1♝

14 0 0
                                    

CHAPTER 1

Waaaaaaaaggg poooooo!!!!!!

Huhuhu...sob!!!!!!

Umiiyak ang isang bata sa harap ng isang lalake. Hilam sa luha ang muka nito at nagmamaka awa sa lalakeng animo demonyong nakangisi...

Sarah.. Sarah... wake up.
Biglang napa bangon si Sarah sapo ang kanyang dib-dib hingal na hingal siya.

Ano ba girl? Nightmare? Oh wet dreams?hehehe pawis na pawis ka umuungol pa...

Napabuntong hininga si Sarah at di nalang pinansin ang biro ng kaibigan,nasa iisang kwarto sila sa inuupahang apartment, studio type lang kasi yun at share sila sa bayad.

Nanaginip nanaman siya,paulit ulit lageng ganung eksena may batang umiiyak,may lalakeng parang demonyo. Bigla siyang tumayo at dumeretso sa banyo, kunot noo namang sinundan lang siya ng tingin ng dalaga.pagkaraay lumabas na din sa banyo ito.

Uwi muna ako ngayon sa bahay, Sunday eh, hinihintay ako ni Tatay at ni Buboy ipapasyal ko sila.

Sa downtown kasi ang trabaho niya at mahirap sakanyang bumyahe araw araw kayat nais man nyang makasama nalang ang ama at kapatid wala siyang choice. Siya ang nagtataguyod sa pamilya niya. Nabulag ang tatay niya, ang nanay niya naman wala siyang balita simula mangibang bansa ito, wala ng paramdam sakanila. Ang kapatid niya nag aaral kayat pag may pasok ang kapatid niya ang kapit bahay nila ang tumitingin sa tatay niya sinusweldohan nalamang niya ito. Oras lang naman di naman buong araw at di naman araw araw.

Okay girl,aura na rin naman akira mamaya.. mag kita nalang tayo next week.

Ganun mag salita ang kaibigan niya parang bakla, nasanay nalang din siya at kahit siya ganun na din mag salita minsan . Agad na siyang gumayak ng umalis ang kaibigan niya. Mabilis niyang hinila ang maliit na kahon sa ilalim ng kama at nag bilang ng ilang lilibuhin. Dun niya tinatago ang pera niya, ayaw niya sa bangko, hassle pa daming papeles tapos pag naholdap pa ang bangko walei problema pa pending pa ang pera at kung mas minalas ka goodbye na.

Kumuha siya ng 30k sakto na yun pamasyal nila at pang grocery mag iiwan na din siya ng pera sa kapatid niya.

Ayan nanaman ang mga chismosa

bulong ni Sarah sa sarili ng maulinigan niya and bulung-bulungan ng bawat madaanan niya.

Kriiiiing.....krinnng..

Nagulat si Sarah ng biglang tumunog ang cp niya.

Napalunok siya ng makita ang numero sa screen niya,nanginginig ang kamay na sinagot niya Ito.

Sasha, mukang lumilihis ka nanaman sa landas na dapat mong tinatahak.

Agad sabi ng nasa kabilang linya.

Hihintayin kita dito mamayang gabe, sakto alas otso dapat andito kana, ayaw ni Mr. Cheng na pinag hihintay siya..

Yun lang at nawala na ito sa kabilang linya, naiiyak siya ng sumakay sa taxi.

Mareng Choleng lumabas nanaman ang higad pihado mamaya lang may mamamatay nanaman.

Kow, tong matandang to apat na lalaki palang naman ang namatay kung magsalita ka, kontra ng matanda sa kaibigan.

Oo nga apat na naugnay diyan, siya naman ang nakakasama ng mga yun tapos bigla nalang namamatay,baka nga siya pa ang pumapatay. Dag dag pa ng matanda.

Sows.. Malay mo naman Kung may kagalit ang mga yun nagkataon Lang na kakilala niya.

Nagkibit balikat nalang ang matandang Choleng sa tinuran ng kaibigang matanda.

Kalat talaga ang chismosa sa lugar nila at maraming adik talaga sa panahon ngayon, siya man ay nahihiwagahan sa babaeng si. Sarah kung bat apat na lalake na ang naugnay dito at paglipas ng ilang buwan o ilang linggo lang nababalitaan ng patay. Ngunit sino siya para husgahan ito.

Inay, ke aga-aga ha mukang nag tatalo kayo ni aling Goring. Napalingon ang matanda sa anak at nakita niyang bihis na ito.

Sus,di kana nasanay dun,dumaan kasi yung dalaga diyan sa apartment alam mo na. Oh papasok ka naba anak?

Opo nay, ako ang may hawak ng kaso nung apat na namatay at di naman yang si Sarah ang suspect, napag alaman na sangkot sa kung saan saang sindikato ang mga yun.

Nag mano at nagpaalam na si Jericho sa ina.



Wag...maawa ka..waaaaaaaaag....
Bumagsak ang sunog na katawan ng lalake sa lupa matapos itong matamaan ng tila bolang apoy.

Hahahaha good job..serves you right.. Rod linisin ang walang kwentang basurang yan...

------------------------------------------
Pasensiya na guys.. magulo ata ang chapter one.. haha

Girl On FireWhere stories live. Discover now