Nakita niyang hindi na ito gumagalaw at noong tiningnan niya ito ng maigi ay may tama ito ng baril sa dibdib. Napahawak si Kiel sa bibig niya at kinarga si Aki.

"W-We need to bring him to the hospital!" sigaw niya noong makababa siya pero nakita niyang wala pa rin sa sarili si Saph.

"You killed my bear," wala sa sariling sabi ni Saph at naghanap ulit ng baril na may bala.

Lumapit na sina Stone sa kanya at hinila siya palayo pero noong hinawakan ni Stone ang balikat niya ay agad siyang hinila ni Saph at sinubukang ihampas ang ulo niya sa sahig. He was quick on his moves to prevent his head from hitting the ground tsaka siya umiwas kay Saph.

Tumayo si Saph at tumingin sa kanilang lahat. She spotted Aki on Kiel's arm.

Parang nagdilim ang paningin niya at hindi na niya alam ang kanyang ginagawa at basta-basta na lang niyang kinuha ang upuan na ginamit niyang panghampas kanina at tinapon ito sa kanilang lahat.

When she spotted a new gun on the ground, agad na itong kinuha at ikinasa. She was about to pull the trigger when Ice and Stone simultaneously arrived beside her and stopped her from doing something she was not supposed to do.

Kinuha kaagad ni Ice ang baril na hawak nito habang pinapalayo naman siya ni Stone sa harap nila at dinala niya ito sa kusina. Saph was still in a daze. Nakatunganga lang ito at nakatingin sa harapan. Agad na dumating si Nyx sa gilid nila at tiningnan kung may sugat ba ito. She was covered in blood, but Nyx was thankful that the blood was not hers.

Maya-maya ay may mga Tanaka guard na dumating at nakita nila ang nangyari sa paligid. "P-Please, we can still save Aki," mangiyak-ngiyak na sabi ni Kiel habang yakap-yakap niya ang walang buhay na katawan nito.

The Tanaka guards immediately took him and Aki to the nearest veterinary hospital habang 'yong ibang naman ay tumawag ng medic at clean-up team. May mga Tanaka guards na lalapit sana kina Nyx pero napahinto sila noong makita nilang may baril na nakatutok sa ulo ni Nyx.

Nanlaki ang mga mata ni Zack noong makita si Saph ang may hawak ng baril. Walang emosyon siyang nakatingin sa kambal niya at idiniin pa ang baril sa sintedo nito dahilan para umalerto ang lahat ng nasa paligid nila.

"I heard you."

Parang pinagpatuloy lang ni Saph ang pinag-usapan nila ni Nyx kanina bago sila inatake.

"I heard you at that village you took me to. I heard you in front of the mansion before I totally fainted."

Sinapo ni Stone ang mukha niya sa sinabi ni Saph. Of course, they were too confident that she didn't suspect a thing at nag-usap pa sila sa harap nito at inakalang wala itong malay pero nakikinig na pala ito sa kanila.

"Med00? Experiments?" sunod-sunod na tanong ni Saph at sinafety-off na ang baril.

Walang pag-aalinlangan na humarap si Nyx sa kanya at idiniin pa ang baril na ngayon ay nakatutok na sa noo niya. "Go on, kill me—"

Sinampal kaagad ni Saph ang kapatid niya at binalik ang pagkakatutok ng baril sa ulo nito. "Don't you dare act brave in front of me because now that I'm beginning to understand all of it, you are the coward," she said.

"How dare you stand and watch as Anpa neglected me and experimented on my body without my knowledge? How dare you lie to me!?" sigaw nito at pinaputok ang baril na hawak niya sa gilid ng ulo ni Nyx. He flinched at the sound but kept his eyes locked on hers.

"You, Ice, and everyone in this mansion knew about it. And none of you bothered to tell me," sabi niya at tiningnan si Ice na halatang gustong-gustong lumapit sa kanya.

Fukitsu AcademyWhere stories live. Discover now