c h a p t e r 12

9.6K 234 8
                                    



What did he mean 'All wrong'?

What the fuck! Just what the fuck! So all that 'I like you's' were wrong and a lie?

Great.

Nanghihina pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang nangyari noong isang araw.

God knows how much I wanted to be with him. Ang kaya lang ay hindi talaga pwede dahil nakapayag na ako kay Aisler na kaibigan ko pa. It would be unfair to him kung pumayag ako sakaniya tapos babawiin ko kasi mas napili kong samahan ang aking boss.

Ms. M's birthday party would be tonight. I'm pretty sure that it'll be  grand as always.

Sa tatlong taon kong pag attend ng birthday nito ay hindi pa kailanman lumiban at nawala ang mga press. Laman din ng balita at showbiz pag birthday nito.

May mga businessman at mga artista rin na imbitado. Halos lahat ay malalaking tao. Syempre ay imbitado na rin kaming mga model sa agency niya.

Mabait naman si Ms. M at talagang laging inaalagaan ang kanyang mga trabahante't mga model.

Hindi ko alam kung bakit parang kumakalam ang sikmura ko sa tuwing maiisip ko na makikita ko ulit mamaya sa party si Skyler pagkatapos ng paguusap namin noong isang araw sa restaurant.

May kung anong kaba ang nananalatay sa dibdib ko at di ko malaman kung bakit.

Get a grip of yourself, Gorgianne!

Formal ang party mamaya, gaya ng nakaraan ay napili ko pa rin ang long gown bilang kasuotab.

Isang long gown na kulay beige ang susuotin ko mamaya. Tube ito ngunit may malalim na slit sa gitna ng aking bandang dibdib. Sa gilid ng aking bandang hita ay may malaki din na slit na halos malapit na sa aking v-line.

Kapit na kapit ito sa aking katawan noong nag fitting ako. Mas gusto kasi ng designer ko ang mas nadedepina ang aking katawan. Ika niya ay sexy daw ako kaya bagay na bagay daw saakin ang ganoon.

Kinalma ko ang aking sarili upang kahit papaano ay di na ako gaano mag-isip. Nang nilingon ko ang orasan ay nakita kong pasado alas dos na.

Mukhang kailangan ko nang maligo dahil mag-aayos pa ko at magme make-up. Hindi na 'ko kumuha ng make-up artist dahil kumpleto na ako sa gamit at kaya ko naman.

Alas otso mamayang gabi ang simula ng party. Nakatanggap naman ako ng mensahe mula kay Aisler na bago mag alas syete ay susunduin niya ako dito sa lugar ko. Napag-usapan namin na magkita na lang kami sa lounge para hindi ko na siya maabala pa.

Napag pasyahan ko nang maligo para mas mapa aga ang paghahanda ko. Naligo ako at pagkayari ay napagpasyahan ko pa na magbabad saglit sa bath tup para mas kumapit ang amoy ng ginamit kong shower gel.

Nang lumabas ako sa banyo ay saktong alas kwatro na. Halos mabigla pa ako dahil ganoon na pala ako katagal sa banyo.

Mabilis kong tinuyo ang sarili ko at nagsuot muna ng aking robe.

Nag blower lang ako para mas mapadali ang pagpapatuyo ng buhok ko ay pagkatapos ay kinulot ko lang ito ng malamlam at sinikop ito para itali ng mababa. Nag iwan pa ako ng katiting na buhok sa akong magkabilang gilid ng mukha para kas magmukhang elegante.

Nang matapos ako sa buhok ay maingat at medyo matagal ko ginawa ang aking make-up.

Nang matapos akong gawin ang aking mukha at buhok ay agad na akong nagtungo sa aking kama para kunin at isuot na ang akong gown.

Habang sinusuot ko ito ay medyo kinabahan pa ako ng medyo mahirapan akong ayusin ang bandang likod nito. Isang nude brown stiletto lang ang pinares ko dito at handa na ako.

Owned by a Possessive BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon