"Nakikinig ka sa usapan namin ni Mama?"

"May tenga ako eh." Sabi ko nga eh! He touches my both hands and stared at my eyes. "Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yo, pangako."

I chuckled weakly. "Dalawa na kayo ni Papa na nangako sa'kin."

"Maganda kung ganun dahil pag nangako kami tinutupad namin, nakuha niya sa'kin yun eh." He bends down and kisses my cheek.

"I love you Amber." He whispered.

"I love you too, Damon." Bigla ko siyang niyakap kahit na alam kong labag 'to kela Mama. Hindi ko lang mapigilan na gawin 'to dahil kahit alam kong nangako sila na magiging ayos ang lahat, hindi naman namin alam ang mangyayari mamaya. Tama siya sa sinabi niya kanina, baka ito na yung huli kaya gusto ko nang sulutin. "Mahal na mahal kita Damon, laging mong tandaan yan. Kung ano mang mangyari ngayon, gusto kong malaman mong mahal na mahal kita."

"Aalis na tayo!" We heard Papa shouts. Bumitaw kami sa pagyayakapan ni Damon at tumingin sa pick up car na gagamitin namin. Nang makita ni Papa na nabaling na yung atensyon namin sa kanya sumakay na siya ng driving seat.

May kinuha si Damon sa bulsa niya na isang papel at inabot 'to sa'kin. "Pa-" Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil inilagay niya yung hintuturo niya sa labi ko para pigilan akong mag salita.

"Shhh." He mouthed.

Nag simula siyang maglakad ng kalmado papunta sa saksakyan habang nasa bulsa ang mga kamay niya. Binuklat ko muna yung papel na inabot niya sa'kin at nakita kong may sulat ito. Binasa ko naman agad 'to..

Pag natapos 'to, sana pumayag kang sumama sa'kin sa pag layo. Mag tanan tayo, baby.

Woe- what?!! Seryoso ba siya dito? Hindi naman niya isususlat kung hindi. Kaya ba sinulat lang niya dahil alam niyang baka nakikinig sila Papa at pag narinig nila 'tong plano niya paniguradong malaking gulo.

Dinig ko ang biglaang pag busina ni Papa kaya dali dali kong tinago yung sulat na binigay ni Damon at ginamit yung bilis ko para makalapit sa kotse.

Tumingin ako kay Damon na nakasakay ngayon sa track kasama si Mario. Nakatitig lang din siya ng seryoso sa mga mata ko. Yung tinginan namin parang nag uusap at alam kong tungkol 'to sa sulat niya.

Binuksan ko na yung pinto sa back seat at sumakay kung saan katabi ko si Maj.

Pag sakay ko ng sasakyan nag simula naman agad kami sa byahe papunta kay kung nasaan si Manuel. Tinuro ni Mario kung saan sila makikita dahil nga tumakas na siya dun.

Ginugulo pa din ako until now dahil sa sulat ni Damon. Hindi ko alam kung sasama ba 'ko o hindi. Siguradong mas lalong magagalit sila Mama kay Damon kapag sumama ako sa kanya. Pero pag di naman ako sumama, tulad nang sabi ni Mama kanina ilalayo nila 'ko kay Damon at seryoso sila dun.

Huminga ako ng malalim tsaka umiling para maalis 'to sa isip ko. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano maililigtas ang magulang ni Maj. at si Maj mismo dahil hindi dapat siya bawian ng buhay ngayon dahil ayokong maging bampira siya.

Tumingin ako kay Maj na halatang kinakabahan. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, natatakot ako."

"Normal lang yan, ganyan din yung nararamdaman ko pero kung pangungunahan tayo ng takot baka negatibo lang ang mangyari."

"Alam ko, sana lang may natutunan ako sa isang araw na training namin ni Damon para kahit papaano maipagtatangol ko sarili ko."

"Malay mo naman maka suntok ka ng isa." I tried to lighten the mood.

She chuckled, weakly. "Sana nga."

Inihinto ni Papa ang sasakyan medyo malayo kung saan nandun sila Manuel. Kasi daw baka maging takaw atensyon kami kung dadalhin pa namin dun yung sasakyan kaya ang plano ay maglalakad lang kami papunta sa tinutuluyan ng grupo ni Manuel.

Sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Dahil nasa liblib ang tinuluyan ni Manuel, ang tangi lang na maririnig sa paligid ay ingay ng crickets.

"Gawin na natin 'to." Mahinang sabi ni Papa sa'ming lahat habang nasa balikat niya yung ginamit niyang baril na parang bow noong nag train kami. "Damon sa likod ka nila, ako sa harap pag gigitnaan natin sila habang nag lalakad tayo papalapit sa bahay ni Manuel." Papa instructed.

"Sige." Walang pag dadalawang isip na sagot ni Damon. Tumingin siya sa'kin pero umiwas naman agad ako ng tingin. Ayoko kasing isipin yung sulat niya, kailangan kong mag focus sa gagawin naming 'to.

Sinimulan na namin ang pag lalakad sa hudyat ni Papa, sinusundan lang namin siya at tahimik na nag lalakad hanggang sa makita namin ang napaka laking bahay ni Manuel. Nag tago muna kami sa mga halaman para magmasid. May dalawang tao- i mean bampira pala na nagbabantay sa labas na parang gwardya.

"Handa na kayo?" Mahinang tanong ni Papa.

"Gawin mo na, nangangati na yung ko na ubusin sila." Damon said.

Itinutok ni Papa yung bow sa nasa left side na bampira at binaril ito na ikinabagsak niya. Sunod naman niyang binaril yung isang bampira and sa isang kurap lang nakita ko si Mama at Damon na sinugod yung dalawang bampirang binaril ni Papa at tinarakan ang mga ito ng silver knife sa puso.

Wow! Two down agad. Paano nila nagawa yun eh wala namang napag usapan na ganun ang gagawin? Dala na din siguro ng experience nila.

Nag simula si Papa na mag lakad papalapit sakanila kaya sumunod nalang kaming tatlo sakanila.

"Grabe, walang pagbabago yung tandem natin." Malaking ngiting sabi ni Damon kay Papa.

"Hindi pa oras para mag diwang. Dun ka sa kabila mag hanap ng pwedeng pasukan.." Pinoint niya yung right side. "..dito naman ako sa kabila."

"Wow! Ang cold mo!" Hindi na pinansin ni Papa yung sinabi ni Damon tsaka ginamit ang bilis, ganun din naman ang ginawa ni Damon pero mabilis din naman silang naka balik.

"Walang bukas na bintana o pasukan manlang, tulad ng ini'expect." Damon said.

"Kung ganun sa pinto tayo papasok." Papa said.

"Honey, siguro naman may idea kang baka trap 'to diba?" Pag aalala ni Mama.

"Oo naman."

"Hindi ba delikadong nag uusap tayo, baka may nakikinig." Pag sisingit ko sa pag uusap nila.

"Kaya nga baka trap 'to, pero wala tayong mapapala kung mag iistay lang tayo dito sa labas." Papa said. Nag simula na si Papa mag lakad papalapit sa pinto kaya sumunod nalang kami. Silang dalawa ni Damon ang nangunguna.

Si Damon ang nag pihit ng doorknob habang nakatutok yung bow ni Papa sa pinto para siguro abangan kung may biglang susugod sa kanya sa pag bukas ng pinto.

Pag bukas nito, walang kahit na sinong bampirang sumugod kaya nag senyas si Papa na pumasok na kami.

Sa pagpasok namin, wala manlang kaming nakitang kahit na anong gamit.

"Maligayang pag dating sa aking bahay.." Biglang pag papakita ng isang lalake, itsura palang niya alam mong may saltik na. Siguro siya si Manuel. "..mas maaga kayo sa oras na binigay ko. Maganda yan, ayoko din kasi masyadong nag hihintay."

Biglang binaril ni Papa si Manuel nung bow niya pero nasalo lang ni Manuel ng walang kahirap hirap yung arrow. "Talaga bang gagamitan mo 'ko nyan? Minamaliit mo ata ako Albert."

May mga biglang nag si labasan na bampira, yung iba may hawak na patalim yung iba baril na paniguradong silver bullet ang gamit dahil yun ang ginamit nila kay Mario. Sinimulan kaming pinalibutan ng mga tauhan ni Manuel na at halos wala manlang kaming magawa.

Shit!

--

Keep voting babies. ☆

The Immortal's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon