Napasuklay sya sa buhok nya sa sobrang inis sa akin.

          Grabe! Kapal nya ah! Sya pa talaga may ganang mainis sa amin ngayon?!

          Balak ko na ngang linisin yung pangalan ko sa buong school na 'to eh! Tapos bigla nyang sasabihin na girlfriend nya ako sa harap ng madaming babae sa school?! Huh! Mas lalo nya lang pinalala yung sitwasyon ko ngayon! Bwiset sya! 

          "Look, Miss!" sabi nya saka ako dinuro-duro. "I save you from those girls kaya ko sinabi iyon. Sa tingin mo ba, hahayaan ka nilang makatakas ng buhay ng ganoon-ganoon na lang dahil sa pinagpopost mo sa Facebook ah? Hindi. Kaya may utang na loob ka sa akin! Kaya wag kang umasta na parang utang ko pa sa'yo na niligtas kita!"

          "Bakit? Sino bang humingi ng tulong sa'yo ah?" taas-kilay na sabi ko saka pinagcross yung mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. "Kasi ako wala akong natatandaan na nagpatulong ako sa'yo na sagipin ako."

          "WHAT?!"

          "Kaya no choice tayo pareho kundi panindigan 'tong "fake" relationship na 'to!"

          Ilang sandali na naman syang napatitig sa mukha ko. Nakakaconcious na tuloy. Ano bang meron sa mukha ko at titig na titig sya?

          Hindi iyong titig na may something ah? Yung tingin na parang may di sya mabasa sa mukha ko o di makita. Ganoon!

          "Ah! Nakuha ko na!" sabi nya saka ngumisi. "Pinagpipilitan mong maging girlfriend kita kasi may gusto ka sa akin!"

          "ANO?!!!" ano daw?! Ano daw sinabi nya?!

          Ako?! May gusto sa kanya?! HUH?! Okay lang ba sya?!

          "I must say na magaling ang technique na naisip mo Miss. Bagong-bago. Wala pang nakakagawa ng style na yan noon sa akin. Iba ka huh? Naloko mo ko doon!" sabi nya sabay napacross arm na din. "Galing mo."

          Hindi ako makapaniwala sa lalaki na 'to! Ako?! May gusto sa kanya?!

          Like, hello?! Isa lang ang gusto ko at iyon si Kaizer Buenavista ng Dating a Superstar ni MaevelAnne sa Wattpad. Sya lang! Hindi yung Kaizer na 'to na ubod ng yabang!

          "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na na-mali lang ako ng pagkakatag ko sa'yo ah?!" inis na sabi. "Hindi ikaw yung Kaizer na boyfriend ko. At never, as in never magiging ikaw yung Kaizer na yun!"

          Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa.

          Okay, gwapo nga sya. Di na ako magtataka kung bakit ang daming nababaliw sa kanya sa school namin na 'to. Second, mukha syang bad boy. Isa yan sa mga kinababaliwan ng mga babae ngayong 21st century. At balita ko, mayaman din ang mayabang na 'to kaya may point din sya doon.

          Pero yung ugali? Huh! F an F sya sa akin! As in Fail na Fail!

          Tatalon na lang ako dito sa rooftop na 'to imbes na magkagusto sa lalaki na 'to ano!

          Si Kaizer Buenavista lang ang gusto ko! Yung fictional character! Iyon lang!

          Saka, sa totoo lang, boyfriend talaga kami ni Kaizer (fictional character) sa Facebook. Ako kasi yung handler ng female operator ng partner ni Kaizer. Laking tuwa ko nga nung natanggap ako sa audition ng character ni Lyka eh! Kyaaaaaaaaaa!

          Isipin mo na lang, na magiging boyfriend mo sa internet yung kinababaliwan mong lead character sa paborito mong story. Ang saya di ba?! Natupad mo na yung isa sa mga fan girl dreams mo!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon