"Quit staring, baka mahalikan kita dito." he teased me at kinindatan ako.

"Lakas mo ah? Kumapit ka sa manibela, baka tangayin ka ng sarili mong bagyo.''

Humalakhak lamang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ako naman ay tumingin sa labas, sa mga poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag ng daan. Minsan napapaisip ako, tama ba talaga na nakipagrelasyon ako kay Hidalgo? I mean, I know his background. I've seen it with my own eyes.

Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag na makarelasyon siya. Bakit ako umoo, bakit ako umamo. Bakit ako nandito ngayon sa tabi niya. At kahit isantabi ko ang takot ko ay may mga pagkakataong umiibabaw iyon. Ilang beses na akong naiwan. Iniwan to be exact.

Marahan akong nagbuga ng hangin.

Alam kong hindi na bago sa akin ang makipagrelasyon, pero bago sa akin itong halos hands on ang Boyfriend. Dahil nagkaroon man ako ng ex noon, daig pa ni Tanda kung magawi sa bahay namin. Kung hindi pa magkaroon ng homework or ng school project, hindi ko makikita ang anino ng hinayupak na iyon.

Naalala ko bigla si Tanda. Kamusta na kaya iyong gurang na iyon? Alam kong nagtatampo ito, gusto ko man siyang tawagan or kontakin hindi rin pwede. Baka atakihin sa puso si Hidalgo. He hates it when I talk about Tanda, when I tried to contact Tanda. And whenever I'm trying to visit Tanda's fb. Kalandian nga naman talaga ni Hidalgo, may paselos-selos pang nalalaman.

Pwede ko naman siyang hindi sundin o deadmahin sa kaartehan niya. Yun nga lang sumusunod din naman kasi siya sa gusto ko. So, give and take lang. Mabait naman ako eh. Sa sobrang bait ko nga, noong isang araw sa University. Dahil may friendly game ang SH at ang IHU. May isang bobang cheerleader akong aksidenteng nabato ng bola sa ulo. Kung aksidente nga bang matatawag na direkta kong ibinato iyon sa direksiyon nila Cali, since nakapulupot ang pat-patin niyang braso sa leeg ng gago kong Boyfriend 'kuno'.

Mabuti na nga lang naniniwala silang hindi ko sinasadya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi, lalo na't naaalala ko yung mukha ng malanding lamang dagat na iyon.

"Stop grinning like that Quinn Azula." Suddenly, Cali, speak up.

"At bakit?" nakataas kilay na binalingan ko siya. "Krimen na ba ngayon ang ngumisi? Ha, Hidalgo?"

"Alam mo ikaw, wala ka talagang substance ng sweetness sa katawan mo no?" Nilingon niya ako at binigyan ng mapang-asar na ngiti. "Wala ka man lang bang endearment para sa akin, Mahal na Reyna?"

Tumaas lalo ang aking kilay kasabay ng nakakaasar na ngisi. "Alin yung mga Baby? Bakit sanggol ka paba? Yung Babe? Baboy ka ba ha, Hidalgo? Sweetheart? Hindi karin matamis na hugis puso at namumula sa arawan pwede ba?"

"Kaya nga ang unfair mo!" Pinandilatan niya ako. Demanding ng gago. "Ako, I'm calling you Queen—"

"—that's my name." Putol ko sa kaartehan niya.

"Queen, as in Reyna!" Tumigil siya sa pagda-drive at babatukan ko na sana ng mapansin kong red pala ang traffic lights.

"Oh! Linawin mo kasi." Tinitigan ko ang aking kuko. Bagay siguro sa akin ang burgundy nail polish? Kung minsan mas interesante pang titigan ang mga kuko, at mag-isip kung bakit iba-iba ang hulma nila sa daliri ng bawat tao. May mahahaba, may maiiksi. May malalapad at meron ding minalas at baku-bako ang pagkakatubo.

"Quinn, nakikinig ka ba sa akin?"

Nilingon ko siya, at halos magmukha na siyang may Belle's palsy sa ilang beses niyang pagkurap-kurap. Parang tanga. "You we're saying?"

Cali's Queen (Completed) EDITINGWhere stories live. Discover now