SB2

19 0 0
                                    


"Lavi! Get out of that place right now, like, right this instant! I've been trying to call you for the past i-dont-know minutes! J already know your whereabouts and he's after you!"

"What the fu--"

"You know what to do in this kind of situation. Don't come home, okay? And be safe! I'll do whatever I can to slow to them down. J's persistent to avenge his precious goddamn factory."

Hindi na ko nakapagsalita.

Damn that lousy old bastard! Nagsumbong pa talaga sa amo niya! Just when I'm enjoying my client's money that's when he chose to show his and his men's hideous faces!

"They're coming! You have 30 seconds to get out of that place! Move!"

Namatay na ang tawag kaya madali kong nilagok ang huling baso ko ng liquor, naglapag ng pera at tumayo na.

Sa fire exit ako dumaan tapos ay maingat 'kong tinignan ang paligid.

Sa parking lot ako dumiretso dahil nandoon ang hiniram kong kotse kay Nyx, yung tumawag kanina.

Kaibigan ko si Nyx at siya din ang tumatanggap ng trabahong gustong.. well.. ipatrabaho sakin, obviously.

Tumingin ako sa relo ko, 15 seconds.

Luminga-linga ako at saktong pagtingin ko sa kaliwa ko ay napatingin din sa akin ang lalaking naka-itim.

Tinitigan ko siya ng mabuti at ganun din ang ginawa niya sakin.

Kala ko ba 30 seconds, Nyx? Ten seconds lang ata, eh.

Napalabi ako tapos kumilos agad para tumakbo.

Damn it!

"Ay huta! Kala ko forever na! Hoy, mga gago! Nandito yung babae!" Dinig kong sigaw nito kaya napangisi ako at binilisan pa ang takbo.

Inikutan ko sa likod ng kotse yung
mga lalaking nakaitim na hindi pa nakakakita sa akin tapos ay lumabas agad ako ng parking lot.

Doon ko lang napansin na tabing gubat pala itong Bar na pinuntahan ko.

"Ayun! Ayun siya, tae! Dalian nyo!"

Habang tumatagal akong tumatakbo papasok sa masukal na gubat na pinasukan ko ay dumidilim ang paligid dahil sa naglalakihang mga puno na nandito.

Napahinto ako at pinakatitigan ang nagtataasang mga puno.

I flinched when I heard a gunshot just beside me.

That's cheating!

May isang lalaki na nangunguna sa kanila at may hawak na baril. Hindi ito yung lalaking nakipagtitigan sa akin kanina.

Tinignan ko ang paligid, walang nakasunod sa kanya. Hinintay kong maubos ang bala ng baril na gamit niya dahil bumabaril siya habang papalapit sakin.

Iniiwasan ko lang ang mga balang pumupunta sa gawi ko at nang maubos 'yon at dali-dali akong lumapit sa kanya at pinigil ang kamay niya na bubunot ng panibagong clip. Binatak ko ito at siniko siya sa leeg.

Sempiternal BlueWhere stories live. Discover now