakin pero.. wala. Iniwan na niya talaga ako..

Iniwan na niya ako...

Umalis na ako sa pag kakaluhod ko at umupo nalang sa isang tabi, pinag patuloy ko nalang ang pag luha ko at inaalala ang pag kaka sabi niyang..

"Let's break up.."

-------------------------------------
Started: February 11 2017

Finished:

Written by:Elliexoee143

Inspired by: The Heirs Casts

BABALA:

MADALAS PO MALI MALI GRAMMAR KO AT SPELLING PAUMANHIN NALANG PO, LALO NA SA 'NG' AT 'NANG' MAHIRAP PAG TINATYPE EH WAHAHAHA SALAMAT PO SA READERS!:* SORRY PO ULI SA MGA TYPOS INEEDIT KO PA PO IBANG CHAPTERS KAYA WAIT LANG PO TAYO HUHU, THANK YOU PO AND GODBLESS! <3

Until we meet again (Slow-Update)Where stories live. Discover now