[24] Start Of Something New

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang minutong katahimikan. AAAAAHHH! Naloloka na ako! Sasagot ba itong kisame? Malamang hindi. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Gulong to the left, gulong to the right. At ayun, in the end, bumagsak na ako sa kama, pero nakakapagtaka dahil hindi man lang ako nasaktan.

"Naloloka na ako!! Kailangan ko ng tulong. Huhuhu!" Bumangon ako at bumalik sa kama, saka ko ginulo ang sarili kong buhok. "Aish! Ano na?! Pupuntahan ko ba siya o papapuntahin ko siya dito?"

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Syempre, naligo muna ako bago ako bumaba sa kitchen. Mag-te-10AM na, pero ngayon pa lang ako nag-aalmusal. Malala na ito. One week na akong napupuyat sa kakaisip tungkol sa pandak na yun!

"Kaye Anne, ngayon na raw ang uwi ni Gail galing Korea."

Natigilan ako sa sinabi ni Yaya Vera. From being bangag, naexcite naman ako ngayon. "Seriously, Ya'?" Tumango siya habang nakangiti pa rin. "As in, today? Hala! Excited na akoooo!"

"Tumawag ang Lola mo. Sabi niya pumunta daw kayong mga apo niya ngayong lunch sa mansion. Naghahanda daw sila ng welcome back party para sa pinsan mo."

Si Lola talaga. Hindi niya maitago yung pagkaobvious na favorite apo niya si Gail. :3

Uminom muna ako sa hot choco ko bago ako magsalita ulit. "Dun po uuwi si Gail sa mansion? Hindi sa bahay nila?" I'm reffering to their house next to ours. Ayaw niya bang umuwi dun? Mas masaya kung magiging kapit-bahay ulit kami.

Umiling lang si Yaya. "Hindi daw eh. Ang mabuti pa, Kaye Anne, pumunta ka na dun ng maaga. Yun ang request ng Lola mo."

I did what I was told to do. Nag-ayos na ako ng sarili ko at nagpahatid na agad kay Kuya Mario sa mansion. But on the way to Lola's place, sumanggi na naman sa isip ko si Nathan. Lalo na dahil nagpapatugtog pa si Kuya Mario habang nagdadrive. Naman oh!

"I never had a dream come true

Till the day that I found you~

Eventhough I pretend that I moved on,

You'll always be my baby

I never found a word to say

You're the one I think about each day

And I know no matter where life takes me to

A part of me will always be with you."

Nanadya ba ang kanta? Tuwing naiisip ko pa naman siya, para akong sinasapian ng kung anong baliw na espiritu. Yung bigla nalang ako napapaganito...

"Nakakainis!"

Nawala yung music. Tinurn off pala ni Kuya Mario yung music player. "Kaye Anne, ayos ka lang dyan?"

Napatikom nalang ako ng bibig. See? May lumalabas nalang na salita sa bibig ko out of nowhere. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Ayoko na. Naiinis na ako sa sarili ko. :(

"Kuya Mario..."

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim. Bahala na si Darna. Gusto ko ng matahimik ang kaluluwa ko. Dahil kapag pinatagal ko pa ito, baka magsisi na talaga ako sa huli. "Daan po muna tayo kina Nathan. May sasabihin lang ako."

Wish me luck. It's now or never. Kailangan ko ng serenity. Peace of mind. Peace of heart. Peace of everything.... And most of all, matinong lovelife.


NATHAN'S POV

"ANO? T-NGINA! HINDI NGA, DANICA? NAGAWA MO YUN?!?"

"Ouch. My ears naman. You don't need to shout, Nathan. It's my fault nga diba?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon