SB1

18 0 0
                                    


11:11PM

"You, fuckers, don't know how to move! Hurry up!"

Patuloy lang ang pagtakbo ng isang babae sa madilim na gubat na pinasukan nito. Tanging linawag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kanya ngayon.

"There she is! Come on, run!"

She dodged the bullets that were coming her way. They couldn't keep with her pace, not to mention that she had been shot just a moment ago.
And it hurts like bitch. Hawak lamang niya ang dumudugong tagiliran.

Bumaling ito sa mga lalaking humahabol sa kanya habang tumatakbo at nagbato ng tatlong maliliit na kutsilyo.

Ang una ay tumama sa paa ng lalaking nangunguna, ang pangalawa naman ay sa kasunod nito. Nakayuko ang lalaking katabi nito kaya't ang nasa likod nito ang tinamaan ng panghuling dagger na binato ng babae.

"Shit! She's getting away! Fire, assholes!"

"Yung tranquilizer, mga gago! Ang tatanga nyo!"

Nakatanaw siya ng malaking pader sa di kalayuan. Lumiko siya sa malaking puno sa kaliwa at nagpatuloy sa pagtakbo.

Time to eliminate the witnesses..

She glanced at her back. There are more than five men but not exceeding a number of ten.

Mabilis ang galaw niyang umikot sa malaking puno at sinuot ang hood ng damit niya. Making her a little bit invisible as she tried to blend in with the darkness.

Binato niya ng maliit na kutsilyo ang dalawang nasa kaliwa. Nang dumaan sa gilid niya ang isa ay mabilis niya itong sinaksak sa dibdib.

Napatago siya dahil sa sunod-sunod na putok ng baril sa may gilid niya.

"Gago, wag mong ratratin kung saan-saan! Asintaduhin mo at kailangan natin ng buhay yan!"

"Hindi ko masight, boss!" Napahinto ang pagputok ng baril sa gilid niya kaya sumilip ulit siya at nagbato ng kutsilyo.

"Dumilat ka at wag kang tanga!" Tinamaan nito ang nasa likod ng dalawang nag-uusap pero mukang hindi nito napansin.

Binilang niya ang natira.

Apat nalang. Lahat may hawak na baril. Napatingin siya sa lalaking nasa may paanan niya, yung lalaking sinaksak niya sa dibdib.

Napangisi siya ng makita ang baril sa kamay nito. Dali-dali niya itong kinuha at tinignan kung ilan ang natitirang bala. Nakahanap pa siya ng isa pang handgun sa may bewang nito.

Sumandal siya sa puno saglit. Dahan-dahang sumilip at nakitang nag-uusap parin yung dalawa. Naghahanap naman sa dilim yung natitirang dalawa.

Hawak niya sa magkabilang kamay ang dalawang handgun. Magkasunod niyang binaril sa ulo yung dalawang naghahanap sa dilim kaya napapitlag yung dalawang nag-uusap.

Lumabas siya sa may puno at tinutukan ng baril yung dalawa na napatulala nalang sa kanya.

Napangisi siya. "Enough chit chat. I'm feeling bad already." At pinaputukan niya ito sa ulo ng sabay.

Sempiternal BlueWhere stories live. Discover now