2♝

5 0 0
                                    

Itay, Buboy!! tayo na,tanghali na, maiipit pa tayong traffic.

Opo ate,si tatay kasi eh nagpapalagay pa ng pomada.

Napapailing nalang at nangingiti si Sarah sa sagot ng kapatid.

Pagkaraan pa ng ilang minuto lumabas narin ng kwarto ang mga Ito.

Aba!! Ang gara ng outfit naten tay ah.. San galing yan?

Naka slacks ng itim, black shoes na leather at checkered na blue Polo ang tatay niya. Nasa 60 na ang edad nito malakas pa ang pangangatawan at mababakas parin ang kagwapuhan. Kamuka niya and tatay niya parang male version niya ito. May kastila looks sila..sayang Lang at nabulag Ito sa isang aksidenta.

Bigay ito ni aling Doray Kay tatay ate.

nakita pa niya ang pag siko ng ama sa kapatid kayat napa tawa siya.

Naku, ang tatay luma -love life hehehe.

kinintalan niya Ito ng halik sa noo at ginulo niya ang buhok ng kapatid.

Ate naman, buhok ko po.

Reklamo neto na mas lalo nyang ikina tuwa.

Hahaha...sus tayo na nga...

Nag taxi na sila para mabilis makarating sa mall,wala silang imikan.

Tay,napag isipan niyo na ba yung sinasabi ko? Sama nalang kayo ni buboy sakin sa syudad mas kampante ako pag kasama ko kayo e.

Anak, papano pag biglang bumalik ang nanay mo?baka isipin nun inabandona natin siya.

Naikuyom nalamang ni Sarah ang mga kamay at dina umimik, hanggang kelan ba bago matanggap ng tatay niya na kelan man hindi na babalik ang nanay niya. Napabuntong hininga nalamang ang dalaga.

(Isang sunog na bangkay ng di pa nakikilalang lalake ang natagpuan sa isang creak sa likod ng isang gusali sa makati, Ayon Kay spo2 Jericho Sales, ang may hawak ng kaso maaring iisa ang killer sa mga nauna pang natagpuang bangkay sa....)

Naputol ang sasabihin ng tagapag balita ng ilipat ng taxi driver sa ibang istasyon.

Mam,paumanhin ayoko sa mga ganoong balita pag kuway,parang naeemagine ko. Di na ko makakaen kapag kow-an.

Hinging paumanhin ng driver, sa tono nito isa itong bisaya.

Okay lang manong,ako rin ayoko ng ganon.

Sagot nalang nya sa taxi driver.

Nakakatakot na talaga sa panahon ngayon,kaya ikaw anak mag iingat ka lagi ha. Lalo pat sa call center balita ko paiba iba oras ng trabaho. May mga pang gabi pa at madaling araw.

Singit ng tatay niya sa usapan.napalunok naman si Sarah, call center ang sinabi niyang pinag tatrabahuan niya. Sabagay call center naman talaga may halo ngalang illegal.

Pag dating sa mall kumain muna sila, bago nag grocery. hinayaan niya ang kapatid na kumuha ng mga naisin nito, bumili pa sila ng damit at sapatos ng kapatid at tatay niya. Nag susukat sa fitting room ang kapatid niya ng maramdaman niyang animoy may nag mamasid sakanya. Actually kanina pa niya ramdam yon binalewala lang niya. Lumingon lingon siya ngunit wala naman siyang makitang kakaiba. Ipinag kibit balikat nalang niya ito.

Roger, asan siya? May kasama ba?

Opo boss pamilya niya...

Oh wag kang papahalata..

Copy boss andito ako sa kabilang side ng mall di niya ako mapapansin dito....

Alam ni Sarah may nag mamatyag sakanya,iba na ang kutob niya...

Tay,Buboy.. tayo na.. sa martes babalik ako tay ha,ipapa suri muli natin sa doctor ang mga mata mo.

Biglang lumingon si Sarah sa kanan,saktong talikod ng lalake..

Napangiti si Sarah,

huli ka, sabi ko nangaba eh... sino sanang mamamasyal sa mall ng naka pure white as in all white mula sumbrero, long sleeve ,slacks ,sapatos white... Kung may men in black etong mga to ang men in white.

Wika ni Sarah sa isip agad siyang pumara ng taxi pagka labas nila ng mall. Sinipat niya ang relo sa kamay 5:30 may oras pa siya. 7:30 dapat nasa red dragon na siya kundi isang buhay nanaman ang mawawala.........

Girl On FireWhere stories live. Discover now