[24] Start Of Something New

Start from the beginning
                                    

"Kung anuman ang desisyon mo, tatanggapin ko. Kung hihiwalayan mo ako, hahayaan kita. Ikaw na rin naman ang nagsabing niloko mo rin ako." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya pagkatapos ay pinat niya ang ulo ko. Mas lalo tuloy akong napaiyak sa gesture niyang yun. "Kung naglolokohan na rin lang naman tayo, ang mabuti pa ay itigil na natin ito. Puntahan mo siya... Sa kanya ka nalang. Siya naman talaga ng mahal mo sa simula pa lang diba?"

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Nakangiti siya sa akin, pero alam kong malungkot ang ngiting yun. "Pinamimigay mo na ba ako?"

"Hindi kita pinamimigay. Isasauli lang kita."

Pinipigilan ko ang hindi mapahikbi pero natatalo ako. Nakakainis! Bakit ba ako umiiyak? "Mag-ingat ka sa sinasabi mo. Kapag ako, pumunta talaga sa kanya, wala nang balikan. Ayos lang ba sayo?"

"Sa tingin mo ba, pagkatapos ng ginawa ko sayo, deserve pa kita?"

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. "Syempre, h-hindi!"

"Ayokong humingi ng second chance sayo dahil ngayon pa lang, alam kong makapal ang mukha ko kapag ginawa ko yun." He smiled bitterly to me. "Bakit pa ako hihingi ng second chance kung alam ko namang sa sarili ko na hindi talaga ako karapat-dapat sayo?"

"Austin..."

Tumayo siya kaya naman tumayo na rin ako. Sinapo niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata. Hindi ko iniexpect na sa darating kami sa ganitong punto. "Ayokong nahihirapan ka. Siya naman talaga ang mahal mo at hindi ako, diba?"

Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Siya? Tinutukoy niya ba si ano?

"Austin naman eh..."

Natawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Don't give me that tone, Kaye Anne. Pinapakawalan na kita diba? Baka gusto mong bawiin ko yung---"

"HUWAG NA!"  Sigaw ko. Bakit babawiin pa? Imbes na hindi na ako nahihirapan eh. "Thank you, Austin. Hindi ako nagsisising nakilala kita."

He smiled genuinely to me. Alam kong totoo yan. Nababakas sa mga mata niya. "Maswerte siya sayo. Pakisabi sa kanya, alagaan kang mabuti ha?" Binitawan niya ang mukha ko at mabilis na binigyan ako ng halik sa noo. "Kahit hindi mo naman sabihin yun, alam kong aalagaan ka niya."

"Makakahanap ka rin ng babaeng para sayo, Austin. Ipagdadasal kita."

"Huwag na muna. Ifofocus ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral."

"Weh?" Hinampas ko siya sa braso. "Paano yung girl na ano mo?"

Sumimangot siya. Mukhang nabadtrip yata siya bigla sa sinabi ko. Maganda kaya yung babae? Hindi ko kasi nakita nung araw na yun ang mukha niya. "Lilipat na ako ng condo dahil sa babaeng yun. Nakakairita."


One week na ang nakalipas nang makapag-usap kami ni Austin. Inaalala ko pa rin nag bawat salitang sinabi niya sa akin. Tama bang magconfess na ako kay Nathan? Hindi kaya nakakahiya yun? Paano ko gagawin yun? Nakakahiya naman. Kababae kong tao, ilang beses na akong nagtapat sa kanya.

"Eh nagtapat na rin naman siya sa akin ah! Ilang beses na rin yun!"

Sino nga bang kinakausap ko? Eh 'di syempre, yung kisame ng kwarto ko. Wala naman akong ibang makausap eh. Kung kay Yaya Vera ako mag-open up, baka malaman pa ng ibang kasambahay. Nakakahiya naman.

"Ngayon pa ba ako mahihiya?? Chance ko na eh! One step away nalang, magiging akin na siya." Napangiti ako sa sinabi ko. Bakit bigla akong kinilig sa ideyang yun? "Kailangan ko na bang maging aggressive? Tingin mo?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now