c h a p t e r 18

9.1K 183 11
                                    


Maaga akong nagising kaya maaga akong nakapag-ayos ng aking sarili sa aking pag-uwi.

Dahil mag-isa lang ako at ngayon nalang ulit ako uuwi ng mag-isa ay magbubus lang ako patungo saamin sa bataan. It'll take me three to four hours para marating ang bataan.

Dahil magbubus lang ako at mag-isa lang naman ako ay napagpasyahan ko nalang midriff shirt at hishwaisted shorts at practice pinarisan ko na lang ng white sneakers.

Mas maayos kung magiging komportable ako sa damit ko dahil hindi ko pa alam kung kay mauupuan ba ako kung sakali.

Napagdesisyonan kong magdala nalang ng isang backpack dahil saglit lang naman ako sa bataan at may damit naman din ako sa bahay namin. Ang mga outfits ko naman sa photoshoot para bukas ay sila Tyler at staff ang magdadala.

Mabuti nalang at hindi rin napuno ang dala kong backpack, hindi ako mabibigatan at hindi magiging hassle.

Sumakay lang ako ng taxi at nagtungo na sa bus station. Halos hindi mawala ang ngisi ko sa aking mga labi ng makita ang bus na iilan lang ang laman na pasahero dahilan para makaupo ako ng maayos at makaupo ng walang katabi.

Hindi naman nagtagal ang pag-alis ng bus at umandar na rin ito at pumasada.

Sabik na sabik na rin akong makauwi ng bataan dahil matagal-tagal na rin ng huli akong maka-uwi dito. Naiinip kasi ako sa byahe kaya madalang lang din talaga ako umuwi.

Pinilit ko ang sarili kong matulog dahil matagal pa ang byahe. Hindi ako mahihiluhin kaya mabilis din naman akong nakatulog.

Nang magising ako ay agad kong dinungaw ang bintana na tinatabingan ng isang kulay itim na kurtina.

Napag-alaman ko na isang oras na lang ay makakarating na ko saakin.

Napatingin pa 'ko sa aking wristwatch at napagtantong halos 3 oras din akong nakatulog. Nagawa ko pang mag-ayos ng sarili at magretouch dahil ramdam kong medyo naging oily na ang aking ilong.

Dahil sa inip ay nagawa ko din na buksan ang phone ko.

May tig isang mensahe doon mula kay Tyler at Aisler at ang dalawang mensahe naman ay muka kay Skyler.

Inisa-isa ko ang pagbubukas nito.

From: Tyler

Hey, Gorgianne dear! Ngayon uwi mo diba? Ingat sa byahe girl. Mwah!

Agad akong nagtipa at sinend sakaniya ang reply ko bilang pasalamat.

Ang sumunod ay kay...

From: Aisler Rudesworth

Ang bilis mong nawala kagabi. Naka-uwi ka ng maayos? Btw, goodmorning! :)

Agad rin ako nag-isip ng irereply kay Aisler at agd itong itinipa.

Ang dalawang huling mensahe ay mula na kay Skyler.

Hindi ko alam ngunit literal na nakaramdam akong kiliti sa aking tiyan ng nakita ko pa lang ang mensahe sakaniya.

Damn! This are just littke things, Gorgianne Paris!

Halos kalmahin ko pa muna ang sarili ko bago tuluyang basahin ang mensahe ni Skyler dahil sa aking pag-iisip.

From: Skyler

Goodmorning my Paris...

Halos mapamura ako sa una niyang mensahe. Oh good God, calm my soul!

From: Skyler

Owned by a Possessive BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon