WELCOME BACK MIKA AND CYD!!!!

669 19 1
                                    

Mika's POV

"Hi guys."

Sabay naming sabi ni Cyd sakanila.

Natawa kame lahat sa mukha nila kasi lahat sila hindi kumibo at nakatulala.

Gulat na gulat sila HAHAHAHA

"MIKA, CYD!!!!!!" sigaw ni Kianna

Tsaka tumakbo sya samin

Nagsunudan na yung team mates namin at dinaganan kami HAHAHAHAHA

"Ang bigat nyo guys WAIT!!!!" sigaw namen ni Cyd

Ang dami kasi nila eh

Umalis sila sa pagkakapatong samin at umupo kami sa sofa.

Pinasok ni jerome yung gamit namin.

"Siya ba yung jerome?" tanong ni Ara

"Uhmm, oo :))" sagot ko

"Guys si jerome nga pala, boyfriend ko :))"

"HI JEROME!!!" bati nila except kim and ara

Ano bang meron hahaha

"Chikahin nyo naman kame!!"

"Teka lang, jerome uwi ka na muna alam kong pagod ka hahaha thanks sa pagsama! :)"

Hinatid ko sya sa labas

"Ingat kaaa!"

"Thank you yobab!!"

"Hahahaha I love you!" kiniss ko sya sa cheeks bago umalis

"I love you too, queen! :)"

Tsaka siya umalis

"ANG SWEET NAMAN!!" panunukso ni Cyd

"So yun magkwento na kayo!!"

"Ano bang gusto nyong ikwento namin?" tanong ni cyd

"Bakit kayo umalis ng walang paalam?" tanong ni Kim

"Alam nyo na naman yon diba? Hahahaha nagkaissue nga kasi hahahaha" sagot ni cyd

"Anong issue??" tanong ni Kianna

"Nubayan kianna, hahaha moving on issues" sagot ni cyd

Napatango naman sila

"Bat nag iba kayo ng number? Bakit ayaw nyong macontact namin kayo?" tanong ni Ara

"Hays anubayan kain na tayo tama na yan HAHAHAHAHA" awat ni Cyd.

Nakiramdam na din siguro si Cyd.

Ang ingay naming kumakain pero si Kim at Ara tahimik lang, ano bang meron sa dalawang to?

Dumating si carol at agad nya kaming niyakap.

"Hi mga ate!!!" bati ni carol samin.

"Hi carol namiss kita!" bati naming dalawa.

"Namiss ko din kayong dalawa sobra! Grabe" tugon niya.

Nang matapos kami kumain umakyat na ako dun sa kwarto namin dati ni cyd.

Ganun pa din naman, walang nagbago sa kwarto.

Inayos ko yung gamit ko nang magbukas ang pinto.

Hindi ko ito pinansin hanggang magsalita na siya.

"Mika, I'm sorry."

Nilingon ko ito at si Ara pala iyon.

"Para san?" sagot ko.

"Dahil nasaktan kita noon." lumuluhang sabi niya.

"Noon pa yun, ara. Okay na ako." tugon ko.

"Mahal kita, Mika. Please give me another chance please. Nabulag lang ako sa nararamdaman ko para kay Bang noon sorry Mika. Please ye, miss na miss na kita." sabi niya.

Nagulat ako pero sumagot naman ako.

"Ara, huli ka na. May Jerome na ako, may boyfriend na ako." sabi niya.

"Mika please, alam kong mahal mo pa din ako mika please." umiiyak na sabi niya.

"Di na kita mahal, Ara." sabi ko tsaka lumabas ng kwarto.

Ara's POV

"Di na kita mahal, Ara"

Ang sakit pala, kung bakit ba naman kase ang tanga ko noon eh.

Naiinis ako sa sarili ko, ang laki kong gago. Sinaktan ko yung taong wala namang ginawa kundi mahalin at pahalagahan ako.

Huli na ako eh, masaya na siya sa piling ng iba. Ganito pala yung naramdaman niya nung ipinagpalit ko siya, higit pa dito ang naramdaman niya.

Hold on Ara. Si Mika nagawa ka niyang tiisin siguro oras na para ikaw naman ang maghirap.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon