Chapter Three

22 0 0
                                    

"Tati may nahanap ka na bang trabaho?" tanong ni Belle sa akin habang sinusuklayan ang kanyang ma-alon na buhok.

Nandito ako sa isang orphanage na sinusuportaan noon ni Dad bago siya namatay. Ang ' House of the little Angels orphanage ' lahat ng mga bata dito ay malapit na sa akin, kabilang na dito si Belle, isang batang ulilang lubos. Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa sunog. Belle was supposed to be with her Aunt and Uncle pero minamaltrato siya ng mga ito, kaya naman na napag- desisyunan ng mga madre dito na kupkupin siya dito. Belle looked healthier than the last time I saw her, taliwas sa katawang buto't balat at puno ng pasa ang katawan.

"Not yet little one." I said with a sigh.

Hindi pa rin mawawala sa aking sistema ang masasakit na sinabi ni Maxine sa akin kahapon, kaya napagpasyahan kong hindi muna maghanap ng trabaho ngayon dahil gusto ko munang mapag-isip isip, and I choose the orphanage to unwind dahil matagal-tagal ko na din itong hindi nabibisita.

"Alam mo Tati, manalig ka lang.. magkakaroon ka din ng trabaho yung maganda!" At bumalikwas ang bata sa pagkakaupo at hinarap ako na may masiglang ngiti sa kanyang mga labi. "Para mas lalo kang gumanda."

Napatawa ako sa kanyang sinabi, I feel all my disappointments and depression disappeared from my chest. Totoo nga ang sabi nilang iba talaga pag ang kausap mo ay bata, parang nawawala ang lahat ng problema mo.

I touched the tip of her nose and she giggled. "Ikaw din, dapat ka ring mag-aral ng mabuti para balang araw, pareho tayo na may magandang trabaho at pareho tayong magiging mas gumanda."

Tumango-tango din ito sa akin habang yakap-yakap niya ang manikang pasalubong ko sa kanya.

Nginitian ko siya ng matamis. "Pumasok ka na sa loob Belle at baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."

Tumango naman ito at kumaripas ng takbo, kitang-kita kong sumasayaw ang kanyang kulay abo na damit habang tumatakbo ito patungo sa loob ng orphanage. Masigla niyang binati ang mga madre na nasa may porch ng bahay.

Napatingin ang mga madre sa aking direksyon at kumaway sa akin bilang pagbati, agad ko ding sinuklian ang kanilang pagbati.

Tinulak ko ang aking inuupuang swing gamit ang aking mga paa. I enjoyed the feeling of being here, its been a long time na hindi ako nakaupo o nakagamit nito, mahigpit kong hinawakan ang magkabilang kadena ng swing at mas nilakasan pa ang pagtulak ko. I missed the adrenaline, I missed being a child.

"Magandang Umaga Tati.."

Agad kong napahinto sa aking ginagawa at hinarap ang tumawag sa akin.

"Mother Jane." bati ko sa kanya. "Magandang Umaga din po sa inyo." sabi ko sa kanya ng makatayo na ako at humakbang palapit sa kanyang kinaroroonan upang magmano.

"Malaki na talaga ang iyong pagbabago." Napangiti ako sa kanyang sinabi at hinawakan niya ang aking dalawang kamay, humakbang kami papalayo sa playground at tinahak namin ang daan patungo sa orphanage.

The orphanage is meters away from the playground, bahagyang dumilim ang paligid dahil sa malalaking ulap na nagpapatago sa sikat ng araw. It's very refreshing to be here, dahil sa magagandang tanawin na natural, at talagang maakit ang inyong mga mata dito. Malayo sa maingay na lugar sa Manila. The orphanage is located in Tanay, Rizal.

Napag-alaman ko ding nahinto ang pagdo-donate ng dati naming kompanya sa orphange na ito. It stopped dahil sabi ni Mother Jane sa akin ay wala ng budget ang kompanya para sa gastusin ng mga bata at sa bahay. Pero alam ko ang tunay na dahilan, The Dela Torre family are greedy and conniving creatures ayaw nilang magbigay kahit centimo sa mga taong hindi naman sila matutulungan. All they think is to earn from the little things, to big.

Shards Of VirtueWhere stories live. Discover now