"Sino naman 'yong bago maliban kay Saph?" tanong ni Kiel.

"It's the Angels." Kumunot ang noo nina Zack sa sagot ni Demo. "Angels?" tanong ni Zack.

"Master Tanaka's spies," sagot ni Demo. Ngayon ay hininaan na niya ang boses niya dahil nasa loob lang sila ng mansion kasama si Saph na nasa taas. "What kind of spies?" Stone asked.

"Saph went to a different school, right?" tanong ni Demo at sa tanong pa lang na 'yong ay alam na nina Stone ang ibig sabihin nito.

Saph went to a different school and as a way of protecting her there, her grandfather hired spies to keep watch of her. Based on the information that they attended the same school as Saph, those spies are around the same age as her and are probably friends with her. But calling them her friends would be a bold assumption because these spies could've just watched her from afar.

"So, ngayon na sa Fukitsu na mag-aaral si Saph, doon na rin sila?" Kiel asked.

"They got accepted through recommendations from the Tanakas," sabi ni Zack. He was no longer interested in knowing facts about people irrelevant to the Tanakas and the current situation.

"It would be pointless kahit na nandoon sila. I mean, we're already here. Plus, kasama na niya si Nyx. No need for spies," sabi ni Kiel.

"They most likely accepted to work under Master Tanaka para makapasok sila sa Fukitsu. They just used their connection for their own benefit. Good for them though," walang emosyon na sabi ni Stone at naglapag ng fried chicken sa mesa na agad namang pinagpyestahan nina Kiel.

Habang kumakain sila ay narinig nila ang pagbukas ng pinto at ang pagbati ng mga maid nila sa kararating lang. They heard that Nyx and Ice were already back. Dumiretso sina Ice sa kusina at kumunot pa ang noo nila nang makita si Stone na nagluluto at naka-apron pa.

"Sayang, may damit ka. Nag-topless ka sana tsaka nag-apron. Mabebenta pa natin 'yong pictures mo sa Fukitsu," mapanuksong sabi ni Ice at kumuha ng isang chicken leg at kinagat ito. Tiningnan naman ni Nyx si Kiel na pinapakain si Aki.

"Haha, nabugbog," natatawang sabi ni Zack at tinuro ang pisngi ni Ice na may pasa. Inis namang hinawakan ni Ice ang pisngi niya at tiningnan si Nyx.

"I said the body, Nyx. Body. Ba't mo ako sinuntok sa mukha?" tanong niya. Nagkibit-balikat ni Nyx at tinanong kung nasaan si Saph. Sinagot naman siya ni Demo na natutulog ito.

Ice complemented Stone's cooking kaya tumikim naman si Nyx at nalaman niyang masarap nga ito magluto. Maya-maya ay narinig nila na pababa na si Saph at kakagising lang nito kaya tinawag ni Nyx ang kapatid papunta sa kusina. Pasuray-suray na naglakad si Saph papunta sa kusina at nakita nilang inaantok pa ito at kinukusot pa ang mga mata.

She sat down on one of the chairs and picked up Aki who were still trying to eat. Niyakap niya si Aki habang nakapikit pa rin ang mga mata niya. "Aki, good morning," inaantok na sabi nito. Tumingin naman sina Ice sa orasan.

It was already five in the afternoon.

"Eat," tipid na sabi ni Nyx sa kapatid niya at kinuha muna si Aki mula rito dahil hindi pa ito tapos kumain.

Napansin ni Zack na palagi na lang silang kumakain dito sa mansion. He couldn't wait to finally get out of there and attend Fukitsu. Nagsimula nang kumain si Saph at parang nagising siya noong matikman niya ang beef steak.

"Nagbago ba tayo ng chef?" inaantok niyang tanong. Natawa si Nyx at sinabi na si Stone ang nagluto ng pagkain. Tumingin si Saph kay Stone dahil sa sinabi ng kambal niya. "Marunong ka magluto?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"Mukha bang hindi?" tanong nito.

"Ba't ang sungit mo?" tanong niya at hindi na lang pinansin si Stone tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon