You're back, my queen.

865 22 3
                                    

Dedicated to: Jerdel Pascua, Trisha Fortaliza

Mika's POV

Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sakin si Ara, namimiss ko na siya.

Sumuko na kaya siya? Sinusubukan lang kita, mahal.

Kung kelan naman kaya ko ng magtiwala ulit eh tsaka ka naman nawala.

Nakapag isip na din ako na sapat na lahat ng pagtitiis mo sakin para magtiwala ulit sayo.

Namimiss na kita, sana alam mo yan.

Ayokong hindi ka nagpaparamdam sakin, ayoko na hindi mo ipinaparamdam sakin na mahal mo ako.

Ayoko na mawala ka sakin kasi sigurado na ako sa nararamdaman ko.

Mahal kita Ara pero siguro nga sumuko ka na.

Wag naman please.

Ara's POV

Lumipas ang mga araw, hindi ako nagparamdam sakanya.

Namimiss na kita prinsesa ko.

Parte na ng buhay ko ang paglingkod ko sayo araw-araw.

Namimiss mo kaya ako? Siguro nga hindi mo na talaga ako mahal.

Pero ayokong magpadala sa mga akala ko

Hinahanap ko ang paghanda ng breakfast mo.

Hinahanap ko ang pagbigay sayo ng bulaklak.

Hinahanap ko ang pag alok sayo para ihatid at sunduin kita.

Hindi pa ako pagod mahal.

Nandito pa din ako at iniintay na maibalik ang tiwala mo.

Di bale ng masaktan ako ng mga salita mo ng ilang beses.

Kung saktan man ako ng mga salita mo gagantihan kita ng yakap at kung paulit ulit kang bumitaw paulit ulit kitang hahawakan.

Kasi handa akong ipaglaban ka.

Nakakamiss ang lahat pero hindi ko alam kung ang ginagawa ko ay sapat.

Ipaparamdam ko sayo ang pakiramdam na mahalin kung ikaw ay magiging sakin.

Hindi ako susuko kahit ang pagtatabuyan mo sakin ay unti-unti na akong ipinapako.

Sana ay hindi pa ako huli para alagaan ka ng mabuti.

Gagawin ko lahat para sayo kahit na magmukha pa akong aso.

Nawala ang aking pag iisip ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ara"

Boses palang niya kilala ko na at alam kong si Mika yun.

Iba ang tawag niya sa pangalan ko, hindi ko naramdaman ang inis, galit sa pagtawag niya sa pangalan ko.

Naramdaman kong may yumakap galing sa likod ko.

Naramdaman ko ang gulat at saya dahil sa loob ng ilang taon niyakap na niya ulit ako.

Ang saya at ang gaan sa pakiramdam ng mga yakap niya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa likod ko at niyakap ko siya paharap.

Naramdaman kong umiiyak siya sa balikat ko.

"Shhh why are you crying?" tanong ko sakanya.

"I'm sorry." umiiyak na sabi niya sakin.

"Bakit naman? Diba dapat ako ang humingi sayo niyan?" Sabi ko sakanya.

"Baka kasi napagod ka na, sinusubukan lang naman kita." patuloy pa din siya sa pag iyak.

"Binigyan lang kita ng space pero hindi ako susuko sayo, sobra kitang mahal kaya hindi ko hahayaan na sumuko ako hangga't di ko nakukuha ang mga tiwala mo."  yakap ko siya ng mahigpit habang sinasabi ko yun sakanya.

"I love you."

Nabuhayan ako sa sinabi niya, sobrang saya ko. Worth it lahat ng tiniis ko, mahal pa din ako ng taong sobra kong mahal.

"M-mahal mo ako?" tanong ko sakanya.

"Oo nga, gusto ko lang sabihin na handa na akong ibigay ang tiwala ko para sayo." nakangiti niyang sabi sakin habang yakap ko pa din siya.

Napatalon ako sa sobrang saya, nakita ko namang tumatawa siya habang nakatingin sakin.

SOBRANG SAYA KO!!!!

Pagkatapos ng lahat, you're back mg queen.

Niyakap ko siya.

"I love you, sobra." sabi ko sakanya tsaka hinalikan siya sa noo.

"Simula nga pala ngayon, liligawan na kita. Hindi to tanong, gusto ko lang na alam mo." abot langit ang ngiti ko ng sabihin sakanya yun.

Hawak kamay kaming bumaba at dumiretso sa Sala.

Napatingin sila sa kamay namin at tumakbo si Kim kay Mika at niyakap ito.

"Thank you Mika for giving my bruh another chance!" masayang sabi nito sa mahal ko.

"I'm so happy for the both of you!!" sabi ni Cyd.

"KARA IS BACK!!!!!" sigaw ng team mates namin.

"CONGRATS BRUH!!!"

Alam kong masaya sila para sakin, masaya din ako.

Sobra.

Thank you Mika for trusting me again :) I love you so much. Hindi na kita bibiguin.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon