"A-ah tita, este momsie colline, tulungan ko na po kayo."

"Oh Sammy baby gising ka na pala, oh sige. pakiabot na lang sa akin yung mga kailangan ko." Waw! Kahapon Sammy ko ngayon sammy baby na! lumelevel up XPP

After ng mga ilang minuto ...

"Tsenen. Ayan Sammy baby tapos na! Hmmm mukhang masarap 'tong niluto natin ah"

di ako pamilyar dun sa niluto namin basta nakijoin lang ako. Hindi naman ako marunong magluto eh. 

"Mukha nga po momsie. Tsaka ang bango bango! ang galing niyo po magluto!"

"Ikaw din naman sammy ah."

"Naku! hindi po momsie. Di po ako marunong magluto eh ^___^v"

"Wag ka mag-alala, kakausapin ko si Sander na turuan ka magluto. Magaling yan magluto eh. Hindi kita matuturuan sammy baby kasi babalik agad kami ng Korea after ng kasal niyo, may aasikasuhin pa kasi kami dun eh."

Awww.babalik na sila agad ng korea, wala na naman akong kakampi. Aapihin na naman ako nung pikachung chuping baklang Sandy cheeks na yun! Buti pa siya marunong magluto! Aissshhh siya na, siya na lahat!

Pagbalik namin sa table, nandoon na ang mga magpipinsan at nagsimula ng kumain ang lahat....

"Masarap ba sammy baby?" tanong ni momsie colline. Nakasanayan ko na rin siguro yung tawag niyang sammy baby, di ko na pinapansin.

"A-ah opo! Sobrang sarap po! Ang dami ko na nga pong nakain eh." sagot ko naman

"Iyan pa. Wala namang di masarap diyan eh! Lahat ng pagkain masarap para sa babaeng yan! Patay gutom kasi!" sabat ni Sander.

"O-oy di naman! Grabe ka, di naman ako matakaw at patay gutom----*Buuuuurrrrrpppppp*

napatakip agad ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata

>_< aawwwww....nakakahiyaa!!!!!  bakit ba kasi biglaan yung dighay...dyahe!!!!

"Sorry po, sorry! Sorry po tlaga!" sabi ko pagkatapos.

Nakita ko yung mga mata nila ganito oh

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon