Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

“I told you, hindi magandang idea na narito si Cross.”

Lumabas ang dalawang lalaking nag-uusap sa pinaka-main door kaya nagmadali na kaming lumabas kung saan tumambad sa amin ang kakaibang lugar. Paanong nagkaroon ng ganito sa loob ng academy? Eh, halos kasing laki ito ng buong campus. At binanggit nila ang Cross, I know that’s Erin.

“Be careful. Hindi natin alam kung anong meron sa lugar na ‘to.” Sabi ko nang lingunin ang paligid. Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak sa akin ng babae dahil hindi pa rin ito bumibitaw.

“Maghiwa-hiwalay kaya tayo?” Suhestiyon ni Josh.

“Bakit kasi sumama pa kayo? Wala naman kayong mai-aambag dito.” Inis na reklamo ni Jester.

“Because I want to save Erin.” Agad kong nilingon si Josh. Nakatingin siya sa akin na tila ba gusto niya ng kompitensya.

“Hindi ka kailangan ni Erin. I can save my GIRLFRIEND without your help.” In-emphasized ko talaga ang salitang girlfriend para malaman niya ang lugar niya.

“Let’s go. Humiwalay kayo kung gusto niyong humiwalay.”

Erin’s POV

Hawak-hawak ni Ten ang kamay ko at marami kaming pinag-usapan. Intrepid siya gaya ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kaming posasan ni Tyler.

“Ty! Ano ba? Tanggalin mo na ‘to. Hindi nga ako gagawa ng kalokohan.”

“No. Kailangan ‘yan, para hindi mo tangkaing lumabas ng kwarto na ‘to.” Pagmamatigas niya pa. Palibhasa alam niyang ayaw kong idamay si Ten sa mga reckless things na gagawin ko. Kapag may mali akong ginawa, madadamay si Ten kaya kailangan kong mag-stay sa kwarto na ‘to.

“Promise, hindi ako tatakas. Tanggalin mo na ‘tong posas. Nahihirapan na si Ten.”

“Actually okay lang ako.” Sinamaan ko ng tingin si Ten pero nginitian niya lang ako. He’s enjoying this!

“Whatever! Saan ba nagpunta sila Jennie at Xander?”

“Naghahanap ng pwede nating paglabasanㅡ” Agad akong napatayo kaya napatayo rin si Ten ng wala sa oras.

“I’ll help theㅡ”

“Erin, kaya na nila ‘yon.”

“No, I will help.” Mabilis akong lumabas at maingat na hinawakan si Ten para hindi masugatan ang palapulsuhan nito.

“Wag kang bibitaw sa ‘kin, okay? Intrepid ka naman kaya sure ako na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.” Tumango lang siya at paglabas sa building ay agad akong tumingala sa bintana kung saan nakatingin sa akin si Tyler. I just mouthed the word sorry at saka marahang tumakbo.

“Sure ka ba rito, Erin? Kaya na nila Jennie ‘yon. Let’s just stay in your room, mas safe tayo ro’n.”

“No, ayokong maupo at maghintay lang doon. Sorry for dragging you.” Umiling siya at saka ngumiti.

“It’s okay, sasamahan kita kahit saan pa ‘yan.” Ngumiti ako at saka sumilip silip sa paligid. Walang tao, ang unang lugar na pumasok sa isip ko ay ‘yong building kung saan unang nanggaling si Jennie. Ang sabi niya ay sa puting kwarto na ‘yon siya nagising. Malakas ang kutob ko na nasa building na ‘yon ang daan palabas.

“Erin.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ten sa kamay ko, dahilan para lingunin ko siya at makitang nakatingin siya sa isang babaengㅡholy fuck! She’s looking at us and she’s so damn creepy.

” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ten sa kamay ko, dahilan para lingunin ko siya at makitang nakatingin siya sa isang babaengㅡholy fuck! She’s looking at us and she’s so damn creepy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Run. Let’s run.” Hinawakang mabuti ni Ten ang kamay ko at nagsimula kaming tumakbo nang makitang humakbang ang babae.

“Damn! Ang creepy. Anong klaseng drugs ba ang ipinapainom nila sa mga tao rito?!” Hingal na sabi ko hanggang sa hilahin ako ni Ten para magtago. Sinandal niya ako sa pader habang siya ay nasa harapan ko. Hingal na hingal kaming pareho hanggang sa may tumawag ng pangalan ko at pangalan ni Ten. Sabay kaming napalingon at halos manlaki ang mata ko.

“Zero.”

“Erin.” Tawag ni Ten kaya medyo na-confuse ako.

“Crap! Ayan na siya.” Hinila ko si Ten at tumakbo papunta kila Zero.

“Run!”

Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kabahan. Nakaupo ako sa kama habang nakaharap kay Zero. Para silang nakakita ng multo, well hindi ko sila masisisi dahil gano’n din ang reaksyon ko nang makita ko si Tyler.

Bago pa sila maguluhan ay in-explain ko na sa kanila lahat. Maging ang kay Xander ay sinabi ko na.

“So paano kayo napunta rito? Paano niyo nalaman ang lugar na ‘to?” Tanong ko habang tinatanggal ni Tyler ‘yong posas.

“Dinala kami ni Winter.” Halos walang emosyon na sabi ni Zero. Tumayo naman si Ten para kausapin ang babaeng kasama nila Xian na ang pagkakatanda ko ay Erin din ang pangalan. Magkasama raw silang pumasok sa Monstrous and they are friends.

“Pwede ko bang makausap si Erin ng kaming dalawa lang?” Tanong ni Zero at nagsilabasan naman ang lahat hanggang sa kami na lang ang natira rito sa loob.

“Sino si Winter?” Tanong ko.

“Your uncle. Celvero siya gaya ng mommy mo and yes, may kapatid si Tita Rain. Mukhang may alam siya sa mga nangyayari but we can trust him, he’s on our side.” Paliwanag niya at napatango lang ako. Hindi na kinakaya ng utak ko ang nangyayari kaya pagod na akong magulat sa mga nalalaman ko. Naupo si Zero sa tabi ko at saka ako niyakap ng mahigpit.

“I missed you.” Kumalas siya sa pagyakap at saka yumuko.

“Who’s that guy? I want to punch him for touching you like that.”

“Come on, don’t be like that. He’s a friend. Long story pero hindi na ‘yon mahalaga, ang importante ay kumpleto na ulit tayo. Magkasama na ulit tayo.” Ngumiti siya at saka ako marahanang hinalikan sa labi. Kumalas din naman kami agad at saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Sabay nating tatapusin ang problemang ‘to. I love you.”

“I love you too, Zero.”

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon