Chapter Two

22 0 0
                                    


Pagkalabas ko sa lobby ay agad akong humanap ng fastfood dahil bigla akong nagutom, I remembered that I didn't eat breakfast this morning dahil wine lang ang ininom ko. I checked my purse kung may extra pang pera na pwede kong magamit, I smiled nang meron pang one thousand na sakto para sa expenses sa araw na ito.

May malapit naman ang kainan dito, kaya agad na din akong nag-order ng coke, burger and fries sa jollibee. I checked my phone kung ano pang mga naka-schedule sa araw na ito aside sa paghahanap ng trabaho.

Sa kalagitnaan ng aking pagso-scroll, an Unknown  number na naka-register ang nagtext sa akin.

'Hey Tatiana, Charlie here. I wish you luck for your job hunting and see you soon :)'

I smiled at her message at agad ko ding nai-save ang kanyang number, I texted her back.

' Thanks Charlie, I'm looking forward for that bar hopping that you have said earlier. '

Ilang minuto din akong naghintay sa reply ni Charlie, pagkatapos kong kumain ay agad na din akong lumabas para sa next stop ko. I scanned the piece of paper na nasa loob ng bag ko. I realized that my last hope will be Manila City Builders Cooperation, Bradford Shipping lines, Montiero Group of Companies at Mortiz Hotel and Companies.

I envisioned myself working to the Manila City Builders pero parang hindi mafi-fit ang personality ko doon at hindi rin kalakihan ang sweldo na ini-offer nila. Bradford shipping lines ang susunod na pupuntahan ko.

I entered the lobby ng kompanya agad ko namang chi-neck ang sarili sa kanilang malaking salamin na malapit sa entrance, I look pale kaya naman agad akong kumuha ng aking matte lipstick para bigyan ng kaunting kulay ang aking mga labi. After that, I went to the front desk para magtanong.

"Hi Good afternoon." bati ko sa babaeng nakabantay doon, she's in her mid-thirties, she pointedly look in my way. She gave me a strict glare.

Despite how ill mannered this woman is, I congratulate myself for keeping my cool. I feel my hands started to sweat.

"I came here to submit my application and for the interview, nakita ko kasi sa newspaper ads na naghahanap kayo ng mga bagong employees." I smiled too sweetly at her.

Pero she gave me a cold shoulder at mabilis na kinuha ang telepono na malapit sa kanyang right side. She dialled a random number at pagkatapos ay meron siyang kausap sa telepono. I scrutinized the woman in front of me, Mercado ang nakalagay sa kanyang nameplate, her shoulder length black hair adorned her heart-shaped face. She wears a smart eyeglasses that made her look strict and elegant at the same time. Her black business pants and jacket completed her style.

Biglang sumakit ang aking paa, Siguro ay dahil sa pagsusuot ko ng stilleto. I shuffled my feet to ease the pain. I breathe in relief nang makita ko na binaba na niya ang telepono.

Binalingan niya ako ng tingin at binigyan ng isang tipid na ngiti. "Pumunta ka fourth floor, at magtanong ka sa sekretaryang naka-assign doon, she will lead you to the manager of the company. Ang manager ang mag-iinterview sa iyo.."

Tumango naman ako sa kanya and started to gather my folders na bitbit ko palagi.

"Thank you.." I murmured.

Nang makapasok ako sa elevator, I prepared my mind for the possible questions na itatanong ng aking interviewer, bahagyang napa-retouch din akong sa aking mukha para lang mawala ang mga pawis na nasa aking noo. I closed my eyes in a silent prayer, hoping that the Lord will hear my plead. Dalawa na lang ang aking pag-asa, this company and the Montiero Group of Companies. Wala pa sa aking plano na pumasok sa dati naming kompanya. I need to learn first at ipapakita ko sa kanila na kaya kong magtrabaho without their help, babawiin ko din balang araw ang ninakaw nilang pag-aari ko. The one that I'm supposed to run in the first place, ang pinaghirapan ng aking mga magulang.

Shards Of VirtueWhere stories live. Discover now