"Gugupitin namin ang buhok mo bilang parusa sa paghalik kay Marcus namin at panlalandi na rin kay Josh!"

"Subukan n'yo lang talagang lumapit sa 'kin! Humanda talaga kayo!"

Humalakhak sila sa sinabi ko. Oh gosh. Hindi ba nila alam na nasa akin ang pitong dragon balls?

"Girls!"

Biglang nagsilapitan sa akin iyong dalawa niyang alagad at hinawakan ang magkabila kong braso...in short, na-trap nila ako. Lumapit pa lalo sa 'kin iyong reyna raw ng tubig? Reyna ng mga shokoy kamo!

"Hindi ka naman kagandahan para magustuhan nina Marcus at Josh. Isa pa, wala sa taste ni Marcus ang magkagusto sa isang Pororong katulad mo!"

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niyong nasa gitna. Ano raw? Pororo? Tangina!

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Inis kong dinuro iyong nagsabi niyon.

Sabihan niya na ako ng lahat, huwag lang maging katulad ni Pororo!

"Alin? Iyong bang mukha kang Pororo?" She smirked.

Iwinaksi ko ang mga braso ko kaya nabitawan nilang dalawa ang pagkakahawak sa 'kin.

"First of all, hindi ko nilalandi si Marcus at mas lalo na si Josh. Second, pumasok ako rito para mag-aral, hindi para makipaglandian. And third, ayaw ko ng gulo pero kayo na mismo ang nagtulak sa 'kin para gawin ang bagay na iyon. Lastly, huwag n'yo akong ihalintulad kay Pororo kasi kahit kailanman ay hindi ako naging siya."

Napatanga sila sa sinabi ko. Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa mga sinasabi nila na wala namang kwenta. Isaksak pa nila sa vagina nila ang dalawang iyon.

"That's my girl!"

Nanlaki ang mga mata naming apat nang pumasok ang lalaking iyon. Pumapalakpak pa. Wow! Supportive?

Anong ginagawa ng malanding ito rito? At ano raw? My girl? Utot niya!

"Marcus!" Agad na lumapit ang leader nila sa lalaking iyon.

He winked at her. "Hey babe."

Kahit sino talaga'y pinapatos niya kahit na mukhang paa pa. Kawawa naman siya, walang-wala na yatang mapatulan kaya napatol na sa kahit na sino.

She giggled. "Can I kiss you?"

Tumingin sa direksyon ko ang lalaking iyon. Nakataas pa ang sulok ng mga labi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napangisi ako nang mapansin ko na may kaunting pasa sa gilid ng labi niya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya kanina. Nararapat lang iyon sa kanya.

"Sure babe," tugon nito.

Napatili naman ang babaeng iyon at agad na ipinalibot ang mga braso nito sa leeg ni Marcus.

Impit na tumitili ang dalawa pa habang pinapanood ang mga ito.

Akala ko ba'y hindi siya nagpapahalik? Ano pa nga ba ang aasahan sa isang playboy na tulad niya?

Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Kaunting distansya na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi nang biglang itinagilid ni Marcus ang mukha niya kaya sa pisngi napahalik ang babaeng iyon.

"Sorry babe, I don't just kiss anyone." Tinulak niya ito palayo.

"Marcus naman!" Nagpapadyak pa ito.

Napairap na lang ako sa hangin. Ganoon na ba sila ka-desperada para lang mahalikan ang lalaking iyon? Isa lang pala ang masasabi ko kahit na karumaldumal na pakinggan.

I was so lucky! Yuck!

"Honey..."

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko at itinulak pasandal sa dingding. Napadaing ako sa lakas ng pagkakatulak niya sa 'kin kasi feeling ko mababali ang mga buto ko sa aking likuran.

Ay? 50 Shades of Grey lang ang peg?

Tumigil ka, Gianna!

"Ano ba?!" Itutulak ko na sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang magkabila kong braso.

Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Bakit niya ba ito ginagawa? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Kasi hindi pa naman kami gaanong magkakilala.

Siguro iniisip niya na easy lang ako.

"Marcus!"

Hindi niya pinansin iyong tatlo na hanggang ngayon ay narito pa rin pala at pinapanood kami.

"...Except this girl."

Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi namin. Pilit ko siyang itinutulak palayo nang higpitan niya ang pagkakahawak sa aking mga braso.

"Oh my God."

"He kissed Pororo!"

"I'm gonna die!"

Nang marinig ko ang salitang Pororo ay biglang kumulo ang dugo ko. I grabbed his nape and deepened the kiss.

Naramdaman kong nabigla siya sa ginawa ko. Mainggit sana sila na ako lang ang hinahalikan ng lalaking ito.

"Damn," he muttered in between our kisses.

Hindi ako marunong humalik pero nadadala niya ako. He was a good kisser, na kahit isa kang tuod ay matututunan mong humalik kapag magkalapat ang inyong mga labi.

"Let's go girls. I can't take this anymore!"

Nang makaalis ang mga iyon, kaagad ko siyang itinulak palayo. Natatandaan ko na noon ay gustong-gusto kong magkaroon ng first kiss. Ayoko nito! Nilalapastangan niya ang mga labi ko.

"B-Bakit mo ako hinalikan?"

"Pero nagustuhan mo naman." He smirked.

"Gago!"

Hindi lang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kanina...kundi torrid kiss? Leche ka talaga, Marcus!

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ng silid na iyon. Gusto kong sampalin ang sarili ko. I hated my temper. Madali akong mainis kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Let's go."

Nabigla ako nang akbayan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko nginisian lang ako.

"Ginutom mo ako," aniya

"So?"

"And you punched me right? I'll punish you."

"Punish mo ang mukha mo! "

Sasapukin ko sana siya nang mapigilan niya ako. "I will cook for you, honey."

Napaawang naman ang bibig ko sa kanyang sinabi. Ano raw? Ipagluluto niya ako? At bakit niya naman gagawin iyon?

"A-Ano?"

"I will cook for you," he repeated.

Ayaw ko sa ngiti niya kasi may nararamdaman akong kakaiba.

"No way! Baka malason pa ako sa niluto mo!"

Akala ko'y maiinis siya pero mas lalong tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Ginagalit talaga ako nito!

"Did you know that men are the best chefs? With just two eggs, one hotdog, and a little bit of milk, they can make a woman's stomach full for nine months..."

Pinasadahan niya ako ng tingin, nakangisi pa.

Hindi ko ma-gets ang sinabi niya kaya nakakunot ang noo kong nakatitig sa kanya.

Wait—two eggs? One hotdog? A little bit of milk? Stomach full for nine months? What the hell?!

"Malandi!" Tinuhod ko siya sa hotdog niyang may dalawang itlog.

"Tangina!" Nagtatalon ang loko sa sakit sa ginawa ko.

Umalis ako na mayroong ngisi sa aking mga labi. Sisiguraduhin ko na talaga na hindi na makakalapit sa 'kin ang manyak na iyon.

Ayokong mahawa sa kalandian niyang taglay.

Accidentally Kissed the PLAYBOYWhere stories live. Discover now